Angelica Panganiban confident about her relationship with John Lloyd Cruz

Angelica Panganiban on John Lloyd Cruz’s biking accident: "Tinanong kasi ako kung nag-Ate Vi ako. Sabi ko, Jaclyn Jose ako dun. Kailangan isip talaga ang pinagana. Hindi ako puwede mag-overreact o mag-panic or ipakita sa kanya na naloloka ako sa nangyari. Nakatulong naman kasi lahat naman kami, alam namin ang gagawin namin."


Masaya at kuntento si Angelica Panganiban sa itinatakbo ng relasyon nila ng kasintahang si John Lloyd Cruz.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Masyado akong confident sa relasyon namin.

“Masayang-masaya kaming dalawa sa nangyayari sa relationship namin.

“Wala, never pa akong umiyak dahil sa lungkot sa relasyon na ito.

“Ang iniiyak ko, pag nami-miss ko siya. Napakaarte!” tawa pa ni Angelica.

Maganda rin daw ang relasyon ni Angelica sa pamilya ni John Lloyd at vice versa.

Kuwento pa ng aktres, “Yung kuya ko, nag-birthday siya kagabi [March 16], ang kasama naming nag-celebrate ay yung buong family ni Lloydie.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Angelica sa launching niya bilang bagong endorser ng Dulcolax kahapon, March 17, sa Ascott Hotel, Makati City.



NO WEDDING PLANS YET. Marami naman ang nagtatanong kung may balak na rin ba silang magpasakal at bumuo ng sariling pamilya.

Sagot ni Angelica, “Wala pa, sayang naman yung mga magagandang career na mayroon kami ngayon, ‘di ba?

“Siyempre, may tamang oras naman para sa ganun.

“Anuman ang mayroon ngayon na magagandang projects, susulitin muna hangga’t binibigyan pa kami ng projects.

“Siyempre, pag nasa relasyon ka, yun ang gusto mong feeling, yun ang gusto mong ma-maintain na feeling.”



BIKING ACCIDENT. Naaksidente kamakailan si John Lloyd habang nagba-bike para sa summer plug ng ABS-CBN.

Read: John Lloyd Cruz involved in minor biking accident in Tarlac

Buo naman ang suporta at pag-aalaga na ibinigay ni Angelica para sa kasintahan.

Lahad niya, “Siyempre, mas mahaba ang pasensiya kasi talagang in pain siya.

“Hindi makapagsalita ng ilang days, wala siyang kinakain. Water lang talaga ang iniinom niya, puro liquid na lang muna.

"Tinanong kasi ako kung nag-Ate Vi ako. Sabi ko, Jaclyn Jose ako dun," pagtukoy ng aktres sa naging reaksiyon niya sa nangyari kay John Lloyd.

“Kailangan isip talaga ang pinagana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ako puwede mag-overreact o mag-panic or ipakita sa kanya na naloloka ako sa nangyari.

“Nakatulong naman kasi lahat naman kami, alam namin ang gagawin namin.

“Itinakbo namin siya agad sa ospital, nakakuha kami ng ambulansiya, nilipat namin siya sa mas maayos.

“Umiyak na lang ako nung tapos na yung lahat, nung nakita ko na yung helmet niya ay bumuka.

“Nung itinatakbo namin siya, antok na antok siya, talagang nakakatulog siya, so ginigising talaga namin.

“May kasama kaming dalawang medic, ginigising namin siya.

“Kinukurot namin, sinasampal namin para ‘di makatulog.”

Pagkatapos ba ng nangyari ay mas nag-aalala siya pag hindi sila magkasama ni John Lloyd?

Sagot ni Angelica, “Hindi naman.

“Ang aksidente naman kasi, hindi mo siya mapipili, kaya nga aksidente, e.

“Nangyayari siya kahit saan, kahit anong oras.

“Thankful lang ako dahil yun lang talaga ang nangyari sa kanya at wala siyang nabasag na buto.

“Kaunting tahi lang yung nangyari.

“Sa ngayon okay na siya, nakabalik na sa trabaho, nakapag-bike na uli.”



SLIMMER JOHN LLOYD. Endorser ngayon ng Century Tuna si John Lloyd, kung saan ang layunin daw ng nasabing produkto ay papayatin at magkaroon ng abs ang aktor.

“Hindi na siyempre kami nakakakain sa labas dahil talagang sobrang strict ng diet niya.

“Oo, para hindi naman siya mainis na pag may lasa, sa kanya wala.”

Ayon kay Angelica, malaki na rin ang ipinayat ng kasintahan.

"Pag niyayakap ko, sobrang payat na niya."

Ngayong parating na ang summer, ano ang plano nila ni John Lloyd? May balak ba siyang sumama sa Boracay kung saan gaganapin ang nalalapit na big event ng Century Tuna?

Sagot ni Angelica, “Sana makasama, sana walang trabaho.

“Sa ngayon, puro trabaho na lang muna, sa November na lang kami aalis.

“Bibisitahin ko yung mga kamag-anak ko sa States. Matagal na rin kasi akong ‘di nakakabalik.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ANNE-JOHN LLOYD ISSUE. Sa kabila ng sinasabing malaking kontrobersiya na kinasangkutan nina John Lloyd at Anne Curtis noong nakaraang taon, hindi raw naapektuhan ang pagiging malapit na magkaibigan nina Angelica at Anne.

Sabi ng dating child actress, “Wala naman talaga silang issue, e.

“Nung lumabas yung balitang yun, okay na sila.

“Hindi naman din maganda na mangyari yun na nagkaroon lang ng misunderstanding, naging malaking issue lang siya, kasi dalawang malaking artista sila na maraming tao na ang nakisawsaw.”

Wala rin daw problema kay Angelica ang pagtatambal ni John Lloyd at ni Toni Gonzaga sa ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home.

Sabi niya, “Trabaho yun, e, bakit naman ako makikialam?

“Siyempre naman, pag ako nagkatrabaho, ayoko rin naman na makialam siya at tigilan ako sa mga puwede kong gawin, ‘di ba?”



MOVIE WITH GERALD. Isa sa mga gagawing proyekto ni Angelica ay isang pelikula sa Star Cinema na pagtatambalan nila ni Gerald Anderson.

Binigyang-linaw ng aktres ang balitang nagdalawang-isip daw siya noong una na tanggapin ang pelikula dahil kay Gerald.

Sabi niya, “Hindi naman, hindi, walang ganun, never na nangyari yun.

“Excited, gusto ko siyang makilala lalo.

“Excited dahil magkakaroon ako ng mga bagong kaibigan, mga bagong katrabaho, bagong experience.

“Oo naman, magaling, nagagalingan talaga ako sa kanya.

“Marami akong naririnig na talagang okay siyang katrabaho.”

Isang teleserye rin ang nakalinyang gawin ni Angelica uli sa Kapamilya network.

“Mayroon, pero matagal-tagal pa, pinag-uusapan pa lang.

“Ibang-iba kasi sila ng pelikula.

“Kapag kasi tumanggap ka ng teleserye, talagang alam mo na ‘di ka matutulog ng ilang buwan, ‘di ka uuwi ng bahay, wala kang pahinga talaga, mawawalan ka talaga ng life.

“Iba rin na experience talaga both sa pelikula at sa TV, pero siyempre mahaba-haba na yung napahinga.

“So, okay na, ready na uli.”

Ang huling teleserye ni Angelica na Apoy Sa Dagat ay nagtapos noong July 2013.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN