Julia Montes denies romantic involvement with Coco Martin

Julia Montes on playing second lead in Ikaw Lamang: “Hindi mo siya mapi-feel na support ka lang, kasi sa ganda ng istorya, sa ganda ng proyekto, sa galing ng mga makakasama mo, proud ka to be part of this project. Gustung-gusto ko yung mga makakatrabaho ko… ito, pinagsama-sama [ang magagaling na artista]. Tatanggi pa ba ako? Ito, wala akong ikatatanggi talaga.”


Sa kabila ng pagtanggi nina Julia Montes at Coco Martin na may namamagitan na sa kanila, hindi pa rin mamatay-matay ang balitang may relasyon na sila.

Ngunit iginiit ni Julia na walang espesyal na namamagitan sa kanila ni Coco higit pa sa pagiging magkaibigan.

Sabi ng Kapamilya young actress, “Focus po muna sa work, trabaho talaga ang priority ko.

“Siya talaga ang nag-a-advise sa akin, talagang ginagabayan niya ako.

"He’s really a good friend.

“Kung puwedeng maging kami? Mahirap magsalita nang tapos.”

Hindi naman ikinaila ni Julia na “boyfriend-material” si Coco.

“Kasi nakikita naman natin kung gaano siya kabuting tao.

“Yun nga, sinabi ko kanina, wala siyang masamang tinapay, talagang family-oriented siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa press conference ng pinagsasamahan nilang teleserye ni Coco, ang Ikaw Lamang, noong Miyerkules, March 5, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.



SEOND LEAD? Kung sa una nilang teleserye na Walang Hanggan ay sina Julia at Coco ang magkapareha, dito sa Ikaw Lamang ay sina Coco at Kim Chiu ang lumalabas na magkatambal.

Lumalabas ding tila second lead lang ang role dito ni Julia.

Bakit pumayag si Julia na tanggapin ang role gayong panay lead roles na ang ginampanan niya?

Sagot ng 18-year-old actress, “Yes naman, kasi nandito ako para magtrabaho.

“Masaya ako na nabigyan ako ng project after Muling Buksan ang Puso, yun naman ang focus ko talaga.

“Hindi mo siya mapi-feel na support ka lang, kasi sa ganda ng istorya, sa ganda ng proyekto, sa galing ng mga makakasama mo, proud ka to be part of this project.

“Gustung-gusto ko yung mga makakatrabaho ko… ito, pinagsama-sama [ang magagaling na artista].

“Tatanggi pa ba ako? Ito, wala akong ikatatanggi talaga.”

Dagdag ni Julia, “Sabi nga namin, ‘eto, di man kami magka-loveteam, may susuportahan sila.

“Gaya ng sinabi ko kanina, relatable yung story namin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May kababata ka, ano ang pakiramdam mo, lumaki kayo na magkasama, hanggang sa tumanda kayo magkasama kayo…

“Yun ang dapat nilang abangan, hindi man sila magka-loveteam, maraming dapat abangan.”



KATHRYN’S DEBUT. Nalalapit na ang debut ni Kathryn Bernardo sa March 26.

Bilang isa sa pinakamalapit na kaibigan ng young actress, may partisipasyon ba si Julia sa birthday celebration nito?

“Wala pang nababanggit, pero mayroon nang gagawin, e.

“Hindi ko alam kung puwede nang sabihin ito kasi parang… napag-usapan namin before pa na ito ang gagawin namin.”

Masaya rin si Julia na sa kabila ng pagkukumpara ng ibang tao sa kanila ni Kathryn ay hindi naapektuhan ang kanilang pagkakaibigan.

Saad niya, “Gaya ng lagi kong sinasabi before pa, hindi man kami laging magkasama, yung friendship, nandun.

“Pag nagkita kayo, parang nagba-backdraft lahat na parang feeling ko, kakasama ko lang sa kanya kahapon.

“Never, never naapektuhan.

“At yun ang proud kami, kasi yung friendship na dapat i-cherish…

“Kahit na ano ang ibinabato sa amin, kahit na anong intriga, wala talaga, walang nakaapekto sa amin.

“Actually uma-ate ako pagdating sa ganyang bagay, e.

“Nakita ko rin yung growth niya bilang aktres.

“Bilang isang kaibaigan at katrabaho, nakita ko rin yung paglaki niya sa show business.

“Yung mga dini-dream niya, heto, nagdadatingan na.


“Yung mga blessings, happy ako bilang ate, bilang best friend, bilang kaibigan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN