Character actor Roldan Aquino passes away at 65

Character actor Roldan Aquino, who suffered from stroke last January due to his clogged brain, passed away yesterday, March 10.


Pumanaw na ang character actor na si Roldan Aquino, 65.

Matatandaang sumailalim si Roldan sa isang operasyon noong January 20, 2014, matapos itong ma-stroke sanhi ng bara sa utak.

Sa panayam ng StarTalk noong February 23, sinabi ng anak ni Roldan na si Patricia Aquino, na ayon sa findings ng doctor ay "20 percent" na lamang ang pag-asang mabuhay ang aktor kung hindi ito maoperahan.

Pagkatapos ng operasyon ay hindi pa rin nanumbalik ang kakayahan makapagsalita ng aktor.

Sabi pa ng isang anak ni Roldan na si Victor, "Lagi kami humihingi ng sign. ’Pa, igalaw mo yung ulo mo kung gusto mo na umuwi. Ayaw mo na ba dito?’

"Kasi nahirapan na po siya dun [sa ospital]. Sinubukan niya igalaw, nagalaw naman niya."

Kagabi, March 10, nag-post si Patricia ng status sa Facebook account nito, kunsaan ibinahagi nitong tuluyan nang namaalam ang kanyang ama.

"Goodbye papa. Tapos na ang paghihirap mo. Makakasama mo na si God. Mahal na mahal kita."

Ayon pa sa isang Facebook post ni Patricia, kasalukuyang nakaburol ang mga labi ng kanyang ama sa La Funeraria Oro sa Antipolo.

Ilan sa mga huling pelikula ni Roldan kunsaan siya ay gumanap na kontrabida ay ang El Presidente (2012), Tiktik: The Aswang Chronicles (2012), at Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story (2013).

Napanood din siya sa teleseryeng Forever (2013), na pinagbidahan ni Heart Evangelista sa GMA Network.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN