Ai-Ai delas Alas avoids talking about Kris Aquino: "Hindi kami galit."

Ai-Ai delas Alas on possibility of having Dennis Trillo as a boyfriend: “Ay, oo naman! Ang pogi-pogi, e! Ang pogi, mabait, magaling umarte, magaling na artista. Ikaw na! Sino ba naman ang hindi magkakagusto, ‘di ba?”


Nagpaliwanag si Ai-Ai delas Alas tungkol sa naging sagot niya na payag siyang mag-guest sa Abunda and Aquino Tonight para mag-promote ng Dyesebel, ngunit kay Boy Abunda siya magpapa-interview.

Isa pa sa host ng programa ay si Kris Aquino, na balitang katampuhan ngayon ng komedyana.

Read: Ai-Ai delas Alas willing to guest in Abunda and Aquino Tonight but prefers Boy Abunda to do the interview

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ai-Ai sa grand launch ng Dyesebel last week, pilit niyang iniiwas ang usapin tungkol kay Kris.

Sabi niya, “No, no… wala yun.

“About Kris, huwag na natin siyang pag-usapan.

“Unang-una, hindi naman siya kasali dito [Dyesebel].

“Wala yun. Nagkataon lang na akala lang nila, pero hindi… hindi.”

Dati kasi ay very vocal si Ai-Ai na pag-usapan si Kris, pero ngayon ay kapansin-pansin ang pag-iwas niya?

Pakiusap ni Ai-Ai, “Ayoko na lang pag-usapan si Kris, noon ko pa ‘yan sinabi.

“Kasi hindi naman siya part of the cast. Hayaan na lang natin.”

Nang nagtangka ang isa pang reporter na mag-follow-up question tungkol kay Kris, nagseryoso na si Ai-Ai.

Sabi niya, “Ayoko nang pag-usapan si Kris, ‘di ba?”



AI-AI’S LOVELIFE. Namumbalik lang ang saya sa mukha ni Ai-Ai nang mabaling ang interview sa pangungumusta sa kanya ng press sa estado ng lovelife niya.

“Wala. Single ako. Single-single-lan!” bulalas ng komedyana.

Tumigil na ba siya sa paghahanap ng lovelife?

Sagot niya, “Tumigil muna ako, pahinga muna. Napagod ako, e. Napagod ako.”

Hindi ba siya pinakiusapan na kanyang mga anak na magpahinga muna siya sa lovelife?

“No… wala naman sila. Ang layo nila,” pagtukoy niya sa dalawa niyang anak na sina Sophia at Vito.

“Si Sancho [her eldest] lang naman ang kasama ko.”

Hindi siya naghahanap?

“Hindi naman hinahanap yun, darating yun nang kusa,” sagot ni Ai-Ai.



DENNIS TRILLO. Nabanggit kay Ai-Ai ang Kapuso hunk na si Dennis Trillo, na minsang biniro ng komedyana na “new inspiration” niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Ai-Ai, hindi naman masamang biruin niya ang aktor dahil pareho silang single.

“Oo, single yun. Wala namang sabit yung tao.

“So, lahat naman may possibility.”

Ang ibig niyang sabihin ay magkaroon siya ng pagtatangi o totohanang nararamdaman hindi lang para kay Dennis kundi maging sa ibang lalaki.

Natawa si Ai-Ai sa nalamang balitang pinagpawisan si Dennis sa kanyang pagbibiro. Pero nagpahayag naman ang aktor ng pagnanais na makasama sa isang acting project ang komedyana.

Read: Dennis Trillo is Ai-Ai delas Alas’s "new inspiration"

Ano ang masasabi ni Ai-Ai dito?

Sagot niya, “Actually, hindi naman ako ang unang nanloko sa kanya.

“Si Aga [Muhlach] ang unang nanloko sa aming dalawa. Kasi magkatabi kami [ni Dennis].

“Sinakyan ko na lang si Aga. E, game naman siya.”

Potential boyfriend-material ba si Dennis?

“Ay, oo naman! Ang pogi-pogi, e!” bulalas niya.

“Ang pogi, mabait, magaling umarte, magaling na artista. Ikaw na!

“Sino ba naman ang hindi magkakagusto, ‘di ba?”



MOVING ON. Base sa ipinapakitang saya ni Ai-Ai sa bawat sagot nito sa mga tanong, parang hindi ito nagdaan sa isang masaklap na kabiguan sa pag-ibig.

Tuluyan na ba siyang nakalimot sa dati niyang asawa at pinakahuling lalaking inibig niya na si Jed Salang?

Sagot niya, “Moved on, nakapag-move na ako.

“Magwa-one year na rin yun sa May nung nakipaghiwalay ako.

“Na-divorce na rin ako. So, it’s time to move on.”

Hindi niya pa kayang harapin si Jed?

“Huwag muna, friend. Huwag muna,” sagot niya.

Matapos siyang mabigo, mayroon ba siyang hinahanap na preference sa isang lalaki na gusto niyang maging kasunod na boyfriend?

Sagot ni Ai-Ai, “Wala. Kasi yung panahon na nag-asawa ako, gusto ko binata, gusto ko ganito… e, wala rin namang nangyari.

“Siguro, minsan may mga bagay na talagang nakaano sa atin.

“Siguro yun ang destiny ko talaga—yung maging single blessedness.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And live one day at a time.”

Anong kabutihan ang naidudulot sa kanya ng pagiging single?

“Masarap, wala kang stress.”

Naiisip niya bang magiging single na lang siya for life?

Saad ni Ai-Ai, “Alam mo kasi, ang single blessedness, kailangan kasing maging masaya ka alone, e.

“Ngayon, pag meron ka ng partner na may problema ka, malaking problema yun.

“Mas maganda na maging single ka na masaya kaysa naman na may partner ka na may problema.”



“WALANG KUWENTA.”Masaya na ang mood ni Ai-Ai sa puntong ito ng interview, kaya tinangka ng isa pang reporter na muling usisain ang komedyana tungkol kay Kris at kung okey na ba silang dalawa.

Mahinahon namang sagot ni Ai-Ai, "Hindi kami galit, hindi kami galit.

“Huwag ninyo nang tanungin about Kris kasi lumalaki lang na wala namang… alam mo yung lumalaki lang na walang kuwenta.

“Huwag na, huwag na.

“Mas mabuting tahimik na lang kaming dalawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN