Ali Sotto touched by Angel Locsin’s thoughtfulness and heartfelt gestures of remembrance towards late son Miko Sotto

Ali Sotto on Angel Locsin’s thoughtfulness and heartfelt gestures of remembrance towards her late son Miko Sotto: “The fact na naa-appreciate niya kung sino si Miko sa parte ng buhay niya... Talagang may sulok sa parte ng puso niya na para lang kay Miko.”


Natutuwa ang radio-TV host na si Ali Sotto sa magandang gesture ni Angel Locsin bilang dating kasintahan ng kanyang namayapang anak na si Miko Sotto sampung taon na ang nakakalipas.

Si Miko ang sinasabing first love ni Angel.

Matatandaang pumanaw si Miko noong December 29, 2003, nang aksidenteng mahulog ito mula sa ika-siyam na palapag ng kanyang tinitirhang condominium sa San Francisco Gardens, sa Mandaluyong City.

Anak ni Ali si Miko kay Maru Sotto, kapatid ng mga kilalang Eat Bulaga! hosts na sina Tito at Vic Sotto.

Si Miko ay 21 years old noong sumakabilang-buhay.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment reporters si Ali sa pocket presscon para sa mga bagong programa ng Super Radyo DZBB.

Sa 17th Floor ng GMA-7 ginanap ang nasabing presscon kung saan naroon din ang mga batikang radio and TV newscasters na sina Mike Enriquez at Arnold Clavio kasama sina Susan Enriquez, Lala Roque, at ang baguhang si Howard Medina sa bahagi ng mga bagong programa.

TOUCHED BY AN ANGEL. Buong pagmamalaking ibinunyag ni Ali ang patuloy na pakikipag-comunicate ni Angel sa kanya.

Pahayag niya, “She texts me once in a while. And then, nagpupunta siya sa bahay ko pero lately hindi.

“Pero, in fairness, hindi niya ipinakilala sa akin si Phil [Younghusband] noong sila pang dalawa. Hindi ko alam kung bakit.

“I did not get the chance na makilala ko siya kaya ’di ko siya nakilatis.”

Nabanggit daw kasi noon ni Angel na lahat ng mga magiging boyfriend niya pagkatapos mawala ni Miko ay ipapakilala raw nito sa kanya.

“Pero, si Lucky [Luis Manzano], dinala niya noon sa bahay,” pagbisto pa niya.

“Heto yung bago sila naghiwalay noon and before I left for Madrid. That was 2008.

“Naalala ko noon, nakakahon na lahat ng mga gamit ko, e.”

Pagkatapos nito ay nabanggit namin sa kanya ang pagbisita ni Angel sa puntod ni Miko noong 10th death anniversary nito last December 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Nakakatuwa, ’di ba?

“Sana ang dami ko na sanang apo, ’no?” pag-wishful thinking pa niya kung sakaling nagkatuluyan sana sina Miko at Angel.

Patuloy pa niya, “Ako kasi kapag pumupunta ako [sa puntod] kay Miko, ’pag ’di ko kilala, alam kong sa kanya galing.

“Meron siyang particular na bouquet na puro white flowers... Even now, yeah, and she will not say na or nagti-text na, ’Ay, Tita, nagpunta ako kay Miko,’ hindi na.

“Basta madadatnan mo na lang yung mga bulaklak mo dun.”

Kaya nga raw ganoon na lang ang paghanga niya sa dating kasintahan ng kanyang anak.

“Oh, yeah,” sabi ng dating host ng TV show na Personalan sa GMA-7. “Sino ba namang mother ang hindi [matutuwa], ’di ba?

“The fact na naa-appreciate niya kung sino si Miko sa parte ng buhay niya... Talagang may sulok sa parte ng puso niya na para lang kay Miko.”

HAPPY FOR ANGEL AND LUIS. Sa ngayon, masaya naman daw siya na nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Angel at Luis.

“Oo naman,” mariing sabi niya.

“Alam mo yung Mother’s prayer na kung Lucky man, si Lucky na.

“Gusto ko yung mapapangasawa niya ay really deserves her, ’no?

“Parang sila na nga, ’di ba? Maganda kasi, ’di sila nagsunog ng tulay,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN