Alden Richards willing to try risqué roles

Alden Richards on taking on daring roles: "Hindi naman all the time na magpapa-tweetums ka. Feeling ko, kung ganun ang magiging thinking ko, mauungusan ako ng iba na mas malawak yung utak. O mas mapangahas sa pagtanggap ng mga ganung klaseng proyekto. Baka ang mangyari, maungusan nila ako nang milya-milya."


Matapos magpa-sexy last year sa Cosmopolitan Bachelor Bash, handang-handa na raw tumanggap ng daring roles ang Kapuso heartthrob na si Alden Richards sa pelikula o telebisyon.

Saad ni Alden nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ready na ako magpaka-daring kahit ano pa ’yan!

“Kaya ko na mag-underwear, siguro yun na yung pinaka-daring na puwede kong gawin.

“Hindi naman all the time na magpapa-tweetums ka.

“Feeling ko, kung ganun ang magiging thinking ko, mauungusan ako ng iba na mas malawak yung utak.

"O mas mapangahas sa pagtanggap ng mga ganung klaseng proyekto.

“Baka ang mangyari, maungusan nila ako nang milya-milya.

“Basta maganda naman ang projects at alam kong makakatulong sa akin para maging mahusay na actor, bakit hindi ko i-try?"

CHALLENGE ONESELF. Sabi pa ni Alden, mas mainam para sa isang aktor na ito mismo ang magbigay ng hamon sa sarili na paghusayan pa career sa showbiz.

“Mas maganda kasing bigyan mo ng chance yung sarili mo na ma-challenge.

"Every time na pini-playback ko yung mga eksenang ginagawa ko, kini-critic ko yung sarili ko.

"Sinasabi ko na, ‘Ito, kulang pa. Kailangan ko pa mag-improve.’

“Kailangan mas maging mahusay ka pa sa mga susunod mo pang gagawin.

“Sa akin kasi, naniniwala ako na ang isang actor, dapat walang limitasyon, dapat lahat susubukan mo para versatile ka.

“Pero siyempre, depende naman sa limits, kung hanggang saan lang ang kaya mong gawin.

“Like, mamaya pakainin ka ng basura, iba naman yun.

“Basta choose your roles wisely.

"As long as natsa-challenge ka sa isang role, kunin mo ‘yan, kasi maggo-grow ka as an actor."

Does this include kissing scene with a fellow actor?

Sagot ni Alden, “Yun ang hindi ko alam, pero hindi pa siguro ito ang tamang time.

"May time para dun, pero sa ngayon, I can say, hindi pa."

Showing skin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun, puwede na!

"Topless o naka-brief lang, kaya ko na ‘yan.

"Pero yung mas grabe pa dun, yung todo na talaga, mag-iisip muna ako."

Love scene with the opposite sex?

“Oo naman! Babae yun, e, normal na yun na mas madaling gawin."

Habilin pa nito, “Dapat lang galingan mo sa bawat trabahong ibigay sa iyo para may kasunod.

“Markahan lang yung role, gawin mo yung best mo, magdasal ka."



BODY-BUILDING. Ibinahagi rin ni Alden na pagkatapos nilang magsama ni Aljur Abrenica sa isang episode ng Magpakailanman ay isang indie film naman ang pagsasamahan nila.

Sabi ni Alden, “Kailangan nga lang na medyo mag-gym nang makahabol sa ganda ng katawan ni Aljur.

"Alam naman natin na batak na batak sa muscles yung katawan ni Aljur kaya nga doble effort ako sa gym ngayon para gumanda ang katawan.

“Yun nga lang, pag artista ka, ‘di ba, kalaban mo yung puyat, yung pagod.

“Kaya ang gym, kailangan talaga bigyan ng oras o ipilit."

Gumanda man ang pangangatawan nito ay pahinga raw muna ito Cosmopolitan Bachelor Bash ngayong taon.

Aniya, “Nag all-out na ako last year, nagbaba na ako ng shorts.

"Ayokong magsabi nang tapos, pero kung ako ang papipiliin, pahinga muna."

Pabiro pa nitong pahabol, “Baka this year, wala nang shorts, puwedeng naka-brief, trunks o cycling shorts!

"Pero as I said, gusto kong pahinga muna this year sa Cosmo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN