Kaye Abad admires Neri Naig’s courage in facing sex-video scandal with Chito Miranda

Isiniwalat ni Kaye Abad na may balak nang magpakasal ang ex-boyfriend niyang si Chito Miranda sa girlfriend nito ngayong si Neri Naig. Inamin din ni Kaye na noong sila pa ni Chito ay hinintay rin siya nito kung kailan siya magiging handang magpakasal.


Nagpahayag ng paghanga si Kaye Abad sa katapangan at katatagan na ipinakita ni Neri Naig noong kasagsagan ng sex-video scandal nila ng boyfriend nitong si Chito Miranda.

Si Chito, bokalista ng bandang Parokya Ni Edgar, ay ex-boyfriend ni Kaye.

Ayon sa Kapamilya actress, higit kay Chito ay mas inisip niya noon ang nararamdaman ni Neri bilang isang babae na nasangkot sa ganito kaselang isyu.

“Natutuwa ako kasi si Neri, matapang na tao na kinaya niya talaga.

“Heto siya talaga, gumagawa siya ng teleserye ngayon.

“Bilib ako ako sa kanya,” pahayag ni Kaye nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa finale presscon ng Annaliza noong Sabado, March 15, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

Kung siya ang nasa posisiyon ni Neri at may lumabas ding sex video niya, ipagpapatuloy pa rin ba ni Kaye ang pag-aartista gaya ng ginagawa ni Neri ngayon?

Tugon ng 31-year-old actress, “Ako, oo.

“Maaapektuhan siguro for a while, masakit talaga ang nangyari, pero lilipas din naman yun.

“Pag-aaralan ko muna kung paano gawin.”

Kuwento pa niya, “Hindi kami close ni Neri, pero nagkita kami once before.

“Nung lumabas yung video, tinext ko si Chito, kinukumusta ko si Neri.

“Kasi more than si Chito, alam ko kaya niyang lagpasan ‘yan, rock star ‘yan. Wala lang sa kanya ‘yan.

“Si Neri talaga ang naging concern ko, kasi babae.”

Ayon pa kay Kaye, hindi niya napanood o tinangkang panoorin man lang ang nasabing sex video.

“Hindi, hindi ko siya kayang panoorin kasi ex ko si Chito. Awkward, respeto sa babae na rin.”

Ngunit hindi raw ito nagpabago ng pagtingin niya kina Chito at Neri.

“Hindi talaga, kasi normal na ginagawa ng boyfriend-girlfriend yun, ‘di ba? Nag-leak lang talaga.”



GETTING MARRIED. Balitang may balak na raw pakasal sina Chito at Neri, bagay na kinumpirma rin pala ng bokalista kay Kaye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad niya, “Nag-usap kami actually, nagkita kami nung ASAP.

“Nakakatuwa kasi dun kami nagsimulang magkakilala, ‘tapos after long time, nagkita kami sa ASAP uli.

“Pinuntahan ko siya, nag-hi kami sa isa’t isa, nagkuwentuhan.

“Sabi ko, ‘Uy, balita ko ikakasal ka na, imbitado ba ako diyan?’

“Sabi niya, ‘Oo naman.’”

Inamin din ni Kaye na noong sila pa ni Chito ay hinintay ng bokalista kung kailan siya magiging handang magpakasal.

“Si Chito, aminado siya before na ever since, yun na, he’s ready to get married.

“He was just waiting for me.

“Sinabi naman niya sa akin yun, ‘Anytime you’re ready, I’m ready.’ E, hindi pa rin talaga.

“Hindi… pero napag-uusapan lang, ganun naman kami ka-open sa isa’t isa.

“Sinasabi niya, ‘Ready ako, ha, sabihin mo lang kung kailan ka ready.’

“Hindi pa ako ready, sabi nila mararamdaman mo naman yun pag handa ka na.

“Kasi ang kasal, mabilis lang naman ‘yan, ‘di ba?

“Kahit ang preparation niyan, kahit nga di ikasal, puwede na.

“Pero pag kailangan, sigurado ka talaga sa sarili mo,” pahayag ni Kaye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN