Jessy Mendiola reveals Sam Milby and Jake Cuenca have stopped courting her

Bago pa man daw magtapos ang pinakahuli niyang teleseryeng Maria Mercedes, tumigil na sa panliligaw sa kanya si Sam Milby at hindi na rin nanliligaw sa kanya ngayon ang co-star niya sa teleserye na si Jake Cuenca.


Pagkatapos magbida sa teleseryeng Maria Mercedes, pinagkakaabalahan ngayon ni Jessy Mendiola ang pelikulang pagsasamahan nila nina John Lloyd Cruz, Richard Gomez, at Gretchen Barretto.

Bahagya raw naantala ang shooting ng pelikula dahil sa nangyaring bike accident kay John Lloyd noong February 20.

Read: John Lloyd Cruz involved in minor biking accident in Tarlac

“Kasi nga, nadisgrasya siya, ’tsaka may mga revisions [sa script],” sabi ni Jessy sa press conference ng kanyang bagong endorsement, ang Astring-O-Sol mouthwash, sa Imperial Ice Bar, The Fort, noong March 12, Miyerkules.

Paniniyak pa ng young actress, “Pero definitely tuloy, kasi they have bigger plans for the film, [but] I’m not allowed to say it yet, but it’s really good.”

Ano naman ang pakiramdam ni Jessy na makakatambal niya si John Lloyd at makakasama pa ang mga malalaking artista kagaya nina Richard at Gretchen?

Sagot niya, “First time ko siya [John Lloyd] makatrabaho ngayon.

“Nung first shooting day, kabadung-kabado ako kasi ang galing niyang artista.

“I feel honored and happy na mapabilang sa ganito kalaking cast at ganito kalaking pelikula.”

ON SUITORS. Dahil labis siyang napagod sa paggawa ng Maria Mercedes, sinulit ni Jessy ang pagpapahinga.

Nagtapos ang Filipino version ng sikat na Mexicanovela noong January 24.

“Sa ngayon, nagpapahinga muna ako, pero may trabaho pa rin… nagpapaganda ulit, nagpapapayat,” nakangiting sabi ni Jessy.

Aminado siyang nadagdagan ang kanyang timbang dahil “masarap kumain pag bakasyon.”

Kinumusta rin kay Jessy ang mga aktor na na-link at nagparamdam sa kanya bago nagsimula ang Maria Mercedes—sina Sam Milby at Jake Cuenca.

Read: Jessy Mendiola on suitors Jake Cuenca and Sam Milby: “Steady lang kayo.”

Sabi niya tungkol kay Sam, “Naku, naging busy na kami nung Maria Mercedes.

“End of Maria Mercedes, nagkalabuan na… nag-stop siya [sa panliligaw].”

Ganun din daw ang nangyari sa kanila ni Jake, na leading man niya sa teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-stop din, pero recently lang, nag-text siya sa akin.

“Gusto nga raw niya akong makita nung nag-ASAP sila kasi promo ng Ikaw Lamang.”

Ang Ikaw Lamang ang primetime teleserye sa ABS-CBN na kinabibilangan ni Jake na nagsimulang umere noong March 10.

Sabi pa ni Jessy, “I really think Jake is like that to everyone na naging ka-close niya.

“Jake is a friend of mine kasi same kami ng handler.”

Diin ng dalaga, zero-lovelife siya ngayon. Pero open naman daw siya sa mga manliligaw.

“I’ve been open naman sa panliligaw.

“Wala naman akong restrictions.

“Siguro nasusupladahan lang sila sa akin,” pagbibiro niya.

CONFIDENCE. Kaugnay naman ng kanyang bagong endorsement, sinabi ni Jessy na mahalaga ang pagkaroon ng fresh breath para maging confident ang isang tao—mapa-artista man o ordinaryong tao.

“Sa lahat naman, mahalaga ang fresh breath, hindi lang mga artista.

“Sa isang artista, importante ‘yon… kunwari may role ka, sa audition or go-sees, siyempre yung impression sa ‘yo, ‘Siya ba yung may bad breath?’ Nakakahiya din pag ganun yung lumabas.”

Inusisa rin si Jessy kung may nakaeksena na siya sa isang kissing scene na may bad breath.

Tugon niya, “Alam mo, kadalasan naman nangyayari ‘yan.

"Hindi naman talaga maiiwasan ‘yon, pero siguro sila na lang ‘yon.

"But I do encourage them to take care of their hygiene.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN