PEP EXCLUSIVE. Roxanne Cabañero’s camp claims perjury case filed by Vhong Navarro is a "form of harassment"

Tiniyak ni Atty. Virgillo Batalla na dadalo ang kanyang kliyenteng si Roxanne Cabañero sa preliminary investigation kaugnay ng reklamong rape na isinampa niya sa aktor na si Vhong Navarro. Gaganapin ang peliminary investigation sa March 13 sa Pasig Prosecutor’s Office.


"Form of harassment."

Ito ang paglalarawan ni Atty. Virgillo Batalla sa ginawang paghahain ni Vhong Navarro ng perjury complaint laban sa kanyang kliyenteng si Roxanne Cabañero.

Si Roxanne ang ikalawang babaeng naghain ng reklamong rape laban kay Vhong; ang una ay ang modelong si Deniece Cornejo.

Pahayag ni Atty. Batalla sa eksklusibong panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng telepono ngayong umaga, March 10, “Ano ‘yan, e, that is a form of harassment.

"Sabi ko nga sa iyo, sinabi ko na dati ‘yan, ’di ba?”

Bakit niya nasabing "form of harassment" ito?

Saad ng abugado ni Roxanne, “Kasi the perjury case has no legal and factual basis.

"It’s very basic in our law that a perjury being heard in the prosecution… if there is already a prima facie.

“If there is already proceedings in the court.”

Ang prima facie, ayon sa legal dictionary, ay: "On the first appearance. A fact presumed to be true unless it is disproved."

Dagdag pa ni Atty. Batalla, “If there is evidence presented before the court, well, perjury will come.

"Well, in the meantime, wala pang perjury ‘yan kasi di pa pumapanhik sa korte yung kaso, unless ina-admit na nila na papanhik sila sa korte."

Matatandaang nitong Huwebes, March 6, ay nagsumite ng kanyang counter-affidavit si Vhong sa Pasig Prosecutor’s Office bilang sagot sa reklamong rape ni Roxanne noong February 19.

Read: New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong’s camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo

Kasabay ng pag-file ng kanyang counter-affidavit, naghain din si Vhong ng reklamong perjury laban sa aspiring beauty queen.

Read: Vhong Navarro files perjury raps against Roxanne Cabañero, Deniece Cornejo, Cedric Lee

“DESPERATE MOVE OF VHONG NAVARRO.” Nakatakda ang preliminary investigation sa inihaing reklamong panggagahasa ni Roxanne, 24, laban sa TV host/dancer/actor na si Vhong, 37, sa Huwebes, March 13.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Panigurado ni Atty. Batalla, darating siya kasama ang kliyenteng si Roxanne.

Aniya, “Of course, of course.”

Kumusta na ngayon si Roxanne?

Sagot ni Atty. Batalla, “Nasa safety pa rin siyang lugar at ina-update ko naman siya sa mga legal development, like the filing of the perjury.

“So, this perjury case is no other than a result of a desperate move of Vhong Navarro.”

Sa preliminary investigation din daw sila sasagutin ang inihaing counter-affidavit ni Vhong.

Saad pa ng abugado, “And we’re going to address the counter-affidavit that they have filed.

“I don’t know why they have filed it earlier, siguro mas gusto nilang mas maagang mag-file ng counter-affidavit.

“Pero ang filing of the counter-affidavit is supposedly on the 13th.

"But nonetheless, my partner is already in the court, in the prosecutor’s office right now, to secure a copy of their counter-affidavit.”

Ayon pa kay Atty. Batalla, maghahain sila ng reply-affidavit sa March 13 kung kinakailangan.

"But if we find their counter-affidavit with no merit on our judgment, we will submit the case for resolution.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN