Kris Lawrence begins preparations for his wedding to Katrina Halili

Nagsisimula nang maghanda si Kris Lawrence para sa nalalapit nilang pagpapakasal ng kasintahan niyang si Katrina Halili. Una na rito ang pagbubukas ng kanilang joint account at pag-iipon para sa kanilang bahay.


Pinaghahandaan na nina Kris Lawrence at Katrina Halili ang kanilang pag-iisang dibdib mga dalawang taon mula ngayon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa contract signing niya sa Universal Records kahapon, March 11.

Aniya, inaasahan na niyang tungkol sa balak na pagpapakasal nila ni Katrina ang isa sa itatanong sa kanya.

Ayon sa Prince of RnB, ngayong araw, March 12, ay magbubukas na sila ni Katrina ng joint account pagkagaling ng aktres sa Batangas.

Kahit hindi pa man sila kasal, tanggap na raw ni Kris na dapat hawak ni Katrina ang mga kinikita niya para sa kinabukasan ng kanilang 1 year and 5 months daughter na si Katie.

Pahayag ni Kris, “Our first joint account together. She told me na parang requirements.

“Kasi dito sa Pinas, sinasabi niya sa akin, ’Ano ka ba, dito sa Pinas, yung lalaki pag kumita, bigay sa asawa. Ako hahawak!’

“It was kinda hard for me to swallow.

"Kasi, you know, in the States is kanya-kanya, as long as you can take care of the baby.

"But, you know, I’m not in the States.

"So, I have to live by siguro what the culture is here.

"I love her naman, so I’ll give everything.

"Yun ang usapan namin.

"It’s very hard for me but, yes, I’ll do it."

THE WEDDING. Pangako na raw ni Kris kay Katrina na pakakasalan niya ito kaya dapat na paghandaan na nila ito nang mabuti.

Ang isa raw sa requirements na gusto ng singer na matupad bago sila magpakasal, dapat ay makabili muna siya ng bahay para sa kanila ni Katrina at sa kanilang anak.

Willing naman daw tumulong ang Kapuso actress basta matuloy lang ang binubuong bahay.

Saad ng 31-year-old singer, “Baka ibebenta niya ang bahay niya, ’tapos share kami para sa isang bagong bahay.

"Or she can keep this, ’tapos bili na ako ng isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Requirements ko po sa kanya, e."

Malaki raw ang nagawa ng pagdating ni Baby Katie sa kanilang buhay dahil lalong tumibay ang kanilang relasyon at lalo pa niyang minahal si Katrina.

Ani Kris, “Katie, she’s like the mighty bond to our relationship.

“Tulad dati, let’s say may mga konting pikunan kami… now is it worth fighting for? No!

"So, ’Baby, I’m sorry,’ parang ganun na.”

Kahit daw kay Katrina ay malaki na rin ang ipinagbago nito.

“Kay Kat, maturity.

"I’m not saying that she was immature dati, pero there was a big difference, you know, that it made her family, sa mga tao sa bahay, we all noticed.

“Mas naging responsible... ang pera niya, mas marunong siya humawak ngayon.”

Kaya nga willing daw siyang ipagkatiwala ang lahat ng kinikita niya kay Katrina.

Kaya malaki rin ang pasasalamat ni Kris sa kanyang manager na si Arnold Vegafria at sa Universal Records na muling nagtiwala sa kanya para gawan ng bagong album.

Hindi pa raw puwedeng sabihin kung anong album ang sisimulan niya pagkatapos niyang pumirma ng kontrata.

Pero ang isa ipinagmamalaki niya ay ang nabuo niyang kantang "Champion" na ni-record niya sa Amerika at ginamit na soundtrack sa documentary film ni Manny Pacquiao na Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN