Matteo Guidicelli on Sarah Geronimo’s short hair: "She looks hot!"

“Sarah never looked as beautiful as today. She’s very beautiful with a short hair. She looks good and I’m proud of her,” says Matteo Guidicelli about the new hairdo of his rumored girlfriend Sarah Geronimo.


Nananatiling mailap si Matteo Guidicelli pagdating sa mga tanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Sarah Geronimo.

Sa press conference para sa nalalapit na finale ng ABS-CBN afternoon series na Galema, paiwas na sinagot ni Matteo ang anumang tanong tungkol sa rumored girlfriend niya.

Kahit wala pang nagkukumpirma ng relasyon nila, may usap-usapan na nagrerebelde raw si Sarah dahil hindi boto ang ina nitong si Divine Geronimo kay Matteo.

Hindi direktang nagbigay ng komento ang Galema actor tungkol dito.

Sabi niya, “You know, rumors are always rumors.

“Basta everything is positive. I try to keep it positive.

“It’s okay. Everybody is happy.”

Nang tanungin muli tungkol kay Mommy Divine, ngumiti lamang si Matteo at nakiusap: “Huwag na natin pag-usapan ‘yan. Okay na ‘yon.”



ON SARAH’S SHORT HAIR. Bahagi rin ng sinasabing pagrerebelde umano ni Sarah ay ang pagpapagupit nito ng maiksing buhok, na naipakita na sa publiko sa press launch ng iniendorso niyang shampoo brand noong nakaraang linggo.

Ano ang masasabi ni Matteo tungkol dito?

Tugon niya, “I don’t know...

“All of us, we’re saying she looks hot.

"She looks hot talaga? She’s very beautiful."

Gayunman, nagustuhan daw ni Matteo ang bagong hairdo ni Sarah.

“Sarah never looked as beautiful as today.

“She’s very beautiful with a short hair.

“She looks good and I’m proud of her,” sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN