Aljur Abrenica on indecent proposals: “Hindi ko tatanggapin. Kasi first of all, materyal lang yan, e. Pansamantala lang ’yan!”

Aljur Abrenica says if an indecent proposal comes along, he will reject the offer but will keep the friendship.


Malaki ang paghanga ni Aljur Abrenica para sa dating matinee idol at Bagets star na si Aga Muhlach.

Kung sakaling palarin daw siyang makasama si Aga sa sa isang proyekto, inamin niyang baka hindi raw niya makayanan dahil sa pagiging starstruck niya rito.

Pag-amin niya, “Wow! Baka hindi pa ako handa. Hindi ko kaya.

“Mahihirapan akong tanggapin yun, kasi alam ko yung acting range niya, e. Napakalawak, e! Ako, ’di ba, kumbaga ganun ko siya hinahangaan?

“If given a chance, sana, sana. Baka malay nyo, sorry, ha, amazed lang talaga ako kaya ganito ako.

“Idol ko talaga siya,” saad pa ni Aljur.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aljur sa presscon ng Kambal Sirena nitong nakaraang Martes, March 4, sa Studio 7 ng GMA Network Center.

Pitong taon na si Aljur sa showbiz, at sa paglipas ng mga panahon, sino si Alur Abrenica ngayon?

“Si Aljur ngayon mas nahanap na niya yung sarili niya," sagot muna ng binatang Kapampangan.

“With the guidance ng Panginoong Diyos, mas malalim ngayon ang purpose niya sa buhay at he is still seeking sa kung ano ba talaga ang purpose sa buhay na ito.

“Ganun naman tayo lahat, e. Ano ba ang purpose natin sa buhay natin? Iyon ang kuwestiyon.”

Nahanap na ba niya ang purpose niya?

Pag-amin niya, “Seeking pa rin. Seeking pa rin.”

BIRTHDAY CELEBRATION? Birthday ni Aljur sa March 24. Ano ang gagawin niyang selebrasyon para sa ika-24 niyang kaarawan?

“Taping day, e. Monday. We’re asking kung puwedeng ibigay sa akin yung araw na yun.

“Gusto ko sanang mag-spend alone.

“Kasama yung family ko ’tapos alone time ko. Mag-travel,” hiling niya.

Saan kung sakali?

“Ano lang, magda-drive lang ako.”

Wala ang girlfriend niyang si Kylie Padilla sa birthday niya dahil nasa bakasyon ito sa Australia.

May regalo na ba si Kylie sa kanya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hmmm... Hindi na niya kailangang magbigay dahil lagi niya akong nililibre, e,” at tumawa ang Kapuso hunk.

“Lagi niya akong nililibre, e. Kasi ’eto yun, e. Lalaki tayo, ’di ba?

“Ako kasi ugali ko talaga ang magbayad, e. Ayokong gumagastos yung babae. Pero si Kylie kasi, e. Talagang mapilit, e.

“Kumbaga, ang ibig kong sabihin ng lagi niya akong nililibre is hati kami.”

Sa muling tanong namin kung ano ang birthday gift ni Kylie sa kanya, ang sagot ni Aljur, “Wala pa."

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish ni Aljur?

“Birthday wish? For my family, sana yung unity namin and yung faith namin mas tumindi para mas ma-encourage namin yung isa’t isa,” lahad niya.

Ano naman ang wish niya para sa sarili niya?

Pakli niya, “Iyon na yun, e. Kapag nandun na yun, yung sinabi ko, kapag nangyari yun, para sa sarili ko yun. Sa lahat ng aspeto ng buhay kakayanin ko, ’di ba?

“So, iyon ang wish ko.”

Ano naman ang isang materyal na bagay na gusto niyang matanggap, kung sakali?

“Materyal na bagay? Sabihin na nating ano, relo,” saad ni Aljur.

Mga brand ba tulad ng Rolex o Panerai?

Pagsang-ayon niya, “Mga ganun.”

NO TO INDECENT PROPOSALS. Bilang isang hunk na maraming nagnanasa sa kanya na babae at bading, may mga nag-aalok pa rin ba sa kanya na mga gays na willing magbigay ng mamahaling bagay, tulad ng kotse?

“So far wala naman,” natatawa niyang pag-amin.

Noon kasing bago pa lang siya sa showbiz ay nakaranas na siya na may nag-alok sa kanya ng kotse para lamang makapiling siya ng isang gabi.

Pagkumpirma ni Aljur, “Yeah, may incident na ganun. Brand new na [Honda] CRV.

“Ngayon, wala naman ngayon. Wala ngayon.”

Paano niya na-handle yung insidente dati?

“Tinanggihan ko," maikling sagot niya.

Kilala niya ba ang gay na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kilala ko," sagot muli niya.

Ngayon ay wala nang indecent proposals sa kanya, dahil ba mayaman na siya at kaya na niyang bilhin ang anumang iaalok sa kanya ng isang gay?

“Hindi ko alam, e.”

Kapag may nag-alok ulit sa kanya, mao-offend ba siya o mapa-flatter?

Paglilinaw niya, “Siguro yung iki-keep ko yung friendship, pero hindi ko tatanggapin.”

Ipagpapatuloy pa rin niya ang pakikipagkaibigan sa bading kahit na nagkaroon na ng indecent proposal sa kanya?

Sabi niya, “Oo, e.”

Paano kung hindi niya kakilala?

Giit niya, “Hindi ko tatanggapin. Kasi first of all, materyal lang yan, e. Pansamantala lang ’yan!”

Paano niya tatanggihan?

“The best possible way na kaya kong i-explain sa kanya. Hindi ko talaga tatanggapin, e. Hindi talaga, e.

"Hindi naman sa ano, kumbaga kasi kaya naman, e.”

Kaya niyang pagtrabahuhan at kitain sa malinis na paraan, ang ibig niyang sabihin.

“Kaya lahat ng bagay, e.

“Ngayon pa lang thankful na ako kasi alam nyo naman kung saan ako nanggaling e, ’di ba?

"Nanggaling ako sa probinsiya, sa Pampanga, who would imagine na makakarating ako dito, ’di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN