Kiko Estrada willing to work with Julia Barretto despite being booted off Mirabella: “Oo naman, wala namang kasalanan si Julia sa nangyari.”

Kiko Estrada admits he’s willing to work with Julia Barretto despite getting the boot from Mirabella: “Oo naman, wala namang kasalanan si Julia sa nangyari, kahit naman sino sa kanila I’m willing to work with them. Alam ko rin naman na nalungkot si Julia sa nangyari kasi nakakasama ko siya sa workshop, pero alam ko rin na wala siyang magawa kasi talent din siya katulad ko.”


Matapos siyang matanggal sa soap na Mirabella, kung saan pinalitan siya ni Enrique Gil, willing pa rin daw makatrabaho ni Kiko Estrada si Julia Barretto sa ibang proyektong ibibigay sa kanya ng ABS-CBN.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa opening ng Cardam’s sa SM North Edsa last March 1, sinabi niyang, “Oo naman, wala naming kasalanan si Julia sa nangyari, kahit naman sino sa kanila I’m willing to work with them.

“Alam ko rin naman na nalungkot si Julia sa nangyari kasi nakakasama ko siya sa workshop, pero alam ko rin na wala siyang magawa kasi talent din siya katulad ko.”

Nakapag-usap pa ba sila ni Julia matapos siyang masibak sa show?

Kuwento ng binatang anak ni Gary Estrada at Cheska Diaz, “Nag-usap kami, she said nalulungkot siya, nahihiya siya sa nangyari.

“Pero sabi ko nga sa kanya ’Don’t be sad.’ Kasi ganun talaga... anything can happen.

“Sabi pa niya, ’Sana hindi ganun,’ pero sabi ko, ’Ganun talaga,’ at ngumiti na lang siya.

“Sabi ko sa kanya, ’Julia it’s not your fault, I don’t want to blame anyone.’

“Besides, alam ko naman na wala siyang kinalaman sa nangyari, dahil okey kami.

“Lahat kami sana magkakasama sa Mirabella. Sila Julia, Diego [Loyzaga] at Liza [Soberano], bonded na kami during the workshops, kaya nakakapanghinayang.

“Actually, before kami matanggal ni Diego, nauna na si Liza. Na-sad kami, kasi nakapag-workshop na rin siya tapos natanggal pa.”

Tinanong namin si Kiko kung hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila ni Julia.

Sagot niya, “Actually hindi na, alam ko naman kasing busy din siya at busy din naman ako kaya wala na kaming communication.

“Nung time na nagwu-workshop pa kami para sa soap, lagi kaming magkakasama. Ngayong out na ako sa soap, wala na talaga.

“Pero I know na mabait si Julia, kaya naman given a chance na makatrabaho siya, why not?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WAITING FOR THE SHOW. Tinanong din namin si Kiko kung may in-offer na bagong show ang ABS-CBN sa kanya bilang pamalit sa Mirabella.

Ayon kay Kiko, “Meron naman, pero I have to wait for a couple of months... 2nd quarter or 3rd quarter, pero wala pang kasiguraduhan.

“Sabi lang nila na bibigyan nila ako ng show, hintay-hintay lang daw.”

Kahit wala na siya sa Mirabella, papanoorin pa ba ni Kiko ito?

Saad niya, “Oo naman, bakit hindi? Pag may oras ako at natama sa oras ng Mirabella at nanonood ako ng TV, why not? Nandun naman si Julia.

“Maganda naman yung show na Mirabella. I wish them good luck. I wish the best for them.”

Ano naman ang nararamdam ni Kiko pag nakikita niya ang Mirabella cast na nagpu-promote sa TV?

“Wala, wala pa namang insidenteng napanood ko silang nagpu-promote.

“If ever ganun, dedma na lang, or sasabihin ko na lang na ako sana yun. Hahaha!

“Pero honestly speaking, okey lang, wala na kasi sa akin yun medyo matagal-tagal na rin kasi. Move on na,” saad niya.

Payag pa rin ba si Kiko na gumawa ng projects sa ABS-CBN?

Ani Kiko, “Oo naman as long as sigurado na... hangga’t hindi pa nagti-taping walang kasiguraduhan yun.

“Kumbaga hangga’t hindi ako nagti-taping, quiet lang ako at hindi ko ikukuwento yung soap, kasi baka mabulilyaso pa at hindi matuloy o baka matanggal pa ako.

“Yun yung mindset ko ngayon, may nangyari na kasi, kaya kailangan ganun na.

“It happened to me, natanggal ako, natengga na ako.

“Sa akin na yung show tapos, ’di pa ako nag-taping, natanggal ako. Kaya ngayon, pag nag-taping na ako, alam ko na akin na yun.

“If may mag-offer ulit sa akin, hindi na kaagad ako maniniwala hangga’t hindi nagti-taping, kasi alam kong may possibility na hindi matuloy o maalis ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVING ON. Kumusta na si Kiko Estrada?

Pahayag niya, “Happy naman, siguro kung iri-rate mo 1 to 10, mga 9 yung happiness na nararamdaman ko.

“Si Kiko ngayon ay isang aktor na mas handa nang sumabak sa mga complicated at complex na role after ng bagyong dumating sa buhay ko.

“Kumbaga mas pinatatag ako at mas naging palaban nung mangyari sa akin na mawala sa Mirabella.

“Pero ngayon, I can say na totally, naka-move on na ako, na wala ng tampo or kung ano man.

“Minsan sumasagi sa isip ko yung nangyari, pero napapangiti na lang ako.

“Iniisip ko na lang talaga na hindi sa akin yung proyekto. Sabi nga nila, kung di uukol, hindi bubukol. Tama ba yun?

“Ito na lang... pag may nagsarang pinto, alam kong marami pang pinto ang magbubukas.

“Basta I’m looking forward to the blessings sa akin this year.

“Through this experience alam kong may huhugutan ako, mas maibibigay ko yung dapat kong gawin especially sa drama.”

OTHER PROJECTS. Bukod sa pagti-taping niya para sa Annaliza, busy din pala si Kiko sa ibang projects.

Pahabol pa niya, “Abangan po nila yung huling tatlong linggo ng Annaliza, kasi yun yung ginagawa ko ngayon.

“So abangan nila yung pagtatapos nung soap namin.

“Tapos yung Chasing Boulevards, yung launching movie ko with Teejay Marquez and Kim Rodriguez. Natapos na namin ito, sana mapalabas ngayong taon.

“Yun lang sa ngayon ang ginagawa ko. Hopefully after Annaliza, sana may bago na akong soap na gagawin para medyo maging busy.

“Gusto ko talaga kasing umarte, kaya nga uma-attend talaga ako ng acting workshops kasi gusto ko talaga mag-artista katulad ng mga parents at mga tito at tita ko.

“May sinasabi sa akin yung manager ko na project na gagawin ko. Sana matuloy, ayoko muna sabihin baka maudlot.

“Lagi naman akong nagdarasal para matuloy, sa prayers na lang kasi ako kumakapit, alam naman nating walang imposible kay Lord.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN