Eula Valdes grieves over loss of another family member

Eula Valdes, who just lost her Ate Nonie (Maria Veronica Valdes Peksonon) on February 26, mourns the sudden passing of her eldest sister, Ate Eilenn (Maria Elena Valdes Gamad) who died yesterday, March 15, due to asthma and enlargement of the heart.


Magkasunod na dagok sa buhay ang dinanas ni Eula Valdes kamakailan dahil magkasunod na namatay ang dalawa niyang kapatid na babae.

Matapos sumakabilang-buhay ang kanyang Ate Nonie (Maria Veronica Valdes Pekson) noong February 26 ay sinundan naman ito ng biglang pagyao ng kanilang panganay, ang kanyang Ate Eileen (Maria Elena Valdes Gamad) kahapon, March 15.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula kanina sa papamamagitan ng Facebook private chat.

Ayon sa kuwento ng aktres, “Si Nonie nung February 26 namatay tapos kahapon ang birthday niya.

“Nagpunta mga kapatid ko sa bahay ni Nonie tapos yung panganay naman namin ang namatay.

“Si Nonie in and out na ng hospital, e.

“Last New Year’s Eve, nagsabi na siya na pag-inatake na naman siya ayaw na niya ng mga kung anu-anong tubo ang ikakabit at pagod na raw siya.

“Anyway, she lived a full life na raw and got what she wanted in life. Ika-fourth attack na [niya] sa puso.”

Heart failure daw ang ikinamatay ng Ate Nonie niya at the age of sixty-six years old noon ngang February 26 at na-cremate ito nung March 2.

ATE EILEEN. Patuloy pa ni Eula, “’Tapos yesterday [Sabado, March 15] nagkita-kita nga uli because birthday ni Nonie, so may Mass and handa sa bahay ni Nonie.

“Ako naman galing sa ATC [Alabang Town Center], may Kumon kasi si Juliana [Eula’s daughter] then nung pauwi na kami nag-text ang sister ko, si Marissa. Sabi niya nasa ambulance daw si Eileen, hindi na humihinga.

“Sobrang biglaan.”

Ang kanyang Ate Eileen ay pumanaw sa edad na sixty-eight years old.

Dagdag pa niya, “Sa Gapan sa Nueva Ecija siya nakaburol.”

Asthma at enlargement of the heart ang ikinatamatay ng Ate Eileen ni Eula. Wala pa raw petsa kung kailan ang libing nito.

WORK GOES ON. Sa kabila ng mga pinagdadaanan ngayon ni Eula sa kanyang personal na buhay, tuloy daw ang trabaho niya, partikular na ang taping niya para sa Dyesebel ng ABS-CBN kung saan gumaganap siya bilang sirenang si Reyna Dyangga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malungkot niyang saad, “Mag-e-air na kami bukas and alam mo naman itong work na ito...

“Namatay si Nonie nagte-taping ako [ng Dyesebel] e, dito lang sa Quezon City yun, what more si Eileen sa Gapan ibuburol and lilibing?

“E, di pag makahanap ng araw na walang taping dun ako uuwi pero balikan lang malamang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN