Angeli Pangilinan-Valenciano on husband Gary’s enduring success: “This is clearly God’s grace.”

Angeli Pangilinan-Valenciano on Gary’s enduring legacy: “Natutuwa ako na sa kabila ng ilang taon na ang husband ko sa music industry, mahal pa rin siya ng tao, gusto pa rin siyang nakikitang nasa stage. Lahat ng ito, ipinagpapasalamat ko talaga. I feel blessed and challenged na what’s gonna happen in the next thirty years.”


Ginanap kagabi, Sabado, March 15 sa Venice Piazza sa The Fort, Taguig City ang album launch at autograph signing ng pinakabagong album na handog ni Gary Valenciano sa kanyang mga tagahanga, ang With You.

Ang album ay may nilalamang sampung inspirational songs na prinodyus niya para sa GV Productions Inc. sa pakikipagtulungan ng Manila Genesis Entertainment and Management Inc. at Universal Records.

Naka-duet rin dito ni Gary ang anak niyang si Kiana Valenciano, ang former X-Factor Philippines finalist na si A.K.A. Jam at si Young JV.

Habang abala ang tinaguriang Mr. Pure Energy sa pagpirma ng kanyang album sa stage matapos ang mini-concert, minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kapanayamin muna ang kanyang maybahay na si Angeli Pangilinan-Valenciano.

GOD’S GRACE. Unang inalam ng PEP kay Angeli ang kanyang saloobin tungkol sa patuloy na pamamayagpag ng career ni Gary sa music industry sa loob ng halos tatlong dekada.

Bukod sa nananatili pa rin itong sikat at nabibiyayaan pa rin ng maraming oportunidad at proyekto ay parami pa rin nang parami ang kanyang mga tagahanga.

Bungad ni Angeli, “First of course, I feel overwhelmed and blessed that we’re still together through thick and thin.

“At parang nagugulat lang ako na napakabait ng... you know that there is a God, na thirty years of diabetes and he has no complications.

“Others are dead, others have no feet, others are blind and here he is, dancing, tapos meron pang Araneta concert.

“Parang, ’How does this happen?’

“This is clearly God’s grace.

“And yes, natutuwa ako na sa kabila ng ilang taon na ang husband ko sa music industry, mahal pa rin siya ng tao, gusto pa rin siyang nakikitang nasa stage. Lahat ng ito, ipinagpapasalamat ko talaga.

“I feel blessed and challenged na what’s gonna happen in the next thirty years.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Gary ay magtatanghal ng kanyang concert na pinamagatang Arise sa Smart Araneta Coliseum sa darating na April 11 at 12.

WINNING ELEMENTS. Sa kanyang palagay, ano ang magic ni Gary na sa kabila ng maraming baguhang nagsusulputan ay napapanatili pa rin niya ang kanyang staying power at karisma sa publiko?

Aniya, “Three things...

“First is God. Without God, he wouldn’t be where he is.

“Second is excellence ’coz it doesn’t mean na just because he’s talented, ’di ba?

“He works hard, he works as hard as he did thirty years ago.

“He’s got the talent but that’s not enough, e.

“His talent is never enough but he tries for excellence. He’s passionate about his craft.

“For him, it’s a craft and not a ’raket.’ I hate and we both hate the word ’raket’ na para kasing nanlalamang ka ng iba.

“So, for me, it’s the craft and excellence.

“And third is—there’s just so many people who have supported him all these years—the press, the producers, the sponsors. Without the three, he wouldn’t be where is.”

BEHIND A SUCCESSFUL MAN. Bukod dito ay marami ang nagsasabing ang patuloy na tagumpay ni Gary ay dahil na rin sa pagiging mapagmahal na asawa ni Angeli at sa masigasig na pagtutok at pag-alaga nito sa kanyang career.

Nangingiting pahayag niya, “It’s a learning experience for both of us.

“The balance of being a part of his management and being his wife, you know, I believe that the ’give and take factor’ and forgiveness work for us.

“Gary is not an easy man to live with and neither am I ’coz we’re both perfectionists.

“Si Gary, I wouldn’t say na he’s obsessive-compulsive but you see how he performs, ’di ba, na kahit minus one ’yan and you listen to him, parang plaka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I’m very blessed.”

RISING UP TO THE CHALLENGE. Bilang mag-asawa, ano naman ang pinaka-challenging na pangyayari na napagdaanan nila? Paano nila ito nalampasan?

“Well, the diabetes is our worst yet,” sagot niya.

“He almost died a [couple] of times.

“At one point, alam mo na yung ’let go, let God’ kasi masyado na akong nai-stress, nagwu-worry ako lagi. Parang, I realized na He made Gary, He can take Gary anytime.

“There are people who are so careful pero nahulog lang sila, patay na sila. I’ve realized na, you know, just let God.

“The industry is changing. There are new kids on the block and I think the professionalism we used to have in the ’80s is no longer... it’s so different [now].

“Because of the technology and communication, the challenge for me is, ’How do you please the people who all want him?

“That’s the greatest challenge with Gary because everyone wants him.

“At sa amin naman ni Gary, I’m the only one who tells him what he needs to hear and not what he wants to hear.

“It’s very hard,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN