PEP EXCLUSIVE. Deniece Cornejo unfazed by Vhong Navarro’s perjury complaint and strong evidence against her

Deniece Cornejo on Vhong Navarro’s insistence that he did not sexually abuse the 22-year-old model. “It is but natural that he will undermine my character and deny at all costs that he raped me," says Deniece, who stands by her rape allegation against the Kapamilya actor.


Pinaninindigan ni Deniece Cornejo ang reklamong panggagahasa na inihain niya laban kay Vhong Navarro.

Ito ay kabila ng patuloy na pagdiin ni Vhong na hindi totoong hinalay niya si Deniece sa condo unit na tinutuluyan ng dalaga sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong January 17 at 22, 2014.

Kahapon, March 6, nagtungo si Vhong sa Manila Prosecutor’s Office upang pormal na maghain ng reklamong perjury laban kay Deniece; pati na sa mga kasamahan nitong sina Cedric Lee, Bernice Lee, at Simeon “Zimmer” Raz Jr.

Read: Vhong Navarro files perjury raps against Roxanne Cabañero, Deniece Cornejo, Cedric Lee

Pahayag ni Deniece ukol dito: “It is but natural that he will undermine my character and deny at all costs that he raped me.

“Also, I haven’t seen the perjury complaint so I cannot really comment on it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Deniece sa pamamagitan ng palitan ng text messages ngayong araw, March 7.

Matatandaang nauna nang ipinaliwanag ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga kung bakit “liable for perjury” ang rape complainant na si Deniece.

“The first time was when she filed a rape complaint and said that Vhong raped her and the evidence shows it is not true.

“Secondly, she perjured herself again when she asserted that rape happened to support her petition for a protection order with the RTC [Regional Trial Court] in Taguig.

“The third time was when she asserted the falsehood that on January 17, a rape occurred, when in all her previous allegations she has categorically said nothing of that sort happened because she sent Vhong away,” pahayag ni Atty. Mallonga sa panayam ng PEP noong February 26.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp to file perjury and libel charges against Deniece Cornejo, Cedric Lee



“SPLICED CCTV FOOTAGE.” Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP kay Deniece noong March 5, kinuwestiyon ng modelo ang closed-circuit television (CCTV) footage, na isinumiteng ebidensiya ng actor-host laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito ay makikitang sakay ng elevator si Bernice, kasama ang dalawang lalaki, papunta sa condo unit ni Deniece sa Forbeswood Heights.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sumakay ulit ng elevator si Bernice, ngunit hindi na kasama ang dalawang lalaki, na ang isa ay natukoy bilang si Zimmer.

Ang naturang CCTV footage ay kuha noong gabi ng January 22, halos 30 minuto bago dumating si Vhong sa condo, upang bisitahin si Deniece.

Patunay raw ito, ayon sa legal counsel ni Vhong na si Atty. Mallonga, na “set-up” ang insidenteng pambubugbog sa actor-host noong gabing iyon.

Buwelta ni Deniece: “That’s only their conclusion.

"E, wala naman sila dun.

"Sana nga may CCTV sa hallway para makita nila.

“Please be aware that there are different kinds of CCTVs that they must know first. Maging matalas.”

Sinagot din niya ang espekulasyong may ugnayan sila ni Cedric dahil sa “kissing CCTV footage” na nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa Forbeswood at naisapubliko noong February 14.

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro.

Giit ni Deniece, “We don’t have a relationship.

“Both family are dedma nga. The station are just the one claiming it.

“Let’s make it simple. Kung nasa ‘yo na buong araw ang CCTV, bakit isu-suspense mo pa yung beso-beso? Para magmukha kaming nakakahiya?

"This is not a teleserye."

“ACTOR PROFILE CASE.” Umalma rin si Deniece sa tila “paputol-putol” na paglabas ng CCTV footages kaugnay ng dalawang okasyong binisita siya ni Vhong sa Forbeswood Heights.

Giit ni Deniece: “This is an actor profile case.

"Bakit paputol-putol ang pagkuha? Dun pa lang, maling-mali na.

“The rest of the questions will be answered sa court na at di na kailangang pagpiyestahan ng buong bayan. Dahil mas marami pa dapat atupagin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa akin nilagay para pagtakapan ang gobyerno."

Ito ay sa kabila ng opisyal na pahayag ng United Megaforce Security Agency, noong February 1: “CCTV footages, logbooks, and other documents being asked from our Security Agency by the NBI and the police are all properties of our client Condominium.”

Hindi raw nila maaaring i-release ito nang walang pahintulot ng Forbeswood.

Sa huli, sinabi ni Deniece na malaki ang “advantage” ni Vhong na paniwalain ang publiko sa gusto nito, sanhi ng celebrity status ng actor-TV host at dami ng fans na sumusuporta rito.

“This goes to general. Advantage of having a lot of fans or supporters marami maniniwala sa ’yo.

“But the disadvantage of it, marami ka din naloloko/nalilinlang.

"At dadating sa point na hindi mo na din kilala sarili mo dahil nabubuhay ka sa panlilinlang.”

Nais din linawin ng modelo na wala siyang social media account sa Facebook at Twitter, maliban sa Instagram na may handle name na “onlyrealdeniece.”

Mga kaibigan daw niya ang nagma-manage ng naturang Instagram account, pero “’pag may Deniece Cornejo na statement, sa akin yun [galing].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN