Angeli Pangilinan-Valenciano recalls travails over Gary V’s near-death episodes

Angeli-Pangilinan Valenciano compares her Mr. Pure Energy husband Gary to his best friend Martin Nievera: "Martin is every manager’s dream when it comes to promotion. [He] can do five gigs a day and he would do five shows a week. But I keep telling people that Martin is not diabetic. ’Pag tinawagan siya, antimano. Si Gary has to be sound checked."

"


Bilang manager ng kanyang asawang si Gary Valenciano, hindi naman daw dumating sa puntong gusto na ni Angeli Pangilinan-Valenciano na patigilin ito sa pagkanta at pagsayaw dahil diabetic at nagkakaedad na ang kanyang kabiyak.

Si Angeli ang namamahala sa Manila Genesis Entertainment, na nagpapatakbo sa singing career ng tinaguriang Mr. Pure Energy tatlong dekada na ngayon.

Saad ni Angeli, "Ah, no... no. This is greatest gift, why should we give it up?

"But sometimes, you want a normal life.

"And I’m saying, ’Ba’t tumatawag ang mga ito?’

"Sometimes, he wants to do it but he’s so tired na.

"The most professional person yata in ASAP is him. He’s there all the time.

"The greatest challenge to me is that the industry today is not what it used to be.

"And he has certain expectations.

"But as part of Genesis, I can’t give in kasi iba na ang dynamics. Iba na ang landscape.

"How do I explain it? Parang hindi na gaya ng dati."



NUMBER ONE FAN. Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angeli sa album launch at autograph-signing ng latest album ni Gary, ang With You, na ginanap sa Venice Piazza sa The Fort noong Sabado, March 15.

Ang album ay kinapapalooban ng sampung inspirational songs kung saan naka-duet ni Gary sa ilang kanta ang kanyang anak na si Kiana Valenciano, ang grupong A.KA. Jam na naging anak-anakan niya sa The X Factor Philippines, at si Young JV.

Ayon kay Angeli, ang malaking advantage ng pagiging asawa ni Gary, lalung-lalo na sa pagha-handle ng career nito, ay ang pagiging numero unong tagahanga niya ng singer-actor.

"That’s true," pagsang-ayon niya.

"People always tell na that, ’Angeli, you are the number one fan of Gary.’

"I sit and listen to his songs, his songs inspire people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I can’t believe that God chose me to be his wife and I always tell the Lord why He chose me.

"I’m not even that galing, I’m a procrastinator.

"I sacrificed a lot... but you know, that’s my role.

"Proverbs 31, a verse in the Bible that I always read [because] it talks the wife being the one who apportions for the households, for the helpers, for the work, sa business.

"I always read that all the time to remind me what my role is.

"And everytime Gary sings ’Take Me Out of the Dark,’ ’Warrior is a Child,’ ’Natutulog Ba Ang Diyos?,’ I never get sawa."



MARTIN NIEVERA. Sa puntong ito, hindi maiwasang ikumpara ni Angeli ang kanyang asawa sa best friend nito at karibal sa pagkanta—ang Concert King na si Martin Nievera.

Natatawang saad niya, "Gary is not Martin.

"I always compare and he gets mad, ’Martin is so easy and you are so hard.’

"You know, Martin is every manager’s dream when it comes to promotion.

"Martin can do five gigs a day and he would do five shows a week.

"But I keep telling people that Martin is not diabetic.

"Gary is Mr. Pure Energy so ang daming expectations.

"’Ano ba, Angeli? Kayang-kaya niya. Ang lakas-lakas niya,’" madalas daw sabihin ito sa kanya ng mga taong nasa paligid nila.

"I always compare. Si Martin, ’pag tinawagan siya, antimano.

"Si Gary has to be sound checked.

"Paano ko sasabihin na ang hirap-hirap?"



NEAR DEATH. Dito ay naalala ni Angeli ang isang traumatic incident tungkol kay Gary.

"He was there, he was like still, he was almost dead... I’m not kidding."

Nangyari ito noong ASAP concert sa Pasadena, California, taong 2005.

Paliwanag nito, "Na-jet lag ’tapos he overdosed himself on insulin, he took it twice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Then, ’di siya kumain.

"All the bad ingredients of a hypoglycemia attack."

Ang hypoglycemia ay ang abnormal na pagbaba ng sugar level sa dugo ng tao na karaniwan sa mga diabetic.

Sabi pa ni Angeli, "Oh, yeah, I guess that was the greatest challenge of my life.

"Pinatawag ko ang 911 and they revived him, but I have to put glucose on his mouth, dalawang tubes yun.

"And I cast out the spirit of death.

"In my mind, alam kong hindi siya mamamatay and I just keep praying on him.

"He just wrote a song ’Break Me,’ ha? He wrote the song in April and he almost died in July.

"I looked at him at nag-flashback yung buhay niya, yung ibang attacks niya sa Germany, sa Canada."

Dugtong pa niya, "You know what I did? I copied what I read in the book and then I said, ’Spirit of death, come out.’

"I commanded the spirit to leave.

"’Tapos gumanyan siya na parang naubo at lumabas siya [yung spirit of death].

"Then, sinabi yung Psalm na,"Even if I walk in the shadow of death..."



TRAUMA. Isang napakalaking traumatic experience daw ito sa kanyang buhay.

"I was in trauma for a month.

"Meron palang post-trauma disorder na tinatawag.

"I can’t read contracts, I went to the computer, pero hindi ako makapag-ano.

"Then, I was sending jokes to my friends and kung anu-anong stupid emails.

"’Tapos at night, umiiyak ako, sasabihin ni Gary, ’Honey, I’m okay.’

"But I told him na, ’Yeah, but you were not the one who saw yourself almost dead.’

"Nagbasa talaga ako ng word of God, sabi ko, ’I have to get out of this.’

"Hindi na rin ako nag-counselling, pray lang ako nang pray ng Bible hanggang ma-overcome na rin siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN