Elmo Magalona on real score with Janine Gutierrez: “Yes, yes… kind of.”

Aminado si Elmo Magalona na higit pa sa katrabaho ang pagtitinginan nila ng leading lady niyang si Janine Gutierrez. Hindi man niya direktang sinagot kung sila na nga ba o hindi pa, ang tiniyak ng binata ay masaya silang dalawa.


Direktang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo Magalona kung mayroon na silang relasyon ni Janine Gutierrez, ang leading lady niya sa GMA afternoon soap na Villa Quintana.

“Yes, yes, kind of…” sagot ni Elmo.

Dagdag niya, “We see each other, but it’s still work.

“We’re in the same show [at] yun pa rin ang focus namin.

“But at least we’re happy, at least I’m happy.”

Nakausap ng PEP si Elmo sa Rexona Do The Moves event sa New Glorietta Events Center, kahapon, March 16.

Nakasama rin niya sa naturang event ang Kapamilya stars na sina Sarah Geronimo at Enrique Gil.

Read: Elmo Magalona and Janine Gutierrez open up about their feelings for each other

NO LABEL. Anong label ang puwede nilang itawag sa kanilang relasyon?

“Hind pa namin napag-uusapan ‘yon,” matipid na sagot ni Elmo.

Pero tiniyak ng binata na higit pa ito sa professional level.

“We’re really close and, yun nga, it’s a different experience with her and it’s not just work.

"Pero yun [work] pa rin ang kinu-concentrate namin.”

Inusisa rin ang young rapper-actor kung hindi ba challenge na ang kanyang leading lady ay siya ring nagugustuhan niya sa tunay na buhay.

Tugon ni Elmo, “Sa amin naman, hindi naman siya nakakasagabal sa work.

"Nase-set aside namin when we’re taping.

“But whenever we see each other outside of work, nothing about work.

“Enjoy lang namin yung moment namin na magkasama kami sa work, while working. It’s just a happy experience.”

Ano ang reaksiyon niya na boto sa kanya ang lola ni Janine na si Pilita Corrales?

“Masaya na someone in her family na ganun yung naiisip nila about me,” sagot ni Elmo.

Ano ang mga katangian ni Janine ang nagustuhan niya?

“Yung personality lang niya. She’s really caring, she’s nice, she’s really genuine with everything that she said.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON BEING AN ENDORSER. Tuwang-tuwa naman ni Elmo na makasama sina Sarah, Enrique, at Apl de Ap bilang endorsers ng deodorant brand na gumawa pa ng music video para sa commercial ng produkto.

“It’s surreal to do a song with Sarah Geronimo.

"I’ve worked with Enrique [before], but it’s my first time to work with Sarah and Apl.

"And I’m just happy because I’m part of this.”

Sinulit daw ni Elmo na makatrabaho sina Aarah at Apl na fellow endorsers niya ng deodorant brand.

“It’s like a once in a lifetime experience, so nung ginagawa namin yung shoot, I made the most out of it and I really went all out.

“They’re experienced and they’re both really talented.”

Sana nga raw ay magkaroon siya ng collaboration sa mga ito sa hinaharap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN