Bernard Palanca wants to get blessing of girlfriend Jerika Ejercito’s family before marrying her

Bernard Palanca on the new version of him: “Sira-ulo yung dating Bernard, e. Baliw yun, e... Everything’s been good, everything’s been okay, wala na yung mga… Lahat, basically lahat ng negativity na nasa akin before, na-lift up na e, natanggal na, e. I believe na people can change and you just have to take the right steps, have the right support. ’Tsaka you have to trust yourself, na kaya mong gawin.”


Sa ikalawang pagkakataon ay magiging ama na ang aktor na si Bernard Palanca.

Anim na taong gulang na ang anak ni Bernard sa dating asawang si Meryl Soriano na si Elijah.

Ngayon naman ay pitong-buwang buntis na ang bagong kasintahan niyang si Maria Jerika Enriquez Ejercito, panganay na anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.

Nagsimula ang relasyon nina Bernard at Jerika dalawang taon na ang nakalilipas.

Sa taped interview sa kanya ng Startalk, na ipinalabas kahapon, March 16, ay inilarawan ni Bernard ang relasyon nila ni Jerika.

“Para sa akin, kumpleto siya.

“At saka yung number one thing is yung ginawa niyang support, yung ibinigay niyang support, yung constant na ibinibigay niyang love, you know, yung alaga, lahat.

“Wala akong masabi.

“Hindi ko na mahahanap yun, I think.”



MEET THE FORMER PRESIDENT. “Princess” ang tawag ni Erap kay Jerika, at sinasabing ito raw pinakapaborito ng dating Pangulo sa mga anak nitong babae.

Inamin ni Bernard na hindi pa niya nakakaharap ang dating Pangulo mula nang matuklasan nilang buntis si Jerika.

Saad ng aktor, “If ever mangyari yung day na yun, siyempre, I mean, ready ako.

“Inaalagaan ko naman yung anak niya and, again, wala naman akong masamang intentions.

“And kung meron man akong, let’s say gusto makasama na, siya na yun!

“So, kung kailangan kong dumaan ng [butas ng] karayom o tatlong karayom pa, I mean, pagdadaanan ko yun.”

Dagdag ni Bernard, “Since day one, sinabi kong gusto ko siya, sige.

“Yun lang, e, yun lang ang nasa heart ko, which was wala akong masamang intention.

“So, kahit ayaw ng buong mundo, paglalabanan ko yun, kasi mabait naman yung…

“I mean, maganda naman kasi yung… tingin ko, maganda yung gusto ko.”



BLESSING FROM JERIKA’S FAMILY. Baby boy ang nakatakdang isilang ni Jerika, at plano nila itong tawaging Isaiah.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Bernard, “Kailangan kong mag-concentrate muna sa work and, at the same time, yung pag-alaga sa bata.

“And kung papakasalan ko man siya [Jerika] sa future, that’s going to be because I deserve it.

“Meaning, dahil nakuha ko na yung blessing ng mom niya, nakuha ko na yung blessing ng dad niya, technically yung blessing ng buong family niya.

“Gusto ko makuha muna yun bago ko siya pakasalan.”



THE NEW BERNARD. Samantala, matapos masangkot sa masamang bisyo noon, tiniyak ng aktor na “bagong Bernard” na ang maaasahan ng publiko ngayon.

Sabi niya, “Sira-ulo yung dating Bernard, e. Baliw yun, e.

“Hindi, joking aside, yeah, ibang-iba na!

“Recently kasi I just converted to Born-Again Christian, so ang lakas ng influence ng…

“Yeah, my girlfriend and then, of course, our pastor.

“And ever since then, talagang I cannot complain.

“Everything’s been good, everything’s been okay, wala na yung mga…

“Lahat, basically lahat ng negativity na nasa akin before, na-lift up na e, natanggal na, e.

“I believe na people can change and you just have to take the right steps, have the right support.

“’Tsaka you have to trust yourself, na kaya mong gawin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN