Aljur Abrenica rants about respect

Aljur Abrenica on relationship with Kylie Padilla: “We’re good! Maayos na maayos po kami. Basta may isang sitwasyon lang na talagang nainis ako.”


Naglabas ng kanyang hinaing si Aljur Abrenica at tila may pinatatamaan siyang tao sa panayam sa kanya ng StarTalk na ipinalabas kaninang hapon, March 16.

Ngunit hindi niya tinukoy kung sino ang pinatutungkulan niya.

Sabi niya, “Naiinis ako sa sitwasyon.

“Naiinis ako sa sitwasyon dahil medyo nawalan ng respeto, e. Sa sitwasyon.

“Pero no matter what the circumstances are, I wanna say sorry, sa lahat ng mga… kung may nasaktan man sa nangyari. I wanna say sorry.

“And kung anuman yung mga nangyari, e, hindi naman ako... kumbaga, hindi naman ako nagkasala sa nangyari.

“Wala naman akong ginawang disrespect individually.

“And kung anuman yun, dun lang yun, tapos na, let’s all move on.

“Para lang sa akin, bilang isang tao, naiinis lang talaga ako sa sitwasyon.”

Pero totoo nga bang may insidente na tinapik ni Aljur si Geoff Eigenmann nang magkita ang dalawa sa Sunday All Stars ilang linggo na rin ang nakararaan?

Si Geoff ang isa sa leading men ng girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla sa nagtapos nang primetime series na Adarna.

Sabi ni Aljur, “Bilang isang karelasyon, bilang isang lalaki, never akong nagkulang.

“Kumbaga, dumating sa punto na kailangan mo talagang kumilos, e.

“Ang pinu-point out ko dito, yung respeto.

“Alam ko kung paano mag-handle ng katrabaho, alam ko kung paano i-handle ang bawat relasyon, ang bawat nagiging leading lady ko.

“Sana matuto tayong lahat rumespeto.”

Masasabi ba ni Aljur na maayos ang relasyon nila ni Kylie?

“We’re good!” mabilis niyang sagot.

“Maayos na maayos po kami. Basta may isang sitwasyon lang na talagang nainis ako.”

Masasabi ba ni Aljur na may taong nanghimasok sa kanilang relasyon?

“Let’s not point down there, salamat,” tanging naging sagot ng Kapuso hunk.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN