Piolo Pascual insists he and Shaina Magdayao are not in a romantic relationship

"It’s not about making a formal announcement. It’s just that the next time around that I have a girlfriend, you want it to be your last. You wanna make sure na hindi ka na magpapapalit-palit," says Piolo Pascual when prodded about the real score between him and Shaina Magdayao.


Abot-tainga ang ngiti ni Piolo Pascual nang tanungin siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Shaina Magdayao.

“Ok naman. Steady naman,” masayang sambit ni Piolo.

Minsan nang inamin ni Piolo na si Shaina ang itinuturing niyang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon.

Noong nakaraang taon ay ilang beses ding naging tampulan ng espekulasyon ang tungkol sa kakaibang sweetness sa pagitan ng dalawa.

Read: Vina Morales says Shaina Magdayao and Piolo Pascual are truly "sweet" with each other

Read: Piolo Pascual and Shaina Magdayao seen holding-hands-while-walking

Ngunit nilinaw ni Piolo na hindi maituturing na “romantic” ang ugnayan nila ni Shaina sa ngayon.

"No, [not steady in a romantic way]. Wala naman. We’re ok," pagtanggi ni Piolo.

Iwas din itong magkomento nang usisain ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung bakit tila napaka-sweet ng turingan nila sa isa’t isa kung talagang wala silang relasyon.

Sa katunayan, isa sa mga napabalitang senyales ng pagkakamabutihan nila ay ang madalas na pagpapadala ni Shaina ng pagkain kay Piolo.

“Hindi. Hindi naman. Wala. We’re good. Bye!” natatawang sagot ng Kapamilya matinee idol tungkol sa tila espesyal na pagtitinginan sa pagitan nila ni Shaina.

Nakausap ng PEP at ilan pang entertainment reporters si Piolo nang bumisita siya sa Ramon Magsaysay High School sa may España, Manila, ngayong araw, March 18.

Pinangunahan ni Piolo ang inilunsad na film showing sa naturang paaralan kaugnay ng film literacy program ng Star Cinema Cares.

NOT YET READY FOR MARRIAGE. Sa edad na 37, masasabing puwedeng-puwede nang mag-asawa si Piolo kung gugustuhin niya.

Pabirong sabi ng aktor tungkol dito, “Bata pa ako. Ano ka ba? Wala pa sa isip ko yun.”

Itinanggi naman ni Piolo ang espekulasyon ayaw lang niyang gawing opisyal kung ano man ang relasyon nila ni Shaina dahil baka ma-pressure siyang pakasalan agad ito.

Kapansin-pansin kasi na karamihan sa mga born-again Christian na taga-showbiz ay nagpapakasal agad sa oras na pumasok sila sa isang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga halimbawa ay sina Rica Peralejo-Joseph Bonifacio at Richard Poon-Maricar Reyes, na katulad ni Piolo ay dumadalo ng church service sa Victory Christian Fellowship.

“Hindi naman within a year,” paliwanag ni Piolo sa paniniwala ng mga born-again Christian tungkol sa kasal.

“Of course there’s an intention to marry. So that’s why you pursue a girl if you wanna marry a girl.”

Sa parte naman ni Piolo, gusto lang daw niyang makasigurado na kung sino man ang susunod niyang maging girlfriend ay siya na ring pakakasalan niya.

“It’s not about making a formal announcement.

“It’s just that the next time around that I have a girlfriend, you want it to be your last.

“You wanna make sure na hindi ka na magpapapalit-palit. Mahirap. Nakakapagod,” sabi niya.

Kung saka-sakali ay si Shaina na ba ang babaeng gusto niyang pakasalan?

Sagot ni Piolo, “Who knows. We’ll see.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN