Luis Manzano enjoys watching mom Vilma Santos and girlfriend Angel Locsin bond again

Luis Manzano on rumored wedding with Angel Locsin: “Wala pa naman. Sabi ko nga, yung ibang tao, huwag kaming pangunahan. Pero at the same time, it’s a lingering thought already. Kumbaga, gumigising ako na nandun yung thought na yun. Natutulog ako, nandun din yung thought na yun."


Noong nakaraang linggo ay kumalat sa Internet ang larawan kung saan magkasama si Batangas Governor Vilma Santos-Recto at ang aktres na si Angel Locsin.

Kuha ang larawan nang dumalaw si Angel sa bahay ng mga Recto para sa isang dinner.

Si Vilma ang ina ng TV host-actor na si Luis Manzano, na nakabalikan ni Angel.

Masaya namang ikinuwento ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang pagkikita muli ng Angel at ng kanyang pamilya sa unang pagkakataon pagkatapos nilang magkabalikan.

Lahad ni Luis, “Nung nagkabalikan kami ni Angel, ang gusto naming gawin is to say hi to my mom, to spend time with the family.

“That Sunday, she didn’t have any work. Sabi ko, ‘If you don’t have anything to do this Sunday, spend time with my mom.’

“I told my mom a day before that Angel will have dinner with us.

“They saw each other after so many years and they got along.”

Sabi pa ni Luis, nakakatuwang panoorin ang dalawang pinakamamahal niyang babae na nagkakasundo at masayang nag-uusap.

“Ang sarap nilang panoorin… I was talking to my brother [Ryan Christian], hinahayaan ko lang sila mag-usap, making up the lost time.

“I was enjoying observing.

“Mom is very happy. She sent me a text after na na-miss niya ako, na-miss niya si Kite [Angel].

“So you could see that my mom is happy not just because of me, but because she’s happy one time to spend time with Kite.”

Dagdag niya, “Before dinner, on the way to mom’s house, sinasabi ni Kite na she was nervous, kinakabahan siya, nae-excite daw siya na kinakabahan.

“But after, I can see—hopefully, I don’t want to assume din naman—she smiled.

“Sana she’s also happy to spend time with my family.”

RUMORED WEDDING. Sa kabilang banda, open naman noon pa ang Star For All Seasons na gusto niya si Angel para sa anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa isang interview nga ay binigyan pa ni Vilma ng “10” na rating si Angel kung may potential na maging daughter-in-law niya ito.

Tinanong namin muli si Luis sa nababalitang balak na raw nilang pakasal ni Angel.

Sagot niya, “Wala pa naman.

“Sabi ko nga, yung ibang tao, huwag kaming pangunahan.

“Pero at the same time, it’s a lingering thought already.

“Kumbaga, gumigising ako na nandun yung thought na yun.

“Natutulog ako, nandun din yung thought na yun.

“Basta mas masaya ang relationship namin ngayon, mas matured—that’s the most important thing.”

MIKO SOTTO. Sa hiwalay namang panayam kay Ali Sotto, ina ng yumaong boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, sinabi nitong hanga siya kay Angel dahil dumadalaw pa rin ito sa puntod ng anak.

Read: Ali Sotto touched by Angel Locsin’s thoughtfulness and heartfelt gestures of remembrance towards late son Miko Sotto

Isang bagay na ayaw namang panghimasukan ni Luis.

Saad ng Kapamilya TV host-actor, “I know Miko has been special to her naman before, they have special bond, especially with Ms. Ali, with their family.

“Who am I to meddle on that?”

Dagdag ni Luis, “Yes, a long, long time ago nagkita kami na kami ni Ms. Ali, nagkakilala na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN