Venus Raj on mentoring future beauty queens: “I’m just paying it forward.”

Venus Raj wants to help aspiring beauty queens: “Kung ano ang mga natutunan ko mula sa mga taong naniwala sa akin, iyon din ang pinapasa ko sa mga taong humihingi ng tulong sa akin.”


Abala ang beauty queen/TV host na si Venus Raj sa ilang mga fund-raising projects para sa mga kabataan para makakuha ang mga ito ng tamang edukasyon.

Kasalukuyan kasing pinag-aaralan ng former Bb. Pilipinas-Universe ang kursong Community Development sa University of the Philippines sa Diliman, Quezon City. At ang pagtulong sa ilang mga kabataan na gustong makapag-aral ang isa sa kanyang mga binibigyan ng prayoridad.

“Sabi nga nila, ang kabataan ang kinabukasan ng ating bayan.

“Nakakalungkot isipin na ang daming mga kabataan ngayon na hindi nakakapag-aral dahil wala silang panggastos kahit sa public school man lang.

“Marami akong nakakasalamuha na mga bata na ang pangarap nila ay ang makapag-aral. Gusto nilang matutong magbasa at magsulat.

“Sadly, malaking percent ng mga bata ngayon ay hindi nag-aaral at napipilitan silang magtrabaho sa murang edad,” kuwento pa ni Venus nang makapanayam namin siya sa pictorial ng show niyang Business Flight sa Antel Platinum Condominium, Makati City nuong March 7.

EDUCATION IS KEY. Kaya nga nagsikap si Venus na bumuo ng isang foundation para kahit papaano ay makakatulong siya sa mga kabataan makapag-aral.

“Nakaka-relate ako sa mga batang ito dahil ako mismo, may mga mababait na tao na nag-sponsor ng pag-aaral natin.

“Kung hindi dahil sa mga taong ito, baka hindi ko rin naabot ang tamang edukasyon na kailangan natin, kaya ko naabot ang mga pangarap ko sa buhay.

“Kaya nais kong ibalik ang mga tulong na iyon. In my own little way, may mga kabataan tayong matutulungan na maabot ang mga gusto nila.

“Masarap sa pakiramdam na may mga tao kang mapapasaya dahil naibigay mo ang matagal na nilang hiling,” ngiti pa ni Venus.

POLITICAL PLANS? Dahil nga sa advocacy na ito ni Venus sa kabataan, hindi malayong may mag-encourage sa kanya na pasukin ang magsilbi sa gobyerno para mas malawak ang marating ng kanyang pagtulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas naman daw si Venus sa posibilidad na pasukin niya balang-araw ang mundo ng pulitika.

“Siguro if ever nga na pasukin ko ang mundong iyan, mas gusto ko na doon lang ako sa probinsya namin mag-concentrate.

“Tubong Bato, Camarines Sur ako at doon na lang sa lugar namin [ay] maraming mga kabataan na hindi nakakapag-aral at maaga silang pinagtatrabaho sa bukid.

“Kung papasukin ko nga ang politics, ang magiging concentration ko ay ang lugar kunsaan ako nagsimulang mangarap at sila ang mga tao na una kong tutulungan.

“Pero this early, wala pa naman sa isipan ko ang pasukin ang mundo ng politics. Sa ngayon, tama na muna itong ginagawa ko na paunti-unti ang pagtulong,” diin pa niya.

TIPS FOR WANNABE BEAUTY QUEENS. Nagiging inspirasyon nga si Venus ng marami. Hindi lang ng mga kabataan, kundi pati ng mga future beauty queens ng bansa.

Personal ngang nakausap ni Venus ang ilang mga kandidata ng 2014 Binibining Pilipinas pageant at natutuwa siya na marami sa kanila ay tinuturing siya bilang inspirasyon sa kanilang pagsali sa naturang pageant.

Pahayag niya, “Nakakataba ng puso kapag may lalapit sa ‘yo at sabihin na you’ve become their inspiration. It means na nakatulong ako sa pag-improve sa buhay niya at maabot ang mga pangarap niya.

“Ako rin naman, may mga naging inspiration din ako sa buhay ko kaya lahat ng mga pangarap ko, kahit paano ay naabot ko.

“Kumbaga, I’m just paying it forward. Kung ano ang mga natutunan ko mula sa mga taong naniwala sa akin, iyon din ang pinapasa ko sa mga taong humihingi ng tulong sa akin.”

Ilang mga kandidata nga ang humihingi ng tips sa kanya at hindi naman nagdamot si Venus sa mga ito.

“Ang puwede ko lang naman sabihin sa kanila ay maging natural lang sila—kung ano yung confidence na pinakita nila noong screening pa lang, dalhin nila iyon hanggang sa coronation night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mag-enjoy lang sila sa ginagawa nila. Kapag masaya ka kasi sa ginagawa mo at hindi mo iniisip ang pressure, mas lalabas ang confidence mo.

“Ako naman before, hindi ko iniisip ang manalo talaga. I was just having fun.

“Manalo, matalo man ako, at least I had fun at hindi ko pinilit ang sarili ko na magpa-impress or magpasikat sa entablado. Kung ano ako, ’yon ang pinakita ko,” saad pa ni Venus.

Abala rin si Venus sa kanyang showbiz career. May natapos siyang indie film, Ang Tweet Ni Florante Kay Laura, mula sa direksyon ni Cris Pablo. Kasama niya rito sina Ervic Vijandre at Teejay Marquez.

BUSINESS FLIGHT TAKES OFF. Sa March 23 naman ang simula ng kanyang travel-magazine show sa GMA News TV na Business Flight kunsaan kasama niya ang business woman-turned-TV producer na si Cristina Decena.

“Excited ako para dito sa Business Flight kasi gusto ko talagang magkaroon ng travel show.

“Sa dating segment ko kasi sa UKG [Umagang Kay Ganda, ABS-CBN], kunsaan-saan din ako nakakarating.

“Nasanay na ako kasing bumiyahe. Kaya tamang-tama lang ang concept ng Business Flight kasi bukod sa pamamasyal, we get to meet mga successful Pinoys sa mga bansang pupuntahan namin.

“Nakakatuwa ang pagiging masipag ng mga kababayanan natin sa ibang bansa. Kaya naman proud tayo sa success nila at iyon ang mapapanood sa show namin ni Madam Cristina,” salaysay ni Venus.

Sa pilot episode ng Business Flight, ipi-feature ang bansang Japan at may mga panayam sila sa mga Pinoys na may mga malalaking negosyo roon.

Ang iba pang mga future episodes ay ginawa sa United Kingdom, Canada at Dubai.

Sa ating bansa naman ay may magandang feature sa Bohol at kung paano sila muling bumangon pagkatapos silang matamaan ng malakas na lindol noong nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN