Shalala strongly denies spending his hard-earned money on men: "Dinamdam ko yun kasi hindi naman talaga totoo."

Shalala to detractors: "Salamat, salamat! Naging inspirasyon ko sila para mas magtrabahong mabuti. Nagpursige ako. Natuto akong mas mag-isip ng mga magagandang bagay para future ko at ng family ko. Pagbili ng sasakyan, pagpapagawa ng bahay, at ngayon nga pagnenegosyo."


Hindi na raw nakakatulog ang host-comedian na si Shalala sa nalalapit na pagbabalabas ng kanyang launching movie, ang Echoserang Frog.

Kabado rin daw ito sa magiging resulta ng pelikula na idinirek ni Joven Tan.

"Ganito pala ang feeling, kinakabahan ka na hindi mo alam kung ano ang gagawin mo, kasi malapit nang ipalabas yung launching film mo.

"Nakakaloka talaga!" pahayag ni Shalala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang mag-guest siya sa Walang Tulugan With The Masterhowman ni German Moreno.



SOSYAL. Nakatakdang ipalabas ang Echoserang Frog sa April 2.

Kuwento ni Shalala, “Nung una, hindi ako takot kasi sabi ko sa sarili ko, indie lang naman.

"Pero habang papalapit yung showing, ayan na, hindi na ako makatulog sa kakaisip kung kikita ba o hindi. Marami bang manonood o kami-kami lang.

“Pero pinagpi-pray ko na lang siya, ’tapos tumawag sa akin si Ogie [Diaz], ’Ano itong pagkalaki-laking standee na mukha mo ang nakalagay dito sa Trinoma?’

“Nagulat ako kasi hindi ko ini-expect na hanggang Trinoma, ipapalabas ang pelikula ko. Sosyal, ’di ba?

“’Tapos yung isa ko pang friend, sabi sa akin may standee daw ako sa SM Megamall at ang bongga-bongga ko daw.

“Pero habang may nagti-text sa akin o tumatawag at nag-i-inform sa akin tungkol sa mga ganun, mas lalo akong kinakabahan.

“Nung una, sabi ko sa sarili ko, parang laro lang tong gagawin ko. Ngayon, iba na.

"Totoo na pala, hindi basta-bastang laro ito."



SUPPORT. Laking pasasalamat na rin daw ni Shalala at sinuportahan siya ng kanyang mga kaibigan sa industriya na nag guest sa kanyang pelikula.

Sambit nito, “Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa mga kaibigan ko sa showbiz na nag-volunteer mag-guest sa Echoserang Frog."

Ang tinutukoy nito ay sina Derek Ramsay, Kiray, Amy Perez, Alvin Patrimonio, Angelu Deleon, Kuya Germs, Mr Fu, Direk Joey Reyes, John Nite, Joross Gamboa, Empoy, Dennis Padilla, at Marco Alcaraz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Yung lineup pa lang ng mga-guest ko, busog na ang mga manonood ng movie ko.

“In fairness naman sa pelikula ko, maganda at may kapupulutan ng aral ang mga manonood."



NOT TRUE. Tinanong din ng PEP si Shalala tungkol sa pagkakaroon nito ng sarilng business, isang mini-grocery.

Malapit lang daw ito sa kanila "para mababantayan ko kapag hindi ako busy sa showbiz.

“Investment na rin kasi alam naman natin na hindi lifetime ang pag-aartista.

“Darating din ang time na tutumal ang shows, alam ko ’yan!

"Kaya ngayon pa lang, nag-iisip na ako ng ibang bagay na pagkakakitaan para kahit wala akong trabaho, may kikitain pa rin ako."

May mas mahalagang dahilan pa raw kung bakit pursigido siyang magnegosyo.

Ayon kay Shalala, “Isang rason kaya nagtayo na ako ng business ay para mawala na yung tsika na inuubos ko sa lalaki yung kinikita ko.

“Although matagal na siya at tsismis lang yun, dinamdam ko yun, kasi hindi naman talaga totoo.

“Nung una, bumili ako ng sarili kong sasakyan, ’tapos ipinagawa ko yung bahay namin.

"At ngayon naman, nagbukas ako ng negosyo.

"So, makikita nila na dito ko dinadala yung mga kinikita ko."

DEADMA. Ayaw na lang daw intindihin ni Shalala ang mga malisyosong balitang ikinakabit sa kanyang pangalan.

“Sabi ko nga, nahe-hurt ako sa mga ganung tsika na para bang napakabilis ka nilang husgahan.

"Pero tinatanggap ko na lang sa sarili ko na alam naman ng mga malalapit sa akin na hindi ito totoo kaya deadma na lang.

“Mawawala din yung ganung issue pag nakita nilang hindi mo sila pinapatulan o pinapansin.

“At saka sa sarili ko, alam ko ang totoo, yun na lang ang mahalaga.

“Itsismis na lang nila ako nang itsismis para may libre akong publicity... joke lang!

“Pero naniniwala na ako na bad publicity is still publicity.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Idinadaan ko na lang sa dasal at subsob sa trabaho, although minsan pag may nagtatanong sa akin, nalulungkot ako."

May mensahe raw na gustong iparating si Shalala sa kanyang detractors.

“Gusto ko lang sabihin sa kanila na salamat, salamat!

"Kasi naging inspirasyon ko sila para mas magtrabahong mabuti.

“Natuto akong mas mag-isip ng mga magagandang bagay para future ko at ng family ko.

"Pagbili ng sasakyan, pagpapagawa ng bahay, at ngayon nga pagnenegosyo.

“Nagpursige ako para malaman ng mga detractors ko kung saan ko dinadala ang kita ko sa showbiz.

“Hindi na ako galit, sa daming blessings na dumarating sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN