Kaye Abad admits breakup with Guji Lorenzana

Kaye Abad on breakup with Guji Lorenzana: “Oo naman, lahat naman ng breakup malungkot, kasi napamahal sa iyo yung tao. Nasanay ka na nakasama mo siya ng ganung katagal, and malungkot sa malungkot. Kinakailangan mo lang isipin yung brighter side o importanteng side, na para sa amin din namang dalawa yun, para sa future din namin.”


Kinumpirma ni Kaye Abad na break na sila ng singer-actor na si Guji Lorenzana pagkatapos ng tatlong taong relasyon.

Ito ay sa kabila ng hindi naman nila kailanman direktang inamin na naging sila.

Sabi ni Kaye tungkol sa breakup nila ni Guji, “Ganun lang talaga, e, trial and error.

“So, nagkataon lang siguro na error na naman, pero ganun.”

Tiniyak naman ni Kaye na walang third party involved sa paghihiwalay nila ng ex.



WHY ONLY NOW? Bakit ngayon lang niya inamin na naging sila ni Guji kung kailan break na sila?

Saad ni Kaye, “Kahit mga kaibigan ko, nagugulat, actually.

“Before kasi, pag tinatanong kami, ‘di pa talaga kami that time.

“That was like after Bud Brothers [2009], hindi pa talaga kami.

“Kahit umabot nung Somewhere In My Heart [2009], hindi pa rin kami.

“I even told him na hindi pa ako ready, kasi galing ako ng seven-year relationship.

"Naging masugid siya, naghintay siya.

“Sabi ko, ‘Hindi pa ako handa, nasa iyo ‘yan kung gusto mong mag-give up o gusto mong maghintay.’

“Naghintay siya na naging hanggang gradual na lang, na parang after a year na parang ganun na rin naman.

“Wala kaming anniversary na ganun ka-gradual, na parang, ‘Sige, tayo na.’

“Never kong dinenay, pero hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na io-open ko na ’Oo, kami na’ agad.”



HURT BY THEIR BREAKUP. Inamin ni Kaye na nasaktan siya sa breakup nila ni Guji.

“Oo naman, lahat naman ng breakup malungkot, kasi napamahal sa iyo yung tao.

“Nasanay ka na nakasama mo siya ng ganung katagal, and malungkot sa malungkot.

“Kinakailangan mo lang isipin yung brighter side o importanteng side, na para sa amin din namang dalawa yun, para sa future din namin.”

Nakausap ng PEP si Kaye sa finale presscon ng ABS-CBN early primetime series na Annaliza noong Sabado, March 15, sa 13th floor ng ELJ Bldg., sa loob ng ABS-CBN compound.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

During the presscon proper ay nagbiro ang co-star ni Kaye na si Carlo Aquino na nanabang daw kasi ang aktres sa nararamdaman niya para kay Guji.

Nilinaw naman ito ni Kaye.

Saad niya, “Salbahe kasi ‘yan.

“Kasi ang sinasabi niya na parang nanabang ako, hindi, hindi talaga.

“Ganun lang talaga na may mga hindi lang talaga nagwo-work.”



AFRAID TO FALL IN LOVE AGAIN. Natatakot na ba siyang magmahal muli dahil sa nangyari sa relasyon nila ni Guji?

Sagot ni Kaye, “Actually, mabilis akong ma-fall, lalo na pag yung weakness ko, nandun sa tao na yun.

“Pero ngayon, medyo natatakot na ako.

“Ngayon ko nararamdaman yung takot na siguro hindi na muna.

“Natatakot ako kasi baka mag-fail na naman, siguro hindi na muna.

“Natatakot nga ang family ko lalo kasi may lahi kaming matandang dalaga.

“Pero sabi nga ni Carlo, hintayin ko na muna.”

Puro taga-showbiz ang tatlong naging karelasyon ni Kaye—mula kay John Lloyd Cruz, kay Chito Miranda, hanggang kay Guji Lorenzana.

Bukas kaya ang aktres na magkaroon ng relasyon sa isang hindi taga-showbiz?

Tugon niya, “Open din naman ako dun, hindi rin naman ako dapat taga-showbiz rin.

“For me lang kasi, it’s better kung taga-showbiz kasi naiintindihan nila ang trabaho namin, aware sila sa mga nagaganap.

“Naiintindihan niya ang oras na naibibigay ko lang para sa kanya.

“Pero open din naman kung non-showbiz.”



VICE GANDA. Consistent naman si Vice Ganda sa pagsasabing si Kaye ang crush niya sa hanay ng mga aktres. Sobra namang ikinaka-proud ito ng Kapamilya actress.

Sabi niya, “Talaga hanggang ngayon?

“Siyempre nakakatuwa kasi si Vice is a very smart person.

“Kumbaga, sobrang talino na nakakatuwa na sa dinami-dami ng magaganda sa industriyang ito, isa ako dun sa nagustuhan niya.

“Nakaka-flatter actually.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN