Dennis Trillo is Ai-Ai delas Alas’s "new inspiration"

Dennis Trillo on his Dekada award from PMPC Star Awards for Movies: "Ang sarap ng pakiramdam na napansin nila [PMPC] yung mga trabaho naming artista, lalo na sa loob ng sampung taon. At napakasarap ng pakiramdam na napapansin lahat ng paghihirap namin."


Malaking karangalan daw para kay Dennis Trillo na nakasama niya sa entablado ang iba pang mga aktor na ginawaran ng Dekada Award sa 30th Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap sa Solaire Resort and Casino noong Linggo, March 9.

Bukod kay Dennis, pinarangalan din sina Aga Muhlach, Jericho Rosales, John Lloyd Cruz, Baron Geisler, at Piolo Pascual bilang Dekada awardees.

Pahayag ng Kapuso actor, "Oo nga, e. Nandun sina Aga Muhlach, si Piolo Pascual...

“Nakaka-starstruck pa rin and, actually, marami akong nakalimutan sa speech ko.

"Actually, marami akong hindi napasalamatan sa speech ko dahil ano, e, talagang kinakabahan ako, e.

“Pawis na pawis nga ako doon sa stage.

“Pero ang sarap ng pakiramdam na napansin nila [PMPC] yung mga trabaho naming artista, lalo na sa loob ng sampung taon.

“At napakasarap ng pakiramdam na napapansin lahat ng paghihirap namin."

Sino pa dapat ang pasasalamatan niya?

“Siyempre, Regal Films, napakaimportante.

“Halos lahat ng pelikula ko sila ang nag-produce, pinagtiwala nila sa akin yung…

“Hindi ko na alam kung ilang pelikula ang nagawa ko sa kanila.

“Pero masarap na pakiramdam na nagtitiwala sila sa ’yo, and talagang naniniwala sa kaya mong ipakita at i-exhibit na talent."



AI-AI’S NEW INSPIRATION. Sa speech naman ng isa ring Dekada awardee na si Ai-Ai delas Alas ay sinabi nitong si Dennis daw ang “bagong inspirasyon” niya.

Ano ang reaksiyon dito ng aktor?

"Oo nga, e," nakangiting sabi ni Dennis.

"Hindi, magkatabi kasi kami sa upuan.

“Nagkukuwentuhan lang kami sa upuan dahil medyo mahaba yung program.

“E, kaming dalawa lang ang magkausap doon."

Ano ang napagkuwentuhan nila ni Ai-Ai?

"A… wala naman. Kung anu-ano lang po!” natatawa niyang sabi.

First time niya makausap si Ai-Ai?

Sagot ni Dennis, "Oo, masaya.

“Kahit na mahaba yung program, hindi ako nabagot kasi marami siyang ikinukuwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Masayahin siyang tao, e, kaya nakakatuwa."

Ano ang masasabi niya na siya ang bagong inspirasyon ni Ai-Ai?

"Hindi ko alam kung ano ang pakiramdam doon, pero nakakatuwa na alam mo yung nabanggit pa niya yun doon sa speech niya.

“Hindi ko inaasahan kaya medyo parang may awkward lang na pakiramdam doon sa stage, pero okey lang naman."

Looking forward ba siya na makatrabaho si Ai-Ai?

Sagot ni Dennis, "Of course, oo naman.

“Si Ms. Ai-Ai, naka-ilang Star Awards na ’yan, naka-ilang Best Actress na siya.

“So, sana makatrabaho ko siya one of these days."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN