Kim Rodriguez insists short run of Paraiso Ko’y Ikaw is not because of low ratings

Kim Rodriguez on two-month airing of Paraiso Ko’y Ikaw: “Kami kasi, ginagawa lang namin ang trabaho namin, ginagawa namin yung best namin para makatulong para mag-rate yung show. Pero hindi naman kasi porke saglit lang siya, short series, ibig sabihin hindi na nagre-rate. Sa totoo lang, parang humahabol nga kami sa ratings ng Annaliza, e.”


Habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actress na si Kim Rodriguez sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, March 13, ay biglang nagdugo ang hintuturong daliri niya sa kaliwang kamay.

Nag-excuse ang dalaga sa amin at pumunta sa comfort room para ayusin ang benda ng kanyang daliri.

Pagbalik niya ay napag-alaman naming nahiwa ni Kim ang kanyang sarili kahapon din ng umaga.

Kuwento niya, “Nagde-detox po kasi ako, may juicer po sa house, ‘tapos pag-cut ko sa carrot, nag-chunk po siya, natanggal yung laman. Kaya kanina, dumiretso po ako sa hospital.”

Tinahi raw ang sugat ni Kim sa daliri.

Umiyak raw siya nang turukan siya ng anaesthesia at habang nililinis ang sugat niya.

“Sobrang sakit po. Mga nakalimang inject po sila sa akin.”

Pero kahit bagong tahi ang daliri ay sinipot pa rin ni Kim ang pocket presscon nila nina Kristoffer Martin, Joyce Ching, at Phytos Ramirez para sa nalalapit na pagtatapos ng drama series nilang Paraiso Ko’y Ikaw kagabi.



DETOX. Bakit siya nagde-detox?

Paliwanag ni Kim, “Kasi po nagsawa na ako sa kakaprutas-prutas, so para hindi ako mahirapan kakanguya, ginagawa ko siyang juice.

“Parang ayun na po yung lunch ko, dinner.”

Sa Internet daw niya natutunan ang pagde-detox.

“Iyon na rin po yung ginagawa kong pang-diet bukod sa fruits.

“Bukod sa fruits, naghahalo na rin ako… hindi po kasi ako kumakain ng ampalaya, ng broccoli, so yung katas na lang po siya, para isang inuman na lang para hindi na ako mahirapan.”

Para kanino ba siya nagpapaganda ng katawan?

“Para po sa mga manonood!” bulalas niya.

Kahit nahiwa siya ay itutuloy pa rin daw niya ang detox.

“Opo. Dati ko na po siyang ginagawa, ngayon lang po nangyari ito.”



LAST TWO WEEKS. Samantala, aminado si Kim na nalungkot siya nang nalaman na magtatapos na in two weeks ang drama series nilang Paraiso Ko’y Ikaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Siyempre nalungkot po, e.

“Siyempre masaya rin po kasi sobrang saya namin sa taping, siyempre mami-miss ko po sila.

“At saka mami-miss ko po yung mga ginawa namin kasi ano, e, sobrang saya namin sa set.

“At saka siyempre, masaya naman po kasi yung mga pinaghirapan po namin naging successful naman po.”

Nagsimula ang Paraiso Ko’y Ikaw noong January 27 at magtatapos ito sa March 28. Sa kabuuan, dalawang buwan lang ang itinagal nito sa ere.

Kailan nalaman ni Kim na short series lamang pala ang kanilang show?

Sabi niya, “Nung week five, week six po.

“Siyempre malungkot, kasi mami-miss ko yung cast…

“Siyempre kasi marami po akong natutunan, lalo na kay Direk Joyce [Bernal], e.

“Kasi kapag passionate talaga yung mga katrabaho mo, passionate about what they do, parang ako, parang mas ginaganahan po akong magtrabaho.

“Kaso nga lang, siyempre nalungkot po ako kasi matatapos na ang Paraiso Ko’y Ikaw.”

Ano ang magiging reaksiyon niya kapag may mang-iintrigang kaya tatapusin na ang show nila ay dahil hindi sila nagre-rate?

“Ay, hindi!” bulalas ni Kim.

“Kami kasi, ginagawa lang namin ang trabaho namin, ginagawa namin yung best namin para makatulong para mag-rate yung show.

“Pero hindi naman kasi porke saglit lang siya, short series, ibig sabihin hindi na nagre-rate.

“Sa totoo lang, parang humahabol nga kami sa ratings ng Annaliza, e,” pagtukoy niya sa katapat nilang programa sa ABS-CBN.

So, hindi ratings?

“A, wala po sa ratings yun.

“Nasa pag-arte po, nasa artista rin po kasi ‘yan, e.

“Nasa sa amin po… kung paano kami umarte, at saka nasa istorya po ’yan.

“Short series lang po talaga ang Paraiso Ko’y Ikaw.”

Ayon pa kay Kim, “Ako po, okay lang po, kasi maganda rin naman po yung naging ending namin, e.”

Alam na raw niya kung ano ang magiging ending nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero may last three days pa po kaming taping. Pero nabasa ko na po [sa script].”



NEXT LEADING MAN. Hindi pa raw sinasabi sa kanya ng GMA kung ano ang susunod niyang proyekto.

“Sa ngayon po, hindi pa namin napapag-meeting-an hangga’t hindi tapos yung Paraiso Ko’y Ikaw. Siguro after po, hopefully magkaroon.”

Kung siya ang tatanungin, sino ang gusto niyang maging kasunod na leading man?

Si Kristoffer Martin ang leading man ni Kim sa Paraiso ko’y Ikaw.

Sagot ng dalaga, “Sino ba? Siguro po si Alden Richards!

“Saludo po ako kay Alden, napakagaling niya, pinapanood ko po yung Carmela.

“Napakagaling po niya doon.

“’Tsaka si Alden po, kaibigan ko po siya, pero hindi naman kami madalas magkita.

“Nakikita ko lang siya sa Sunday All Stars kapag nagge-guest po kami.”



HER RIVAL. Sino naman ang itinuturing niyang karibal sa showbiz?

“Sino ba?” napaisip na sabi ni Kim.

Si Janine Gutierrez?

“Siguro po si Janine Gutierrez,” pagsang-ayon niya.

Dating tween star si Kim na nag-level up na sa pagiging leading lady, ’tulad ni Louise delos Reyes.

At ’tulad nina Kim at Louise ay leading-lady status na rin ang na-achieve ni Janine via Villa Quintana.

Mas gusto ba ni Kim na may karibal sa career?

Sagot niya, “A, hindi naman po sa pagkakaroon ng karibal ‘yan.

“Kasi po, ‘pag may audition, ibigay mo lang yung best mo, kung magugustuhan ka talaga, magugustuhan ka po nila.

“At saka ano lang po ‘yan, may patience naman po akong maghintay, kung para sa akin ‘yan, mapupunta po sa akin ‘yan.”



BACK TO SCHOOL. Ang isa pang plano ni Kim ay ang pagbabalik sa pag-aaral.

“Ngayon, siguro po after ng Paraiso, itutuloy ko po.”

Second year college na siya sa kursong Tourism kapag nagbalik siya sa eskuwela. Sa regular school daw siya mag-aaral muli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro po pupuwede kung wala po munang kasunod na next show, pero kapag ano po, uunti-untiin ko po.”

Sa Airlink sa Pasay City siya nag-aaral dati.

“Nung una, ayaw ko po talaga.

“Pero yung mga pinsan ko po kasi, ‘tsaka yung mga kuya ko, dun nag-aaral, so dun na rin po ako.”

Sinusuportahan daw ng tiyahin ni Kim, na kapatid ng kanyang ina, ang pag-aaral niya dati.

Ngayon ay siya na raw ang magpapaaral sa sarili niya.

“Opo. Pero kasi mahal kasi kaya nga po ayoko dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN