Venus Raj explains aversion to cosmetic surgery: “Kasi once na binago nun ang pagkatao mo, hindi ka na makikila ng tao sa kung sino ka.”

Venus Raj shares her insights on cosmetic surgery: “Pero ang lagi ko lang sinasabi, make sure na kung ano yung pinabago mo sa katawan mo o sa mukha mo, hindi nun babaguhin ang pagkatao mo. Kasi once na binago nun ang pagkatao mo, hindi ka na makikila ng tao sa kung sino ka. Makikilala ka na nila sa kung ano yung naging ikaw after ng may ipinagawa ka.”


Unang travel show ni Venus Raj ang Business Flight kung saan sila ng negosyanteng si Cristina Decena ang hosts.

“Nagpunta na po kami ng Japan, also Bohol. Dalawa pa lang po pero kasi for example ang Japan travel, puwedeng dalawang episodes, so isang travel at least dalawang episodes, ganun po,” panimula niyang kuwento.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Venus kahapon, March 7, Biyernes, sa Antel Platinum Condominum sa Makati City, kung saan ginanap ang pictorial nila ni Cristina para sa naturang travel show.

Ipapakita sa nabanggit na programa ng GMA News TV ang buhay ng mga Pilipino sa iba’t ibang lugar sa mundo.

Ipapalabas na ito simula sa March 23, Linggo, 9 a.m.

Hindi raw makalimutan ni Venus ang mga panayam niya sa mga Pinoy noong nag-shoot sila sa Japan.

“Nakakatuwa po yung mga Pilipinong nandun, kasi yung success stories nila.

“May isa kaming in-interview na talagang iyak siya nang iyak. Kinukuwento niya kung paano siya nag-start, paano siya naka-survive.

“Ako personally, akala ko ’pag nangibang-bansa ka, parang success ka agad, wala kang pagdadaanang kung anong hirap.

“Pero yun pala, grabe rin pala yung pinagdaanan talaga nila prior to achieving kung ano yung meron sila ngayon,” salaysay ni Venus.

TOUCHED BY PINOY SUCCESS STORIES. Nakaka-relate daw si Venus sa mga nakausap nila.

“Sobrang nakaka-relate po, kasi yung mga stories nila parang kahit nga ako, taga-probinsiya ganun din naman ang dreams and aspirations ko for my family.

“Parang sila, lumabas ng bansa para magpadala ng pera sa pamilya na nasa Pilipinas, magpaaral ng kapamilya, magpaaral ng kapatid, ng anak.

“So, kahit ano yung nae-experience nila sa country na pinuntahan nila, parang lahat ng pera papasok sa Pilipinas, para sa pamilya.

“Same siguro sa akin na ako naman, nagpadala, pagawa ng bahay, pantulong, pagpapaaral ng mga pamangkin, ganun po.

“So, iba-iba man ang situation namin, iba man siguro yung kinalalagyan pero yung aspirations and dreams for the family, iisa lang,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-touch daw siya sa isang case study nila na nagsimula lang ng isang karinderya sa Japan.

“Nasubukan niya nga rin siguro yung mga japayuki-japayuki noon kasi parang ang tingin raw sa mga Pilipino noon ’pag pumunta ng ibang bansa or specifically ng Japan, magdya-Japan, iyon lagi ang sinasabi—ibig sabihin sasayaw, magiging entertainer.

“Nag-start siya sa ganun, pero naglaon nakaipon siya, nagkaroon siya ng pera, nag-ano na siya ng business niya.

“Although maliit lang, but she likes to cook and ang mga niluluto niya po mga Filipino cuisine,” dagdag pa ni Venus.

FREELANCER. Freelancer ngayon si Venus, kaya kung noon ay sa ABS-CBN siya napapanood, sa Kapuso Network naman siya ngayon magtatrabaho.

Bahala raw ang manager ni Venus at Mercator Artist & Model Management head na si Jonas Gaffud kung sakaling gustuhin ng GMA na papirmahin siya ng exclusive contract.

Aniya, “Kami naman po, kahit saan okey lang.”

ON RECONSTRUCTIVE SURGERY. Tinanong naman namin si Venus tungkol sa naging isyu kay 2013 Miss International Bea Rose Santiago ng diumano’y pagsailalim nito ng facial enhancement o plastic surgery; ano ang stand niya rito?

Pabor ba siya sa mga nagpaparetoke para makasali sa isang beauty pageant?

Pag-aanalisa niya, “Ako po, lagi ko pong sinasabi when it comes to siguro pagpapaganda physically, okey lang yun, wala sa aking problema yun.

“Pero ako kasi, may sarili rin akong paniniwala. Pero kung tatanungin ako ng opinyon ko para sa ibang tao, lagi ko namang sinasabi na walang problema dun hangga’t siguro, una, nagiging masaya sila sa kinakalabasan.

“Kung yun ang mas nagiging nakakapagpa-confident sa kanila, then okey lang, sige!”

Tanggap din ni Venus na marami rin sa mga Pilipino ang hindi pabor sa pagpaparetoke.

“Siguro sa culture natin, medyo. Napakarami kasing countries na okey lang. Sa Philippines medyo ano pa yung culture natin, pero unti-unti sa tingin ko naman ay natatanggap na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At parang choice rin yun ng tao para magpagawa. Kung masaya siya, then go!

“Pero ang lagi ko lang sinasabi, make sure na kung ano yung pinabago mo sa katawan mo, o sa mukha mo, hindi nun babaguhin ang pagkatao mo.

“Kasi once na binago nun ang pagkatao mo, hindi ka na makikila ng tao sa kung sino ka. Makikilala ka na nila sa kung ano yung naging ikaw after ng may ipinagawa ka.”

Sa pagsali sa isang beauty contest, sa tingin ba niya ay fair iyon sa mga kandidatang hindi sumailalim sa cosmetic surgery?

“Feeling ko, lahat naman puwedeng magpaayos. Actually, lahat nabibigyan ng chance or nabibigyan ng choice. Pero it’s up to them kung tatanggapin nila or hindi.

“Yung mga masasama at magandang epekto nun, sila din naman ang magsa-suffer,” sabi pa niya.

Pero kung bibigyan ng chance at choice, may gusto bang ipaayos si Venus, sa kanyang pisikal na anyo?

Ang boobs niya, halimbawa? Thirty-two ang bustline ni Venus.

“Ayoko po,” bulalas ni Venus.

“Natatakot po kasi ako sa ganun kasi. Hindi ko po alam kung ano yung mga, kasi I haven’t talked to any doctor about it. But I’m scared kasi baka hindi ako makapagpadede sa anak ko in the future.

“Yung mga ganun! Yung mga... Baka yung mammary glands ko maapektuhan.”

NO TO SEXY COVER SHOOTS. Hindi pa raw na-offer-an si Venus ng FHM na mag-pictorial ng sexy. At ayaw raw ni Venus.

“Well, I respect this magazine, it’s something that’s really huge in our country and so many Filipino women want to become the cover for that magazine.

"And lagi naman tayong lahat may personal choice, e. If given the chance, it’s a male magazine. Yung ganun, it’s a male magazine.

“So siguro lahat naman ng kalalakihan na magbabasa ng ganun, either gusto nila ang content or gusto nila ang photos in it. For sure karamihan, yung photos,” at tumawa si Venus.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakapagtaka na hindi pa pala siya inaalok ng FHM para maging cover nito.

“Siguro po kung darating man din yung pagkakataon na yun e nirerespeto ko po sila. Pero hindi po muna siguro or hindi talaga at all.

“Kasi gusto ko po ’pag nagkaroon ako ng pamilya in the future at makita ng mga anak ko ang mga larawan na lumalabas sa akin ay rerespetuhin pa rin ako ng anak ko,” pahayag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN