Kristoffer Martin clarifies mystery behind the missing ring

Kristoffer Martin on possibility of getting back together with ex-girlfriend Joyce Ching: “Ayokong mag-close ng possibilities. Ayokong sabihin na hindi, ayoko. Pero eventually, ‘di ba? Pero kung ano, definitely si Joyce na yung last na showbiz.”


Naging isyu sa breakup nina Kristoffer Martin at Joyce Ching ang pagkawala ng isa sa identical rings nila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kristoffer ay ipinaliwanag nito ang “misteryo” ng nawawalang singsing.

Lahad niya, “Ganito, ibinigay niya sa akin…


“I mean, for ano, para maalala lang, ganyan-ganyan.

“’Tapos kinukuha niya, hindi ko na ibinalik.

“Sabi ko, ‘Akin na lang muna ‘to.’

“Iyon yung malinaw.

“’Tapos nung kinukuha niya, hindi ko na ibinalik, sabi ko akin na lang muna.”

Dalawa ang naturang singsing at yung kay Kristoffer ang nawala, at ikinasakit ito ng damdamin ni Joyce.

Sabi naman ng young actor, “Na-hurt din ako nung nawala yung sa akin.

“Kasi nasa taping ako nun, nasa bulsa ko lang, ‘tapos yung bulsa ko, butas pala.

“Kasi yung pantalon na yun, sa wardrobe.”

May plano ba siyang bumili ulit ng identical na singsing?

“Para kanino naman yung isa?” balik-tanong niya.

Balita kasing nagkabalikan na sila ni Joyce?

Giit ni Kristoffer, “Hindi, hindi promise.”

NOT TRUE. May balita ring isa sa naging problema nila ay ayaw sa kanya ng parents ni Joyce. Totoo ba ito?

Tanggi ng young actor, “Hindi! Walang ganun, walang ganun.

“Yung ganung isyu, siguro sa amin na siguro yun, hindi na dapat ilabas.”

Pero hindi raw totoo na hindi boto sa kanya ang mga magulang ni Joyce.

“Hindi, hindi naman.

“Pero yung regarding na pasok na yung family, sa amin na yun, sa amin na yun.

“Maayos kami.”

Two years and eight months ang itinagal ng relasyon nila.

Hindi ba mahirap na ang leading lady niya sa Paraiso Ko’y Ikaw ay si Kim Rodriguez at ang kontrabida nila ay si Joyce, na ex-girlfriend niya?

Saad ni Kristoffer, “Hindi naman, kasi trabaho, artista kami, e. Labas nga ang personal na buhay.

“In the first place, bago namin ano, nililinaw namin sa lahat ng interviews na labas ang personal na buhay sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kahit na anong role ang ibigay sa amin, basta may trabaho, okay lang.”

KIM RODRIGUEZ. Sa isang hiwalay na panayam ay sinabi ni Joyce na kinikilig siya kapag napapanood ang mga eksena nina Kristoffer at Kim sa soap nila.

Ano ang reaksiyon dito ni Kristoffer?

Tugon niya, “Oh? Oo naman, ibig sabihin, nagagawa namin nang matino yung trabaho namin ni Kim.”

Hindi kaya si Kim ang sumunod niyang maging girlfriend?

“A, hindi ho!” bulalas niya.

“Siguro kung ano, ako kasi, parang… maganda si Kim kung sa maganda, pero parang ako kasi, ayoko muna ng commitment, e.

“Lalo sa showbiz, kung makikipag-commit man ako, siguro non-showbiz na.”

So, imposible na silang magkabalikan ni Joyce?

Tugon ni Kristoffer, “Ayokong mag-close ng possibilities.

“Ayokong sabihin na hindi, ayoko. Pero eventually, ‘di ba?

“Pero kung ano, definitely si Joyce na yung last na showbiz.”

Hindi rin daw siya nagseselos kay Phytos Ramirez na kapareha ni Joyce sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Si Phytos, kapatid na ‘yan, pa-best friend na nga ‘yan, e. Sobrang kampante na ako sa kanya,” sabi ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN