Jennica Garcia to leave GMA after non-renewal of her contract

Inamin ni Jennica Garcia na iniyakan niya ang nalalapit niyang pag-alis sa GMA: "Well, magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi. Not for any other reason, pero parang ano lang, ‘Bakit ganun?’ May ganung factor na, ‘Bakit kaya?’"


May pag-aalala si Jennica Garcia sa magiging kahihinatnan ng kanyang acting career sa mga susunod na buwan, lalo’t kapag nagwakas na sa ere ang primetime series ng GMA na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw.

May kinalaman ang pag-aalala ni Jennica sa hindi na pagre-renew ng Kapuso network sa kanyang kontrata bilang talent o artist.

Late last year pa nag-expire ang contract ni Jennica sa GMA at ang Carmela ang pinakahuling serye niya sa istasyon.

Lahad niya sa nararamdaman tungkol sa nalalapit na pagtatapos ng career niya sa GMA, "Kasi ako naman, lagi ko namang sinasabi before na kapag nagkaka-isyu ako na, ‘O, lilipat ka na raw ng network?’ ang lagi kong sinasabi, mananatili ako sa GMA-7 hangga’t gusto po nila ako dito.

“So, ngayon, pinag-uusapan namin ng handler ko na wala pa talagang final decision, pero tense ako…

“Takot ako, kinakabahan ako.”

Paglilinaw ng young actress, “Kinakabahan lang ako kasi sobrang na-at home na ako sa GMA, e.

“Alam mo yung… mga seven years na po ata ako sa istasyon, e.

“Parang ever since na nag-start ako, mag-e-eighteen pa lang ako, nasa kanila na ako.

“E, magtu-twenty-four na po ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennica sa 30th Star Awards for Movies na ginanap sa Solaire Hotel and Casino noong March 9.

THE BIG MOVE. Kinakabahan ba siya dahil hindi niya alam kung saan papunta ang kanyang career?

Sagot ni Jennica, “Meron namang… hindi pa kasi ako puwedeng magsalita tungkol sa kung ano ang mangyayari.

“Pero kinakabahan po ako sa mga bagong taong makakasalamuha ko.

“Kasi tapos na ako doon sa stage na siyempre…

“Noong bago sa GMA, sobrang kinakabahan ako na hindi mo alam kung kanino ka magha-hi, hello.

“Hindi mo alam kung sino ang kakausapin, sinong game, sinong hindi.

“So, feeling ko, ganun na naman… ganun na naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin ba nito, may posibilidad na lumipat siya ng ibang istasyon?

“Well, yun talaga yung options… hindi pa kasi ako puwedeng magsalita.

“Tumayming [timing] lang talaga po kayo.

“Hindi pa talaga ako pinagsasalita sa kung ano… pero yun lang naman ang bago.

“As much as I wanted to be with GMA-7 siyempre, mali rin naman na ipagpilitan ko [ang sarili ko], ‘di ba? ‘Uy, i-renew niyo po ako.’

“Hindi rin naman ganun yun. It doesn’t work that way.”

LEAVING GMA NETWORK. Ano ba ang nangyari at hindi na nagkainteres ang GMA na i-renew ang kontrata niya?

Sagot ni Jennica, “I do not know. But whatever it is, I’m so thankful with them.

“Medyo may gulat factor lang naman.

“Hindi naman sa feeling ko na hindi nila ako pakakawalan, hindi naman sa ganun.

“Kasi sobrang at home ako sa kanila and I really see GMA as my family.”

Iniyakan niya ba ang nalalapit niyang pag-alis sa istasyon?

Sagot niya, “Well, magsisinungaling naman ako kung sasabihin kong hindi.

“Not for any other reason, pero parang ano lang, ‘Bakit ganun?’

“May ganung factor na, ‘Bakit kaya?’

“Minsan nag-iisip ako na, ‘Dapat ba nag-dance lesson ako? Dapat bang nag-voice lesson ako? Dapat ba nag-acting workshop ako?’

“Kasi nung nag-start ako sa industry, nagkaroon lang ako ng two-day workshop isinabak na agad ako sa Impostora [2007].

“So, ayun, meron lang mga ganun.

“Pero masarap rin naman sa pakiramdam na may mga tao na… meron naman akong nararamdaman na nakakabuhay ng loob na gusto ko ng ganito, ng ganyan.”

THE BREAK. Nanghihinayang ba si Jennica na hindi siya binigyan ng break o tsansa na makapagbida sa serye?

Sagot niya, “E, nabigyan naman ako ng Adik Sa ‘Yo [2009].

“Yung panghihinayang, wala.

“Kasi ako, ang peg ko talaga, masaya na ako...

"Never naman akong naghangad na, ‘Ay, dapat maging star ako.’ Never akong nagganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi kong sinasabi na gusto kong maging Dimples Romana na forever best supporting actress.

“Alam mo yun? Very reliable na hindi nawawalan ng trabaho. Yun lang naman ang gusto ko.

“Hindi naman ako naghahangad na dapat next show natin, bida ako.

“Never akong naghangad ng ganun sa manager ko, kay Direk Manny V. [Valera].

“Alam nang manager ko ‘yan. Never nila akong naringgan ng ganyan.

“Gusto ko lang magkatrabaho ako.

"And everytime na binibigyan ako ng trabaho, ako, sinisiguro ko lang na maayos yung trabaho ko.

“Yung hindi nila iisipin na, ‘Sana hindi na lang si Jennica ang kinuha natin.’”

SUPPORT FROM MOM JEAN. Ano ang sabi ng ina ni Jennica na si Jean Garcia tungkol sa pangyayaring ito?

“Si Mama kasi… medyo personal kasi [yung sinabi].

“Feeling ko, nakita niyang nagulat ako. Nalungkot kasi ako, e.

“More on yakap lang. ‘Tapos sinabi lang niya sa akin na, ‘Hindi naman porke’t nagsara ng pinto para sa iyo, walang magbubukas para sa iyo. E, bago ka pumunta diyan, marami naman talagang gustong kumuha sa iyo.’

“Si Mama, medyo confident siya.

“Ever since naman si Mama, siya yung medyo malakas ang loob niya.”

Halatang pinipigil ni Jennica ang sarili sa pang-uusisa namin sa kanya kung alin sa ABS-CBN at TV5 siya posibleng lumipat.

Sabi niya, “Hindi kasi po ako allowed magsalita. Malalaman din naman ninyo, e.”

Bilang paghahanda sa posibleng paglipat ni Jennica sa ibang istasyon, nais niyang kumuha ng performing workshop.

“Kasi open na yung DMV House of Acting and Perfoming Arts.

“And I really told my handler na gusto kong mag-dance lesson, gusto kong mag-voice lessons.

“Sabi ko, ‘Kailangan pag lumipat tayo, hindi nakakahiya. Dapat presentable. Dapat marunong sumabay.’

“Ako kasi, napakahina ng loob ko, e. Hindi ako makumpitensiya.”

Kailan mangyayari ang paglipat niya sa ibang istasyon?

“Soon. Very soon after Carmela,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVELIFE. Pagdating naman sa kanyang lovelife at kasintahang si Alwyn Uytingco, apat na taon na raw ang kanilang relasyon.

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

Sagot ni Jennica, “As a couple, siyempre napag-uusapan. Pero wala pang ganun.”

May itinakda na ba silang taon o edad kung kailan sila bubuo ng sarili nilang pamilya?

“Wala din. But I am confident with Alwyn’s love for me.

“Not because I trust him or he gained my trust, but it’sbecause I know he loves God so much.

“He loves God more than he loves me.

“And I doubt that he’ll do something to hurt me.

“Dahil alam niyang bago ako, masasaktan muna niya ang Panginoong Diyos.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN