Arron Villaflor’s van stolen by carjackers in Quezon City

Nabiktima ng carnapping ang young actor na si Arron Villaflor nang mawala ang van niya sa parking area ng isang bookstore sa may Quezon Avenue, Quezon City, noong Sabado, March 8.


Nabiktima ng carnapping ang young actor na si Arron Villaflor nang mawala ang van niya sa parking area ng isang bookstore sa may Quezon Avenue, Quezon City, noong Sabado, March 8.

Ayon sa salysay ni Arron, naganap ang insidente bandang alas-kuwatro hanggang alas-singko ng hapon.

Ang nanakaw na sasakyan ng Kapamilya young actor—puting Toyota Super Grandia—ay kabibili lang daw niya noong September 2013.

Nakausap ng Buzz Ng Bayan si Arron habang nagpa-file siya ng complaint sa Camp Karingal, Quezon City.

Kasama ni Arron ang kapatid niyang si Nikki Villaflor, na siyang nakakita nang itakas ang sasakyan ng aktor.

Ayon sa young actor, wala siya nang ma-carnap ang kanyang sasakyan.

Kuwento niya, “Ang nangyari kasi, nasa ABS ako. May rehearsal ako ng ASAP.

“Nagpa-drive ang sister ko sa kanya [driver].

“Sabi ng sister ko, ‘Arron, may bibilhin lang ako sa National Bookstore.’

“’Sige, pa-drive ka.’

“Noong paalis na siya, since hindi niya ma-contact ang driver ko, ganun, tumatawag ako sa driver.

“Nagri-ring, hindi sumasagot. Nag-try ako ulit.

“Pagka-second try ko, nag-ring, then ibinaba ang phone.

“Sa isip ko, ‘Bakit ako bababaan ng phone nito?’

“Sakto, may incoming call ako, from my sister, which is Nikki, na saying, ‘Arron, nakita ko ang van, may nagbukas na tao, may pumasok sa van, hindi ko kilala.’

“Sabi ko sa sister ko, ‘Huwag kang aalis diyan. Kung nasaan ka man, huwag kang aalis diyan sa puwesto mo.’

“So, pinuntahan ko ang sister ko.”

Kuwento naman ni Nikki, nakita niya nang may sumakay na lalaki sa van nila.

“’Tapos, noong lumabas na ako, nakita kong bigla nilang pinatakbo yung van.

“So, yun, nag-panic na ako.

“Nakita kong nakatalikod, medyo maliit. ‘Tapos, naka-shorts siya ng mahaba na maong.

“’Tapos, yun na, hanggang doon ko na lang naano, nag-panic na ako.”

THE DRIVER. Natagpuan ng mga awtoridad ang driver ni Arron na si Jeff Valdez sa may Mindanao Avenue, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Arron, “Sinabi niya sa akin ang nangyari kanina.

“Tinutukan daw siya ng baril, which is yung revolver nga, .38.

“Kitang-kita mo naman sa mukha niya na na-trauma siya.

“Binaba raw siya sa Mindanao Avenue, almost NLEX na.

“’Tapos, pinatanggal yung upper shirts niya.

“’Tapos, pagkababa sa kanya ng mga carnappers, napansin siya agad ng mga patrol na akala, ‘Sino ‘tong nakahubad?’

“So, pinuntahan siya.

“Doon siya nakapag-explain kung ano ang nangyari sa kanya.”

Ayon pa kay Arron, dalawalang lalaki ang kumuha ng sasakyan niya.

“Dalawa sila, yun siguro ang nakita ng sister ko.

“Yung isa, hindi niya siguro nakita, which is nakatutok nga ang baril sa driver.”

Pinuntahan na rin daw nila ang head office ng NLEX para makita ang CCTV camera.

Naniniwala si Arron na biktima rin ang driver niya sa pangyayari kaya hindi niya ito pinagdududahang kasabwat sa insidente.

“Oo, matatawag ko na biktima yung driver ko at nagpapasalamat na rin ako na walang nasaktan.”

Sa huli, nanawagan si Arron sa mga posibleng makakita o makapansin sa sasakyan niya.

“Kung may mapansin man kayo na Super Grandia, color white, with gold lining ‘to, at ang conduction sticker ay TW 4208, ipagbigay alam niyo lang po sa amin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN