Kim Jones on what she’s most excited about marrying Jericho Rosales: "Just waking up every morning and seeing him next to me."

Despite their 8-year age gap, Kim Jones says she and her fiancé Jericho Rosales get along really well because they’re both "goofballs."

Asked about their plans after the wedding, Kim says that they haven’t decided when they’ll get to spend their honeymoon.

"We’re gonna work for a bit and then decide. We just want to be married. As for the honeymoon, we’ll see. We’l


Ibinahagi ni Kim Jones na plantsado na ang nakatakdang pag-iisang dibdib nila ni Jericho Rosales sa Boracay sa darating na Mayo.

“Everything’s done. We’re pretty much doing the finishing touches.

"But the big stuff, it’s all set na.

“I’m not stressed now, but I was last night. It’s just last-minute changes. But it’s fine,” nakangiting bungad ni Kim.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa presscon ng Neutrogena skincare products sa Marriott Hotel kaninang tanghali, March 11.

Bagamat abala si Jericho sa teleseryeng The Legal Wife, aktibo pa rin daw ito pagdating sa pag-apruba ng mga ginagawang preparasyon para sa kanilang beach wedding.

Mayroon bang special request si Jericho kaugnay ng theme ng kanilang wedding?

Natatawang sagot ni Kim, “Well, he wanted a pirate ship once. And I sort of maybe said no.

“That’s just him. He’s like a kid at heart. We try to compromise.”

Bagamat malayo ang napili nilang venue, tiniyak nilang wedding by the beach ang tema para swak sa personalidad nila ni Jericho.

“We’re both beach people.

"It has to be summer, perfect weather, by the beach.

“Even though it’s so hard to get to. It’s worth it for us because we breathe salt water.

"You know what I mean?" saad ni Kim, na tulad ni Jericho ay nakahiligan ang surfing.

Nabanggit din ni Kim na ilan sa mga piling showbiz friends nila ni Jericho na kabilang sa entourage ay sina Gab Valenciano at Sam Godinez-Valenciano.

PERFECT TANDEM. Naging magkasintahan sina Jericho at Kim noong October 2011, hanggang sa mag-propose ng kasal ang aktor noong August 2013.

Ano ang pakiramdam na dalawang buwan na lang ang kanilang hihintayin bago ang kanilang kasal?

Sabi ni Kim, “There’s definitely kilig because we’re so in love naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those moments when we realize we’re getting married. We get giddy with excitement.

“It’s not every day. No relationships are true romances all the time.”

Hindi ikinakaila ng model/fashion blogger na bongga ang effort ni Jericho upang maramdaman niyang espesyal siya para rito.

“It’s the things he does every day.

"The fact that he takes time to call me, even though he’s busy on the set.

“It’s the effort he puts every day just to tell me he loves me. Things like that.”

Sa katunayan, nararamdaman ng future bride na espesyal siya para kay Jericho dahil sa mga simpleng gestures nito.

Walong taon man ang agwat ng edad nila, iginiit ni Kim, 26, na magkasundo sila ni Jericho, 34, sa maraming bagay.

Kaya naman kitang-kita na talagang masaya sila sa kanilang relasyon.

“No. Our age gap has never been an issue. He’s a super kid at heart.

“We’re both goof balls. We try not to take ourselves seriously.

“It’s a great partnership, really.”


NOTHING WILL CHANGE. Sabi pa ni Kim, pakiramdam niya ay hindi todo ang adjustment nila ni Jericho pagkatapos nilang makasal.

Ito ay sa kadahilanang pareho pa silang maraming gustong maabot pagdating sa kani-kanilang career.

Kaya pagkatapos nilang ikasal ay hindi muna sila mag-aanak.

“Eventually, yes, we want a family. But we’re still both young.

“Echo and I will still have our goals and our dreams and we’ll aspire to that.

“There might be some small sacrifices, but we’re not gonna settle down and have a family yet.”

Ano na lang ang pinakahihintay niya sa nalalapit nilang pagpapakasal ni Jericho?

“It’s cheesy. But just waking up every morning and seeing him next to me.

“I’m just excited to just be a wife. Not a housewife, but a wife,” nakangiting turan ni Kim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN