Andi Eigenmann on not getting the role of Dyesebel: “Anne more than deserves it.”

Andi Eigenmann does not mind playing a supporting role in Dyesebel. The Galema lead actress says, “Anne [Curtis] more than deserves it. She is very beautiful, and I know na kayang-kaya niyang bigyang katarungan ang pagsasatao kay Dyesebel.”


Mula sa pagiging bida sa afternoon soap na Galema, magiging second lead si Andi Eigenmann sa bagong primetime fantaserye ng ABS-CBN na Dyesebel.

Ngunit ayon sa Kapamilya actress, hindi siya nahirapan sa pag-a-adjust sa bagong role na kanyang gagampanan.

"Para sa akin po, hindi siya mahirap as long as I want what I’m doing.

“The very reason why I accepted the role was because I knew that I will enjoy it.

“The adjustment wasn’t a problem at all.

“Hindi ko naman tatanggapin yung role kung alam kong hindi ako mapapabilang sa isang kuwentong napakaganda at talagang susubaybayan ng mga manonood, at kung hindi itong mga kasama ko ngayon ang makakasama ko.

“So, parang the adjustment part isn’t supposed to be the question.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Andi sa press conference ng Dyesebel kagabi, March 13.

DREAM TO PLAY DYESEBEL. Samantala, aminado si Andi na isa rin sa mga pangarap niya bilang artista ang gumanap bilang Dyesebel.

“Lahat naman yata ng babaeng artista ay hahangaring maging Dyesebel,” sabi pa niya.

Dahil sa ginawa niyang teleserye noon na Agua Bendita, may ilang nagsasabi na maaari rin sanang maging Dyesebel si Andi.

Gayunman, hindi alintana ni Andi kung hindi niya nakuha ang title role sa Dyesebel—na siyang ginagampanan ni Anne Curtis.

Sabi niya, “Anne more than deserves it.

“She is very beautiful, and I know na kayang-kaya niyang bigyang katarungan ang pagsasatao kay Dyesebel.”

Ikinatuwiran din ng anak ng veteran actors na sina Jaclyn Jose at Mark Gil na mas mahalaga para sa kanya ang maipakita ang kakayahan niya bilang aktres kaysa makakuha ng lead roles.

“Masaya po ako dahil ang hangad ko sa pagpasok ko sa industriya ay hindi maging bida.

“Ang hangad ko po sa industriya ay maibahagi ko ang kaya kong gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I believe in this concept, I believe in this story, so I’m honored to be part of it.”

Ang Galema: Anak Ni Zuma ay magtatapos sa March 28, samantalang ang Dyesebel naman ay magsisimula sa March 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN