Jake Cuenca happy about acting nomination in New York

“I like doing roles that break boundaries, you know, in a provocative way. I’m always gonna push for something different. I don’t like doing the same thing over and over again,” says Jake Cuenca on why he has become choosy about next projects.


Natutuwa si Jake Cuenca sa kanyang nominasyon bilang Best Actor sa 4th Queens World Film Festival sa New York para sa pagganap niya sa indie film na Nuwebe.

Bukod kay Jake, nominado rin ang co-star niya sa pelikula na si Barbara Miguel, para naman sa Best Actress category.

Read: Jake Cuenca and Barbara Miguel nominated for acting awards in New York film fest

“I’ve been so happy about that, natutuwa ako na napapansin ako sa ibang bansa,” sabi ni Jake nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press conference ng bago niyang teleseryeng Ikaw Lamang, kahapon, March 5.

Dagdag niya, “It’s my first nomination in the States and I’m super happy about it.

“I’m not gonna be able to go, but just the nomination alone, parang nabu-boost yung confidence ko.”

BIDING HIS TIME. Dahil sa mga pagkilala tulad nito, itutuloy pa rin daw ni Jake ang paggawa ng indie films.

“Definitely, gagawa talaga ako niyan.”

Subalit aminado siya na magiging mapili na siya sa mga susunod na gagawing proyekto.

Aniya, “Hindi ako nagmamadaling gumawa ng indie agad.

“I’m not gonna do a movie agad because I think what I did last year was super good.

“In terms of indie and mainstream, all I did were super good.

“So, until na may mag-offer na mas maganda or mas kapareho, hindi ako nagmamadali gumawa agad.”

Noong nakaraang taon, napabilang din si Jake sa indie film na Lihis.

Sa mainstream, tatlong pelikula ang kinabilangan ng Kapamilya actor: Tuhog, Status: It’s Complicated, at When the Love is Gone.

Dahil naging maganda ang kinalabasan ng mga ginawa niya noong nakaraang taon, gusto ni Jake na maiba naman ang kanyang gagawin sa susunod.

“I just wanna keep being different in every project.

“You know, natutuwa lang ako na lagi nila ako binibigyan ng mga kakaibang proyekto."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Jake, “I like doing roles that break boundaries, you know, in provocative way.

“I’m always gonna push for something different.

“I don’t like doing the same thing over and over again.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN