Enrique Gil on possibility of falling for Julia Barretto: "Puwede talagang ma-develop."

Enrique Gil reveals the key to his heart: "Simple lang sa akin, yung masayahin. Laging naka-smile na tinitingnan mo pa lang, nakakaalis na ng stress, nakakagaan ng loob. ’Tapos malambing. Kahit hindi marunong magluto basta malambing, busog na ako."


Hindi itinanggi ni Enrique Gil na maaari siyang ma-develop kay Julia Barretto, ang leading lady niya sa upcoming primetime teleserye ng ABS-CBN na Mira Bella.

Pahayag ng young actor, "Puwede talaga, kasi ’pag may loveteam ka, magkasama kayo sa trabaho lagi, lagi kayong magkasama sa eksena.

"Then, you get to know the person more, puwede talagang ma-develop."

Nakasama ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sina Enrique at Julia kahapon, March 11, sa post- at pre-birthday treats na inihanda para sa kanila ng Dreamscape Entertainment Television, ang producer ng kanilang fantaserye.

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday si Julia noong March 10, at si Enrique naman ay magdiriwang ng kanyang 22nd birthday sa March 30.

Ginanap ang twin celebrations sa Playland ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, kung saan nakipag-bonding ang dalawa sa ilang press.

STARTING NEW. Tatlong buwan pa lang daw nagkakasama sina Enrique at Julia sa set ng Mira Bella kaya "bago pa ang lahat" para sa young actor.

Pahayag niya, "Hindi pa namin napi-feel yung tagal, so each time na magkasama kami, getting to know each other pa rin.

"Pero tuwing nagkikita kami sa set, parang may nalalaman ako sa kanya.

"So, parang dun pa lang sa stage [na yun], dun pa lang."

Mahirap bang maging close sa kanyang leading lady?

Sagot ni Enrique, "To be honest, hindi, kumpara sa iba.

"Kasi siguro dahil open kaagad siya and maharot.

"Kaya kung nagkukulitan kami, dun kami nagiging solid.

"Parang ice-breaker yung, ’Oy, makulit ka, pakulit naman!’

"Ka-vibes ko si Jules [tawag niya kay Julia], we’re cool, solid."

Dagdag pa nito, "Close ako sa tita niya, kay Mama Gretch [Gretchen Barretto].

"That’s why parang hindi na mahirap maging close sa kanya."

Nagkasama sina Enrique at Gretchen sa dating teleserye ng ABS-CBN na Princess And I.

GIRLFRIEND-MATERIAL. Sa tipo naman ng babae na magugustuhan ni Enrique, "Simple lang sa akin, yung masayahin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Laging naka-smile na tinitingnan mo pa lang, nakakaalis na ng stress, nakakagaan ng loob.

"’Tapos malambing.

"Kahit hindi marunong magluto, basta malambing, busog na ako."

Tanong ng PEP, ano ang physical features ni Julia na kaagad naka-attract kay Enrique?

"Yung lagi siyang naka-smile.

"At saka yung dimple niya, yun ang panalo.

"Solid ang dimple niya, ayun."

ANNOUNCEMENT. Nalaman daw ni Enrique na siya ang magiging partner ni Julia sa launching teleserye nito matapos ang concert niyang King of the Gil noong November 29, 2013.

Marami kasing mga pangalang lumabas na magiging ka-partner ng young actress sa Mira Bella bago pa ang final announcement na si Enrique na ang napili.

Kuwento ng Star Magic talent, "That night, sinabi na sa akin na for sure, ako na, puwede ko nang sabihin na ako na.

"Sabi nga sa akin na may bagong loveteam na."

Ano ang naging reaksiyon niya nang malamang siya na ang makakapareha ni Julia?

Sagot niya, "Masaya ako, siyempre excited ako for the show.

"Hindi pa ako nakakagawa ng isang fantaserye."

Nagbigay rin ng maikling mensahe si Enrique para sa kanyang screen partner.

"Basta ako, masaya ako para sa iyo.

"Totoo yung sinasabi nila na wherever you go, nakikita ang mukha ni Julia—kung hindi sa fastfood, sa pampaputi.

"So, para sa akin, heto’ng Mira Bella, heto na ang simula.

"At nakikita ko naman na sa simula pa lang ay nagta-try talaga siya.

"Alam namin na sa isang show, napakalaking pressure, pero everybody’s helping and she’s doing a lot.

"Gumana ang mga workshop [sa acting] at ang motivation lang nina Direk sa kanya ay ’She’s good.’

"So, congrats and good luck."

Ang Mira Bella ay ididirehe nina Jerome Pobocan, Erick Salud, at Jojo Saguin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN