Jake Vargas denies confrontation between his sister and Bea Binene’s mom

Jake Vargas on rumor about his sister and Bea Binene’s mom: "Nakakalungkot nga, e, kasi may mga tao talagang gustong sirain ang magandang samahan namin ni Bea. Pati na rin ng mga taong mahal namin, idinadamay para magkagulu-gulo."


Ikinalulungkot ni Jake Vargas na pati ang malalapit na tao sa kanila ng girlfriend niyang si Bea Binene ay nadadamay na rin sa mga intriga.

May lumabas kasing blind-item report sa isang tabloid tungkol diumano sa pagsasabunutan ng ina ng isang young actress at kapatid ng isang young actor sa rehearsal ng isang Sunday musical-variety show.

Nagpalitan din diumano ng masasakit na salita ang magkabilang kampo.

Kinalaunan, pinangalanan ang mga sangkot sa blind-item report bilang ina ni Bea na si Carina Binene at ang ate ni Jake na si Lani Vargas.

Ngunit mariing pinabulaanan ni Jake na may nangyaring ganung insidente nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Walang Tulugan With The Master Showman, sa GMA Annex Studio 6, noong March 7.

Saad ng Kapuso young actor, “Hindi po totoo ‘yan.

“Never na nagsabunutan or nagpalitan ng masasakit na salita ang ate ko at si Mommy Carina, walang ganun.

“Nakakalungkot nga, e, kasi may mga tao talagang gustong sirain ang magandang samahan namin ni Bea.

“Pati na rin ng mga taong mahal namin, idinadamay para magkagulu-gulo.

“Kahit nga yung ate ko, nagulat. Hindi pa man din sanay yun sa mga ganung issue.

“Hindi naman siya showbiz, kaya iniisip nga niya kung bakit pati siya iniintriga.

“Wala rin namang rason para mag-away sila at umabot pa sa pagsasabunutan daw at pagpapalitan ng hindi magagandang salita.”

Kanino kaya galing ang intrigang ito?

Sabi ni Jake, “Hindi nga namin alam, wala kaming idea kung sino yung nagpakalat nun through text.

“Wala naman kasi siyang inilagay na pangalan niya, number lang.

“Kung totoo yun, sana inilagay niya pangalan niya at sana may ebidensiya siya na totoo ngang nangyari yun.”

Nakaapekto ba sa relasyon nila ni Bea ang nasabing issue?

Sagot ni Jake, “Hindi naman, kasi alam naman namin na ‘di totoo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat lang kami, pero no comment na lang kami.

“Ang mahalaga kasi ay okey kaming dalawa at okey ang mga pamilya namin sa isa’t isa.

“Kasi kung totoo yun, nung una ko pa lang nalaman, nagsalita na ako.

“Kaso wala naman talagang katotohanan kaya naman hindi na lang namin pinansin.”

LIVE-IN RUMOR. Mariin ding pinabulaanan ni Jake ang balitang nagli-live-in na diumano sila ni Bea.

“Naku, hindi totoo yan!” bulalas niya.

“Siguro nami-interpret lang nila yung pagpunta-punta ko kila Bea.

“Minsan kasi, after ng SAS [Sunday All Stars], hinahatid ko si Bea, ‘tapos mag-i-stay ako dun sandali.

“O minsan naman, pag wala akong trabaho, pumapasyal ako sa kanila.

“Pero hindi totoo na doon ako nakatira.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN