Malak So Shdifat on being Katrina Halili’s lookalike: “Masaya at flattered kasi [she’s]—sexy, maganda at magaling umarte.”

Malak So Shdifat reacts to comments on her close resemblance to Katrina Halili: “Positive... Pero siyempre, gusto ko rin namang magkaroon ng sariling identity at hindi yung every time na may makakakita sa akin sasabihin nilang kamukha ako ni Katrina.”


Very thankful daw ang TV5 star na si Malak So Shdifat dahil simula nang sumali siya sa Artista Academy ay sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto sa Kapatid Network tulad ng Enchanted Garden, Misibis Bay, Never Say Goodbye at Positive.

Masaya at kuntento raw si Malak sa pag-aalagang ibinibigay sa kanya ng TV5.

Nang makausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, sabi niya, “Masaya kasi hindi ako pinababayaan ng TV5. Since Artista Academy until now binibigyan nila ako ng magagandang project.

Dagdag pa niya, “Siguro suwerte lang, bagay siguro sa akin yung mga role kaya sa akin nila pinauubaya.

“From Artista Academy naka-apat na akong regular shows: Enchanted Garden, Misibis Bay, Never Say Goodbye at Positive.

“Sana magtuluy-tuloy, kasi gusto ko talagang umarte at gusto ko talagang maging artista.

“Kahit anong role ang ibigay nila sa akin, kakayanin ko, ibibigay ko yung 100 percent ko or more.”

VILLAINESS ROLE. Kung siya raw ang tatanungin, mas pipiliin daw niyang gumanap bilang kontrabida.

Paliwanag niya, “Kasi nakaka-challenge yung maging kontrabida, ikaw yung nang-aapi sa bida.

“’Tsaka yung looks ko kasi pang kontrabida, hindi pang-bida. Haha!

“May mga times na iniisip ko rin na sana mabigyan ka ng role na ikaw ang bida, yung may leading man ka, kaso yung nabibigay talaga sa aking role pang kontrabida.

“So kaysa naman walang project, e di tanggapin ko na lang, and alam naman kasi ng network [TV5] kung saan kami nababagay na role kaya yun ang ibinibigay sa amin.

“Sa akin naman kasi basta may trabaho, okey, kahit anong ibigay nilang project sa akin," aniya.

“Pero may role na rin na mabait ako na medyo kikay—doon sa Misibis Bay, best friend ako doon ni Ritz [Azul]. Hindi ako maldita dun, bait-baitan ang role ko.

“Pero honestly speaking, parang nae-enjoy ko na yung pagkukontrabida, lalo na pag may mga nagsasabing may mga manonood daw na naiinis sa akin at gusto akong sabunutan sa sobrang evil ko sa show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Para sa akin reward na yun, kasi nagawa kong magalit sila sa character ko, it means convincing at believable ang pagganap ko.

“Yun po yung masarap don, namu-move mo yung mga manonood. Nagagawa mong magalit sila sa ’yo dahil sa pag-arte mo doon sa role na binigay sa ’yo.

“’Tsaka parang mas nadadalian ako na maging maldita, dahil na rin siguro sa looks ko, mas mahihirapan siguro ako sa mabait na role, baka super effort talaga ako,” salaysay niya.

MALAK, OPEN TO DARING ROLES? Dahil maganda at seksi si Malak, hindi malayong alukin siya ng mga bold o daring roles. Tatanggapin ba niya ito?

Pagklaro niya, “Basta sa akin, maganda yung role, maganda yung pelikula, at magaling yung director, why not?

“’Tsaka basta maganda yung concept ng pagiging sexy, hindi yung sexy kasi naked ka. Gusto ko yung maganda yung concept.

“Sa hitsura ko kasi, marami ang nagsasabing magpa-sexy ako, kasi hot daw ang dating ko, maganda daw katawan ko.

“Pero mas maganda kasing gawin yun kapag ready ka na, hindi lang sa pisikal, kundi pati na rin emotional. At talagang gusto mo na talagang gawin.

“Pag ready ka na kasi sa lahat ng aspeto, mas maganda yung magiging resulta, mas maganda yung kalalabasan ng proyekto.”

Sa tingin ba niya ay ready na siya?

“Ayoko sabihing yes, ayoko namang sabihing no.

“Let’s see, basta may mag-offer at maganda naman ang konsepto ng proyekto at kaya ko naman, katulad ng sinabi ko, why not?” giit niya.

FAVORITE KAPATID. Pinabulaanan din ng sexy actress ang mga haka-hakang isa siya sa mga “favorites” sa Kapatid network.

Diin niya, “Wala namang ganun, hindi ko naman masasabing paborito ako ng TV5, lahat naman kami may mga ginagawang projects.

“Nagkataon lang siguro na bagay sa akin yung role kaya sa akin nabibigay.

“Yung iba naman, may mga proyekto ring ginagawa, kahit hindi sunud-sunod may proyekto pa rin sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos yung iba, may mga events at shows sa labas. Yung iba, napunta sa PLDT MyDSL, yung ibang alliance ng TV5.

“Alam ko kasi lahat kami pinuposisyon sa kung saan kami pupuwede at mag-e-excel.”

DREAM ROLE. Ibinunyag din ng dalaga na pangarap din niyang malinya sa mga action roles.

“Kung may isang role na gustung-gusto ko talagang gawin, yun yung aksyon.

“Pareho kami ni Ritz, gusto naming makagawa ng isang maaksiyong proyekto na maganda yung istorya.

“Tapos gusto ko kasama ko si Ritz, kasi pareho talaga naming gustong mag-aksyon,” saad niya.

LOVELIFE. Hindi naman itinatago ni Malak na mayroon na siyang boyfriend.

Aniya, “Okey naman. May non-showbiz boyfriend ako, mabait siya at sinusuportahan niya yung pag-aartista ko.”

Hindi ba nagseselos ang boyfriend niya kapag may nakakapareha ang Kapatid star na gwapong artistang lalaki?

Mabilis niyang pagtanggi, “Hindi naman, kasi alam naman niya na artista ako... na acting lang ang ginagawa namin kapag nakaharap sa kamera.

“And after the taping, siya naman talaga ang BF ko. Haha!

“’Tsaka minsan sinasama ko siya sa taping para makita niya kung ano yung trabahong ginagawa ko.”

KATRINA HALILI LOOKALIKE. May mga nagsasabing kamukha raw ni Malak ang sexy actress na si Katrina Halili. Ano ang reaksyon niya dito?

Sagot niya, “Positive. Masaya at flattered, kasi Katrina Halili yun—sexy, maganda at magaling umarte.

“Kahit hindi ko pa siya nakikita nang personal, alam kong mabait siya kahit nagkokontrabaida siya.

“Pero meron na rin siyang mga ginawang project na bida siya.

“’Tsaka ilang beses din siyang naging FHM Sexiest Woman sa bansa, kaya idol ko siya,

“Sana dumating yung time na makita at makarap at makausap ko siya in person.

“Baka puwede din na makatrabaho ko siya, puwede akong lumabas na kapatid niya.

“Magaling din siyang aktres base na rin sa mga napanood kong proyekto niya dati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre, gusto ko rin namang magkaroon ng sariling identy at hindi yung every time na may makakakita sa akin sasabihin nilang kamukha ako ni Katrina.

“Mas maganda na kapag nakita nila ako sasabihin nila, ’Si Malak yun, ’di ba?’" pagtatapos ng TV5 teen actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN