Yeng Constantino in cloud nine over engagement to Yan Asuncion

Yan Asuncion on Yeng Constantino: "Noong first time pa lang akong magsabi sa kanya na liligawan ko siya, alam ko na siya na ang gusto ko. Nag-decide na talaga ako sa heart ko na siya talaga ang gusto ko habang buhay."


Taong 2012 nang makilala ni Yeng Constantino ang boyfriend niyang si Yan Asuncion sa kanilang church, ang Victory Christian Fellowship.

Isa si Yan sa tagapamahala ng Music Ministry nito.

Umpisa pa lang daw ay nagkagusto na si Yan kay Yeng, pero sa unang subok na panliligaw ay nabasted daw siya.

Noong January 2013 lang daw siya sinagot ni Yeng.

Noong Sabado ng gabi, March 8, pagkatapos na manood ang dalawa ng isang play, kasama sina Sam Milby at Eugene Domingo, dinala ni Yan si Yeng sa isang open field sa The Fort kung saan sila unang nag-date.

Doon na rin nag-propose si Yan kay Yeng.

Ipinost ni Yeng, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ang engagement ring niya kunsaan may caption na: “I said yes…”

View: Yeng Constantino and fiancé Yan Asuncion share their engagement story

LEAP OF FAITH. Kahapon, March 9, live na nag-guest sina Yeng at Yan sa Buzz Ng Bayan ng ABS-CBN upang ikuwento ang kanilang engagement.

Si Janice de Belen ang nag-interview sa dalawa, at ang unang tanong nito kay Yeng ay kung ano ang pakiramdam na engaged na siya ngayon.

Sagot ng singer, “Ano ba? Ano bang word dun? Sobrang overwhelmed, kahapon lang kasi ito nangyari.

"So, parang hanggang ngayon, lumulutang pa rin ako, medyo high pa ako.

"And sobrang saya ko lang talaga na tineyk niya yung leap of faith na yun talaga na sabihin niya sa akin that night."

Sabi naman ni Yan, walong buwan pa lang silang nagdi-date, pero alam na raw niyang si Yeng na ang “the one.”

Aniya, “Actually, noong first time pa lang akong magsabi sa kanya na liligawan ko siya, alam ko na siya na ang gusto ko.

"And nag-decide na talaga ako sa heart ko na ito ang girl na ipu-push through ko, siya talaga ang gusto ko habang buhay.

“Hindi na masyadong effort na nag-propose ako sa kanya, kasi alam ko na talaga, decided na ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE PROPOSAL. Umamin naman si Yan na habang nasa sasakyan sila papuntang The Fort ay kinakabahan siya sa gagawing pagpu-propose.

Kuwento niya, “Sobra, sobrang nerbiyos, para akong nasusuka na ubo ako nang ubo.

"Tinatanong niya, ’Okay ka lang ba? Okay ka lang ba? Gusto mo umuwi na lang tayo? Masama ba ang pakiramdam mo?’”

Naisip ba ni Yan noon na puwede siyang tanggihan ni Yeng?

Sagot niya, “Well, knowing her and knowing our relationship, kahit papaano may confidence ako na she feels the same way na rin.”

Nag-iyakan silang dalawa?

Lahad ni Yeng, “Iyak siya nang iyak, tawa ako nang tawa, kasi hindi ko alam ang magiging reaksiyon ko noong lumuhod siya.

"Magkaharap kami, niyakap ko siya, ’tapos sabi niya, ’Love, sweet ba ‘tong moment na ‘to?’

"Sabi ko, ’Oo naman, nandito ka.’

“Bigla siyang lumuhod. Ako, ’Hala, hala, hala!’

"Then, bigla niyang inilabas yung box ng ring...

"Ako, parang, ’Oh my…’ Ganun lang ang mukha ko, ’tapos tawa ako nang tawa.

"Umiiyak na siya, sabi niya, ’Hindi ko na kaya ng one more day, na patagalin, na hindi sabihin sa ‘yo na gusto kitang makasama nang habang buhay.’"

“Naku naman talaga, nalaglag naman talaga ang puso ko diyan!”



JITTERY. Ayon kay Yan, buong linggo siyang hindi mapakali hanggang sa dumating ang araw ng kanyang marriage proposal.

"Hindi na ako makatulog, iba na ang feeling, e.”

Pagdating daw ng Friday, "Nagpi-pray ako, ’God, gusto ko na talagang sabihin sa kanya.’

"’Tapos, wala na talaga, whole day na ’kong tulala na ako.

“Kinakabahan na ako, sukang-suka, ang weak na ng knees ko.

"Maglalakad ako, ’tapos parang nangangatog ang... alam mo yun, doon ko lang talaga na-feel yun, yung sobrang nanghihina ako.

“Noong magpu-propose na ako sa kanya, niyakap ko siya.

"’Tapos noong sinabi ko na sa kanya, nawala ang pagod bigla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"All of a sudden, nag-burst na lang ang emotion.

“Umiiyak na lang ako when I told her na siya na talaga ang gusto ko habang buhay.

"Nag-flashback na lahat ng nangyari, lahat ng iyakan namin, drama namin, lahat ng tawanan, everything.

“So, yun, iyak ako nang iyak, ’tapos siya tinatawanan lang niya ako.”

Dahil noong Sabado ng gabi pa lang naging engaged ang dalawa, wala pang detalye kung kailan ang kasal.



INSPIRED. Ano naman ang mensahe ni Yeng kay Yan?

“Yan, thank you. Thank you so much for just jumping in and sobrang inu-honor mo lang ang heart mo.

"At hindi ko makakalimutan ang sinabi mo sa akin, first month pa lang natin, na na-settle mo sa heart mo na mahalin ako, kahit ano pang makita mo sa akin along the way.

“It’s something na nag-inspire sa akin on how to love unconditionally.

"That I see how God loves us, yun ang sobrang namu-model mo sa akin.”

Humingi muna ng paumanhin si Yeng bago magpatuloy, “Ayoko namang umiyak... sandali lang.

“Yun… sobrang thank you, thank you for your sincerity.

"’Tapos, talagang naging better ako as a woman, ang dami kong natutunan sa kanya."

FIRST TWO MONTHS. First boyfriend ni Yeng si Yan, at first girlfriend din ni Yan si Yeng.

Kaya sa simula, ayon kay Yeng, “Nagkakalituhan kami palagi.

"May mga times na nagiging frustrated ako, ’Mahal mo ba talaga ako?’ May mga drama akong ganun dati.

"And he would just be there, he will just listen to me.

"Sasabihin niya, ’Mahal talaga kita at kung meron man akong hindi alam sa ‘yo, aaralin ko.’

"And, wow, inaral niyang talaga kung paano niya ipaparating sa akin na mahal niya ako.

“Ang love language ko kasi, affirmation, talagang sa salita po ako.

"’Tapos noong first two months namin, si Yan, sobrang tahimik po talaga kaya ganun din ang engagement namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang na-appreciate ko po talaga, it’s so him, he’s so private, e."

HIS VOW. Ano ang pangako ni Yan kay Yeng?

"I promise to love you unconditionally.

"I know na I’m not perfect, but despite our imperfections, I want to stick with you.

"I want to be there for you, lahat ng gusto mong ma-achieve sa buhay, I wanna be there, beside you.

“So, yun talaga.

“That’s all I want for life.”

Parang hindi na siya mabubuhay ng wala si Yeng?

“Yes, yun, exactly,” pagsang-ayon naman ni Yan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN