Mickey Ferriols makes showbiz comeback via Kambal Sirena

Mickey Ferriols on her showbiz comeback on the Kapuso network: “It’s nice to be back in my original mother studio. Natuwa naman ako sa magandang pag-welcome nila sa akin. There are so many new faces now at isa-isa ko na silang nakikilala. I feel great to be reunited with my old friends dito sa GMA-7. We have so much to catch up on.”


Matapos ng kanyang matagal na bakasyon mula sa showbiz, magbabalik si Mickey Ferriols sa Kapuso network. Gaganap siya bilang ina ni Louise delos Reyes sa sirena-serye na Kambal Sirena.

Huling napanood si Mickey sa ABS-CBN teleserye na Little Champ. Naging bahagi rin siya ng cast ng Ina, Kapatid, Anak; Kung Puso’y Masugutan; Nasaan Ka Elisa? at marami pang iba.

Ang aktres ay isa sa mga original hosts ng morning show ng GMA-7 na Unang Hirit noong 1999 at isa rin siya sa mga naging co-host sa Eat Bulaga! noong 1996.

Masaya si Mickey sa muling pagbabalik niya sa unang TV station na nagtiwala sa kanya bilang isang host.

“It’s been a long time. Huli ko pa yatang paglabas sa GMA-7 was when I was a contestant sa Extra Challenge way back in 2005.

“It’s nice to be back in my original mother studio. This time ay kasama na ako sa isang teleserye which is Kambal Sirena.

“Natuwa naman ako sa magandang pag-welcome nila sa akin. There are so many new faces now at isa-isa ko na silang nakikilala.

“I feel great to be reunited with my old friends dito sa GMA-7. We have so much to catch up on,” sabi pa ni Mickey nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Kambal Sirena nuong March 4 sa Studio 7 ng GMA Annex Building.

KAPAMILYA OR KAPUSO? Naikuwento ni Mickey na dapat ay kasama siya sa cast ng isang bagong teleserye sa ABS-CBN 2. Pero dahil sa wala pang katiyakan kung kelan magsisimula iyon, tinanggap nila ng kanyang manager ang offer ng GMA-7.

“I was supposed to be part of Pure Love sa Dos. That is with Alex Gonzaga.

“Pero sabi nga ng manager ko na si Tita Angge na may offer ang GMA-7 at magsisimula na raw.

“Maganda ang role ko as Marissa, the mother of twins Alona and Perlas [played by Louise delos Reyes]... so ito na ang pinili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It was a good choice kasi nga maayos ang pagtrabaho ko with the people of GMA-7. Some of them nga ay kilala ko na from way back pa.

“So I made the right decision. Kapuso na tayo ngayon,” pagmamalaki niya.

EASY-GOING FAMILY SETUP. Matagal nang hiwalay si Mickey sa ex-live-in boyfriend niyang si Archie Alemania kung kanino meron siyang anak na si Brent na walong taong gulang na ngayon.

May bago nang karelasyon si Mickey at dalawang taon na raw silang nagsasama nito.

Wala raw problema ito sa anak nila ni Archie na si Brent dahil naging close na rin daw ito sa bagong karelasyon niya.

“Brent is now 8 years old and naging close na nga sila ng bagong partner ko.

“Alam naman ni Archie ’yon and he’s cool about it.

“Kami naman ni Archie, kahit na naghiwalay kami, we remain good friends.

“Mas naging okey pa nga ang relasyon namin... noong nagkahiwalay kami.

“May schedule si Archie kung kelan niya kukunin si Brent. Si Brent naman, he’s close din sa dalawang anak ni Archie.

“Kaya kapag magkakasama sila, they have fun na magkakapatid,” ngiti pa ni Mickey.

WISHES FOR BABY GIRL. Gusto sana ni Mickey na magkaroon ng isa pang anak. Pero medyo worried nga raw siya dahil 41 years old na siya at baka mahirapan na ito.

Saad niya, “May nagsabi nga sa akin na if I want another baby, kailangan this year na.

“I’m already in my 40s at medyo may kahirapan na raw.

“But I am praying for it. If God blesses me with another baby, I will be so thankful. But if it doesn’t happen, siguro nga si Brent lang ang natatanging anak para sa akin.

“It would be nice if I have a girl naman this time. Though hindi naman naghahanap si Brent ng kapatid, someday alam ko na he will ask na rin at gusto kong unahan siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero it all depends on what will happen. Right now kasi, heto may show ako.

“Me and my partner naman, we both want a child of our own. We are always praying for it to happen.”

PROUD OF HER SON. Inamin ni Mickey na hindi madali maging single parent dahil kailangan balansehin niya ang trabaho at quality time na ibibigay niya sa kanyang anak.

Nagpapasalamat nga si Mickey na hindi lumaking spoiled si Brent.

“I made sure na hindi lalaking brat ang anak ko.

“May ibang mga bata kasi ngayon, hindi mo na napagsasabihan. They talk back to you and they throw tantrums kapag hindi mo nabigay ang gusto nila.

“Mabuti na lang si Brent, he’s not like that. Nakukuha ko sa tingin si Brent kapag ramdam kong nagpapaka-brat siya sa akin.

“I talk to him like an adult para malaman niya na I mean what I say.

“Thank God, my son is so obedient. When I say tama na muna ang paglaro sa computer or ang pagpanood ng TV kasi he has to do his homework, he will follow me.

“Kaya for being a good kid, I reward him with what he wants. Kapag maganda ang grades niya sa school, he gets a reward. Basta yung kaya lang ng budget natin,” kuwento ng proud mommy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN