Roxanne Cabañero explains why she can’t remember the exact date when Vhong Navarro allegedly raped her

Umaapela si Roxanne Cabañero sa mga tao na huwag naman daw pagtawanan ang kaso niya. Humahagulgol niyang pakiusap, “And sana man lang yung mga tao, tigilan na nila yung pagkukutya sa akin, keso ganito ako, ganyan, prostitute ako, GRO ako... siyempre masakit kasi ‘di naman totoo.”


Dismayado si Roxanne Cabañero dahil hindi niya nakaharap ang inakusahan niyang nanggahasa sa kanya na si Vhong Navarro.

Sinabi ni Roxanne na gustung-gusto sana niyang makaharap ang actor-TV host sa preliminary investigation ng inihain niyang rape complaint laban dito sa Pasig Prosecutor’s Office kaninang hapon, March 13.

Aniya, “Honestly, right now, disappointed ako.

"And I’ll have to see him in court. And I hope that I’ll find justice."

Paglabas ni Roxanne ng elevator ng Pasig Regional Trial Court, nagpaunlak siya ng panayam sa media na nag-cover ng preliminary investigation.

Dito ay pinanindigan niyang ginahasa siya ng It’s Showtime host.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kasama ang GMA News at News5, sa loob ng isang silid sa Pasig RTC, inusisa muli namin si Roxanne tungkol sa kanyang pagiging emosyunal.

Saad niya, “Pressure, e, emotional ako.

"And I really wanted to see this guy... I don’t know.

"I can’t say it… pag nakita ko siya, maybe that’s the time na malalaman ko kung ano ang masasabi ko sa kanya or kung ano’ng gagawin ko."

Dagdag pa niya, “Disappointed ako. Galit ako sa kanya.

"Takot pa rin, pero I have people supporting me, so I’m strong enough to face him.

"And to find my justice.”



DATE OF RAPE. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung anong petsa siya ginahasa diumano ni Vhong, inulit ng PEP ang tanong sa aspiring beauty queen kung naaalala na ba niya ito.

Nauna na kasing umikot ang impormasyon, base na rin sa kanyang affidavit na isinumite sa korte noong February 19, 2014, na nangyari ang panggagahasa diumano noong April 24, 2010.

Pero nag-iba na ito sa mga sumunod na panayam sa kanilang kampo.

Ayon sa kanyang abugado na si Atty. Virgilio Batalla, nangyari ito sa pagitan ng April 24, 25, 26, and 27, 2010.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Roxanne Cabañero stands firm on her rape allegation against Vhong Navarro: "Ni-rape niya ako."

Saad ni Roxanne, “I met him on the 24th sa Showtime, and it’s a long time ago, hindi ko na ma-remember kung what date.

“Basta, hindi namin sinabi kung kailan, kasi it’s a long time ago.

"And honestly speaking, even I, hindi ko na ma-remember what date, but I remember the time that he picked me at the hotel."

Kung malinaw ang kanyang rekoleksiyon sa nangyari noong diumano’y nagahasa siya, bakit hindi niya maalala ang mismong date kung kailan ito nangyari?

Paliwanag ni Roxanne, “Very ano, e…very ano, e, the incident is very horrifying, so ibinabaon ko siya sa limot.

"And I don’t have a time to find justice then, it’s hard to relive it."



STRONG SUPPORT SYSTEM. Paiba-iba rin ang ng pangalan ng hotel na sinabi niyang tinuluyan niya noong April 2010, kasama ang iba pang kandidata ng Miss Bikini Philippines.

Dahil dito ay umani ng sangkatutak na haters at bashers si Roxanne sa social media.

Masakit man daw, wala na raw siyang magagawa pa tungkol dito.

Mangiyak-ngiyak niyang saad, “They’re entitled to their own rights, e, so they can say whatever they want to say.

"But at the end of the day, kilala ko kung sino ako.

“Ang mga taong nagmamahal sa akin, kilala nila kung sino ako.

“And honestly, I’m very private.

“I’m a very private person.

"No one knows where I live, no one knows kung saan ako nag-aral, wala… kasi napakapribado kong tao.

“Hindi ako nagpo-post ng pictures ng family ko sa Instagram, sa Facebook.

"I’m off sa Facebook... I have Instagram, I turned it down.

“I have Twitter, I turned it off.

"Pero siyempre, yung mga friends ko, ‘O, may mga nababasa kami, ang sasakit.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre masakit.”

Pero dahil sa supporta ng mga nakapalibot sa kanya, lalo na ang kanyang pamilya, lalo raw lumakas ang kanyang loob sa kanyang ipinaglalaban.

Ani Roxanne, “At first, brokenhearted sila.

"But right now, they’re really very supportive.

"Alam naman nilang tama ang ipinaglalaban ko so… my mom is very supportive, my brother, my sister.

“And my dad, lolo, lola... everybody.”

ROXANNE APPEALS TO THE PUBLIC. Sa affidavit ni Roxanne sa kanyang rape complaint, may isang linya na nakasulat na parang sinabi diumano sa kanya ng actor-dancer na: “Ang suwerte daw niya at nasipingan siya ng isang Vhong Navarro.”

Naiiyak na sabi ng dalagang tubong-Cebu, “Humiliated and insulted lang.”

May mensahe ba siya sa iba pang mga “rape victim” na katulad niya?

Pahagulhol na sagot nito, “Siyempre, mahirap din kasing lumabas, e, ’tapos sabihin sa buong mundo na na-rape ka.

"Kasi pagkatao mo yung binababoy.

"Naiisip ko lang ulit yung ginawa niya kaya mahirap.”

Tungkol naman sa mga naglabasang nude pictures niya, sabi ni Roxanne, “I don’t want to answer that ‘coz I don’t want… na-deal ko na yung issue na ‘yan way back.”

Sa huli, humahagulgol pa ring pakiusap niya, “So, I hope everybody should just respect that part.

“Ang sa akin lang, hustisya lang dahil may ginawa siyang kasalanan sa ‘kin.

“And sana man lang yung mga tao, tigilan na nila yung pagkukutya sa akin, keso ganito ako, ganyan.

“Prostitute ako, GRO ako, siyempre masakit kasi ’di naman totoo.

“Masakit lang kasi hindi ko naman kilala yung mga taong yun, e, ’tapos sinasabi nilang ganun ako.

“Napakapribado kong tao, masayahin ako, pero hindi ko lang maintindihan kung bakit sila ganun.

“’Tapos, ginagawa nilang katatawanan yung kaso ko, ginagawa nilang joke, na hindi naman dapat.

“Dapat nirerespeto nila yun kasi puri ko na ang binastos at ginahasa ng lalaking yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Na sana naman konting respeto.

"Inilabas pa nila yung affidavit ko, yung mga statement, yung sobrang personal, at yung nangyari nung gabing yun.

"So, disappointed lang at masakit.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN