Arkin del Rosario earns Star Awards nomination as New Movie Actor of the Year

Arkin del Rosario on being nominated New Movie Actor of the Year for the forthcoming 30th PMPC Star Awards for Movies: “Nalaman ko po na nominado ako sa Star Awards For Movies dahil sa Twitter account ko, sa Facebook account ko, binabati ako ng mga tao, ng mga friends ko, ng supporters ko na, ’Congratulation Arkin, nominado ka sa Star Awards.’"


Nag-renew ng kontrata sa Viva Films ang alaga ni German Moreno at isa sa co-hosts niya sa Walang Tulugan na si Arkin del Rosario. Limang taon ang kontratang pinirmahan ni Arkin sa Viva.

“Nung una po akong pumirma ng kontrata sa kanila [Viva], para po sa grupo naming XLR8 [all-male singing group].

“Pero ngayong wala na po yung grupo namin, kinontrta nila ako bilang solo artist naman po. Certified Viva artist pa rin po ako,” pagmamalaki ni Arkin nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant kamakailan.

Sa muling pagpirma ni Arkin ng kontrata sa Viva ay binigyan agad siya ng pelikula, ang romantic-comedy na Diary ng Panget na pinagbibidahan nina James Reid, Nadine Lustre, Andre Paras, at Yassi Pressman. Si Andoy Ranay ang director ng pelikula

“Kabarkada po ako sa movie ni James.

“’Tapos may grupo po kami na parang F4, ang tawag po sa amin Seven Astute,” sabi ni Arkin tungkol sa kanyang role.

FIRST MOVIE. Bago ang Diary ng Panget ay nakagawa na rin ng pelikula si Arkin, ang indie film na Pagari na pinagbidahan nila ng kasamahan niya sa Walang Tulugan na si Teejay Marquez.

“First movie ko po yung Pagari. Isa po akong Muslim dun. Ako po run si Abdullah. Best friend po kami sa movie ni Teejay,” kuwento ni Arkin.

Nag-audition daw si Arkin sa Pagari bago siya napasama rito.

Dagdag pa niya, “Nagustuhan po nila yung acting ko nung pinaarte nila ako kaya po kinuha nila ako para sa movie.”

STAR AWARDS NOMINATION. Maganda ang ipinakitang acting ni Arkin sa Pagari kaya naman napansin siya ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Sa darating na PMPC 30th Star Awards For Movies na gaganapin sa Sunday, March 9, sa Solaire Hotel ay nominado rito si Arkin bilang New Movie Actor of the Year para sa nasabing pelikula. Sobrang saya ni Arkin sa nominasyong nakuha niya mula sa Star Awards For Movies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nalaman ko po na nominado ako sa Star Awards For Movies dahil sa Twitter account ko, sa Facebook account ko, binabati ako ng mga tao, ng mga friends ko, ng supporters ko na, ’Congratulation Arkin, nominado ka sa Star Awards.’

“’Tapos nakita ko rin po sa PEP dahil nasulat dun yung mga nominado sa Star Awards.

“Hindi po ako makapaniwala na nandun yung pangalan ko," banggit pa ng alaga ni Kuya Germs.

“Masaya po ako na nominado ako ’tapos masaya rin po yung mga kapatid ko.

“At alam ko na masaya rin po para sa akin yung lola ko na kamamatay lang.”

Sobrang close si Arkin sa kanyang namayapang lola. Sa katunayan, ito raw ang kanyang inspirasyon sa buhay.

“Sobrang close po ako sa lola ko. Lola’s boy po ako.

“Sa kanya po ako lumaki,” lahad niya.

NOT EXPECTING TO WIN. Ano ang expectation niya bilang nominado? Umaasa ba siya na mananalo siya?

“Wala naman pong expectation,” sagot niya

“Karangalan na po na napasama ako bilang isa sa mga nominado.

“Ang dami po naming mga baguhan sa showbiz pero sinuwerte po na na-nominate ako.

“So kung hindi po ako mananalo, okey lang.

“Kung mananalo naman po ako, parang bonus na lang yun para sa akin.”

Win or lose, dadalo raw si Arkin sa Star Awards.

Pakli niya, “Bilang isang nominado, dapat lang po na um-attend ako, ’di ba?

Walang kontrata si Arkin sa GMA-7, pero dahil manager niya si Kuya Germs kaya raw sa Kapatid network siya nabibigyan ng show.

“Si Tatay [tawag ni Arkin kay Kuya Germs], siya po yung humahanap ng show sa GMA para sa akin.

“Katatapos ko lang pong mapanood sa Paraiso Ko’y Ikaw bilang batang Berto, na nang lumaki ay naging si Neil Ryan Sese,” sabi pa niya.

Sinu-sino ba ang gusto niyang makatrabaho sa mga talents ng GMA-7?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Arkin, “Sina Marian Rivera, Louise delos Reyes, at si Kris Bernal po.

“Magagaling at magaganda kasi sila.”

BIG CRUSH ON JULIA. Sa talents naman ng ABS-CBN, kung mabibigyan ng chance, ang gusto ni Arkin na makatrabaho ay si Julia Barretto.

“Crush ko po kasi si Julia.

“Sobrang ganda po kasi niya, lahat nasa kanya na.

“Alam ko po na marami ang nagkakagusto sa kanya,” banggit pa ng binata.

Nagkakilala na ba sila ni Julia?

Aniya, “Hindi pa po, pero friends po kami sa Twitter.

“Nagtu-tweet-an po kami.

Pangarap ni Arkin na makilala nang personal si Julia.

“Sana po dumating ang time na magkakila kami,” panalangin niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN