Charlene Gonzalez-Muhlach forced to stay in the U.S. for three months because of her fracture

Tatlong buwang nagbakasyon sa Amerika si Charlene Gonzalez-Muhlach pagkatapos mabalian ng buto sa kanyang braso dahil sa paglalaro ng basketball. Sa kabila nito, hindi naging sagabal ang kanyang fracture upang ma-enjoy nilang pamilya ang bakasyon doon.


Ang 30th PMPC Star Awards for Movies, na ginanap sa Solaire Hotel noong March 9, ang kauna-unahang public at showbiz appearance ni Charlene Gonzalez-Muhlach pagkatapos ng ilang buwang pananatili sa Amerika.

Sa exclusive interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Charlene sa backstage ng Solaire, ikinuwento niyang nabalian siya ng buto kaya siya natagalan sa States.

“December ako umalis.

"Yearly kasi, doon kami nagbabakasyon, kaming magpapamilya.

“And one week after dumating kami [sa States], na-dislocate yung bone ko… playing basketball.

“’Di ba, matagal na akong naglalaro ng basketball? Kaya ayun.

“So, recently, about two weeks ago, nagkaroon na ako ng clearance sa mga doktor ko para puwede na akong umuwi.”

Saan siya naglalaro ng basketball?

“Sa gym ako naglalaro ng basketball.”



LONGEST VACATION. Higit sa tatlong buwan nanatili si Charlene sa States.

“Yes, my longest vacation since before pa!” bulalas ng TV host-actress.

“Pero pabalik-balik sila, like on Valentine’s Day, bumalik si Aga [Muhlach, her husband], nag-Valentine’s Day kaming dalawa.

“Yung mga anak namin, they were there, umalis sila ng December 22 [papuntang States] hanggang January—one month silang nandun.

“So, kasama ko naman.

“Then, the following month, bumalik din si Aga.

“But, of course, kailangan rin nilang bumalik dito para sa show niya.”

Hindi naman naging sagabal ang pagkabali ng buto ni Charlene para hindi ma-enjoy ang bakasyon nilang pamilya.

Kuwento niya, “Kasi may bahay kami sa Las Vegas, doon kami nag-celebrate.

“And then, after that, every year that we go, ang ginagawa namin, nagru-road trip kami with the kids.

“Pero kahit dislocated ang arms ko, tuloy pa rin ang bakasyon namin doon sa Amerika.

“What we did, we went to Aspen, Colorado, with the kids.

“Sila nag-i-skiing, nag-i-snowboarding. Ako, nagti-take pictures lang at sightseeing lang.”



FRACTURED ARM. Itinuro ni Charlene ang bahagi ng kanyang braso na na-dislocate dulot ng basketball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “Pero konting therapy na lang, okay na.”

Ano ang ginawa ng mga doktor sa braso niya?

“Nagkaroon siya ng fracture, parang slight breakage ‘tapos dislocation. Ibinalik nila kaagad.

“But I couldn’t leave because gustong bantayan ng doctor and then therapy para maging maayos yung healing niya. Kaya hindi ako nakauwi.

“So, tamang-tama lang. At least, na-enjoy ko naman yung bakasyon ko.”

Gaano kahirap yung pinagdaanan ni Charlene nang ma-dislocate ang buto niya?

“Ang hirap kasi ang sakit. ‘Tapos may konting… parang you feel bad kasi siyempre first time na nangyari sa iyo yun.

“And then you also think na kung babalik siya sa dati, parang gano’n.

“First breakage, first dislocation, at palagi naman akong nagba-basketball.

“Talagang freak accident lang ang nangyari.”

Nagka-phobia na ba siya sa basketball?

Sabi ni Charlene, “I cannot play sports now for the next six months—yet.

“Dahan-dahan para mag-heal siya fully.

“After niyang mag-heal fully, puwede na uli.”

Ano ang natutunan o na-realize niya mula sa karanasang ito?

Saad ni Charlene, “From that experience, parang… well, dahil sa dislocation ko, parang what I’ve learned is to appreciate simple things.

“Kapag nakahiga sa kama, para madiretso mo yung… talagang to be able to stretch your arms straight, malaking bagay pala yun.

“Because for the longest time, let’s say for like first or two months, I couldn’t use my right arm to brush my teeth or take shower. Kailangan may tumutulong sa akin.

“So, you appreciate little things you take for granted na, you know, on a daily basis, hindi mo napapansin.”

Gaano niya na-miss ang kanyang pamilya, lalo na ang kambal nila ni Aga na sina Andres at Atasha?

Sagot ng dating beauty queen, “Sobra ko naman sila na-miss.

“Pero I was with them the first month and a half of healing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos, the following month, bumalik si Aga doon, nag-taping.

“’Tapos, nung February, kasama ko naman buong February. And then a week after, bumalik na ako.

“So, at the same time, talagang nagtsi-check naman sila doon sa akin.”



CHARLENE IS BACK. Nagkataon namang wala siyang show na naisakripisyo nang mabalian siya ng buto. Ang huling programang nilabasan ni Charlene ay ang The Buzz sa ABS-CBN.

“Yes, nagkataon lang.

“Imagine, nagkataon lang na after The Buzz, ‘eto ang nangyari.

“Things happen for a reason all the time.”

Ano ang plano niya ngayong nakabalik ka siya ng Pilipinas?

“Well, kababalik ko lang, as in last week. So, let’s see what the future has in store.”

May offers ba sa kanya mula sa iba’t ibang TV networks?

“We’ll see, we’ll see as the days come by. Pinag-aaralan pa kung saan ako pupunta,” nakangiting sabi ni Charlene.

Hindi naman daw siya nagmamadaling magkatrabaho para makasama pa niya nang mas matagal ang kanyang pamilya.

“Yes, enjoy the kids, enjoy my family because na-miss ko rin sila while I was away.”

Hindi naman itinatanggi ni Charlene na marami siyang na-miss noong nasa States siya.

“Siyempre, when you’re there and you’re healing and you’re being treated, mami-miss mo talaga sila.

“Well, you’re just being able to see them. I was able to talk to them, nakikita ko sila.

“But siyempre, may pasok sila.

“Right now, I’m just making up for lost time.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN