Mark Herras on strained relations with Ynna Asistio and Nadia Montenegro: "It takes time to heal from something na nangyari sa inyo."

Mark Herras on being loveless: “Basta sa ngayon, I’m happy kung ano ang meron ako. At hindi muna ako naghahanap ng kung anumang ibang bagay. Busy ako ngayon sa trabaho at ito muna ang focus ko.”


Nasalang man sa matinding kontrobersiya si Mark Herras bunga ng pagkakalantad na may anak na siya, ngayon daw ay mas mabuti na ang kalagayan niya.

“Yeah, I’m good,” sabi ni Mark nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars kahapon, March 16.

Mas malakas na ba siya ngayon?

Sagot ng Kapuso actor, “Never naman akong nanghina. Never naman akong hindi naging strong.

“I’m happy kung anuman ang takbo ng buhay ko ngayon at ng trabaho ko.

“And I’m so excited kasi yung Rhodora X, habang tumatagal, mas gumaganda yung story,” pagtukoy pa ni Mark sa primetime series ng GMA, kung saan leading man siya ni Jennylyn Mercado.

SOURCE OF STRENGTH. Ano ba ang nagsisilbing pangunahing source of strength niya kapag may kinakaharap na matinding pagsubok?

Sagot niya, “Unang-una siyempre, si God. Lahat naman tayo, e.

“Wala akong kilalang tao na hindi humihingi ng lakas sa Panginoon.

“And siyempre, source din ng strength ko ang aking family and also my friends. Malaking bagay na nandiyan lang sila palagi.

“Source of inspiration ko naman ang aking baby, yeah.”

Regular daw ang bonding time nila ng kanyang anak, kahit gaano man siya kaabala sa trabaho.

“Ayoko na lang sabihin ang schedule ng pagkikita at pagsasama namin, pero nakakapag-bonding whenever na may chance talaga.

“Hindi ko hinahayaan na tumagal na hindi ko siya makita o makasama, so okey naman.”

Iniiwasan lang daw niyang magpunta sa public places kapag ang baby na niya ang kanyang kasama.

Paliwanag ni Mark, “I want to keep the baby private.

“I mean, kahit inamin ko siya, ‘yon ay para sabihin ko na hindi ko siya itinatago.

“Pero hindi para i-expose ko siya na, ‘Hoy, heto ang baby ko.’ Siyempre, ibang usapan na iyon.

“Ayokong ma-expose yung baby o ang kanyang ina.”

Nananatiling maganda naman daw ang relasyon nila ngayon ng ina ng bata. Magkaibigan daw ang kanilang turingan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yes, pareho kami na laging nandiyan lang bilang magulang ng anak namin.”



YNNA & NADIA. Kaugnay pa rin ng usapin tungkol sa pagkakaroon niya ng anak, si Nadia Montenegro na ina ng ex-girlfriend niyang si Ynna Asistio ay maraming mga negatibong pahayag na nabitawan laban kanya.

Read: Nadia Montenegro on Mark Herras’s revelation about being a single dad: "Everything happened nung sila pa ni Ynna."

Pero nanatiling tikom ang bibig ni Mark. Wala siyang anumang naging sagot tungkol dito.

Kumusta na sila ngayon nina Ynna at Nadia? Hindi pa rin ba okey?

“Hindi ko po alam,” paiwas na sagot lang ng aktor.

Naghihintay lang ba siya ng tamang panahon na magbubukas ng chance na magkalinawan at magkaayos sila?

“Lahat naman kapag nagkaroon ng problema with other people, lalo kapag ang turing mo ay parang family na rin… it takes time to heal from something na nangyari sa inyo.

“Basta ako, parang… gawin mo kung anong kailangan mong gawin. Stay positive every day.

“And every time na may nangyari sa ‘yong problema o pagsubok sa buhay mo, ito ang nagpapatatag sa ‘yo,” sabi ni Mark.

Sa ngayon, wala raw bagong lovelife si Mark. At hindi raw niya alam kung hanggang kailan tatagal na wala siyang bagong karelasyon.

“Basta sa ngayon, I’m happy kung ano ang meron ako.

“At hindi muna ako naghahanap ng kung anumang ibang bagay.

“Busy ako ngayon sa trabaho at ito muna ang focus ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN