Gerald Anderson quashes rumor that his mom does not like Maja Salvador

Gerald Anderson on fighting for his love: “At the end of the day, kailangan masaya lahat. Kung hindi, ibig sabihin, may mali talaga. Ako, bilang lalaki, kailangang hanapin ko yung mali at gawing tama.”


Muling pinabulaanan ni Gerald Anderson ang balitang hindi raw boto ang kanyang ina na si Mrs. Evangeline Opsima sa girlfriend ngayon ng young actor na si Maja Salvador.

Sa phone-patch interview kasi ni Mrs. Opsima sa Buzz Ng Bayan noong Linggo, March 9, sinabi nitong hindi siya nakikialam sa lovelife ng anak ngunit sana raw ay mag-ingat ito.

Dahil sa pahayag na ito ng ina ni Gerald, lalong umugong ang usap-usapan na hindi ito diumano pabor sa relasyon ng binatang anak kay Maja.

Pero tanggi naman ni Gerald, “No, of course not.

“Yung nanay ko, siguro alam ng lahat na ganun talaga siya.

“She’s a very strong woman, napaka-strong niya, at ganun talaga siya magsalita.

“Pero hindi naman siya nakikialam.”

Dagdag pa niya, “Okay naman sila [his mom and Maja], steady, they’re doing good.

“Basta okay naman.

“Sobrang happy ako, sobrang blessed ko na lahat ng parte ng buhay is coming together.

“At it’s a journey… and kasama kayo sa journey na yun.”

Kuwento pa ng young actor, nagkakilala na nang personal ang kanyang ina at si Maja.

“Yeah, wala nga ako dun, sila lang, nandito ako sa Manila… nag-show sila dun.

“Okay naman, yung typical nanay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gerald sa grand launch ng upcoming fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel kagabi, March 13, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

Siya ba ang tipo ng lalaki na ipaglalaban ang taong mahal niya kung sakaling ayawan ito ng kanyang pamilya?

Sagot ni Gerald, “Oo, siyempre naman.

“At the end of the day, kailangan masaya lahat.

“Kung hindi, ibig sabihin, may mali talaga.

“Ako, bilang lalaki, kailangang hanapin ko yung mali at gawing tama.”

Hindi naman itinanggi ni Gerald na gustung-gusto ng kanyang ina ang ex-girlfirend niyang si Kim Chiu.

“Kasi si Kim, napakabait na tao and sobrang naging close sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi magbabago yun, hindi magbabago yun,” sabi niya.

Pero hindi raw dapat pagkumprahin ang relasyon ng ina kina Kim at Maja.

“Ay wala namang ganun, siyempre magkaiba naman sila!” bulalas ni Gerald.

Sabi naman niya tungkol kay Kim, “Like I’ve said, naging parte siya ng buhay ko and it’s coming back together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN