Carla Abellana admits relationship problem with boyfriend Geoff Eigenmann

Itinanggi ni Carla Abellana na selos ang isa sa dahilan ng pagkakalabuan nila ngayon ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann. Sabi ng aktres, “Masyado na kaming matanda for that. Kanino ako magseselos, ‘di ba? Kanino din naman siya magseselos? Wala. Kumbaga, kung sa dami ng puwedeng maging problema ng isang couple, jealousy is way down there.”


Hindi itinanggi ni Carla Abellana na may pinagdadaanan ngayon ang relasyon nila ng nobyong si Geoff Eigenmann.

“Hindi naman ‘yan ang first time na nahihirapan kami or nagkakaproblema kami.

“That’s completely normal for any relationship. Lagi naman kasing may problema po.

“Kumbaga, it’s a phase. Kumbaga, it goes on regularly.

"Hindi naman ho kami always forever happy, ‘di ba?” pahayag ni Carla sa panayam sa kanya ng StarTalk na ipinalabas kaninang hapon, March 16.



INSTAGRAM POSTS. Marami naman ang naintriga sa isang quote na ipinost ni Geoff sa kanyang Instagram account na may handle na g_eigenmann420:

“Be strong enough to let go and wise enough to wait for what you deserve.”

Kapansin-pansin din na four weeks ago pa nang huling mabanggit ni Geoff si Carla sa kanyang Instagram posts.

Ang huli ay isang quote na nagsasabing “I love us” at may caption na “No matter what.”

Patuloy pa ni Carla sa interview sa kanya ng StarTalk, “We’re very open about our relationship.

“As much as possible, lahat naman ng kaya at puwede naming i-share o ikuwento sa inyo, ise-share talaga namin.”



NO HOUSE, NO MARRIAGE RULE. A few weeks ago ay nabanggit ni Carla ang “no house , no marriage rule” niya.

Read: PEP EXCLUSIVE. Carla Abellana reveals "no house, no wedding" agreement with Geoff Eigenmann

Totoo nga bang isa ito sa ugat ng kanilang problema? Nape-pressure nga ba si Geoff sa kundisyong ito ni Carla bago sila ikasal?

Sagot ng Kapuso actress, “Willing naman akong maghintay ng ilang taon pa bago magkaroon ng bahay.

“’Tsaka willing naman akong i-build yung bahay na yun na with him, e.”

Isa pa sa itinuturong dahilan ng kanilang di pagkakaintindihan ay ang isyu ng selos.

Sabi naman ni Carla, “Masyado na kaming matanda for that.

“Kanino ako magseselos, ‘di ba? Kanino din naman siya magseselos? Wala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, kung sa dami ng puwedeng maging problema ng isang couple, jealousy is way down there.”

Pero totoo nga bang may tensiyon ngayon sa pagitan nina Geoff at Aljur Abrenica? Tila pinagseselosan ni Aljur si Geoff, na naging malapit daw sa nobya nitong si Kylie Padilla.

Magkasama sina Geoff at Kylie sa nagtapos nang primetime series ng GMA na Adarna.

Sabi ni Carla, “A, hindi naman! Hindi ko alam, although wala namang umaabot sa akin.”

Naghinala ba siya sa pagiging malapit ni Geoff skay Kylie?

Sagot niya, “Wala naman.

"’Tsaka ano, kumbaga, ang napansin ko lang with Geoff and Adarna, sobrang nag-enjoy siya

"’Tsaka sabi niya, ‘A, ito pala yung sinasabi mo like what happened with you sa My Husband’s Lover na sobrang na-enjoy mo yung cast mismo, yung directors,’ ganyan.

“Na puwede pala yun, na sa trabaho, kahit nagpupuyat kayo, nagpapagod, mahirap ang mga eksena, puwede palang mag-enjoy.”

Maaayos pa ba nina Carla at Geoff ang problema sa kanilang relasyon?

Saad ng aktres, “Definitely oo, na hangga’t maaayos, aayusin natin.

"Kasi sa dami na ng napagdaanan namin, sa dami na rin ng sacrifices, ayaw mo namang sayangin din basta-basta na lang yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN