DJ Durano back in the good graces of director Wenn Deramas

Character actor DJ Durano assures he is Kapamilya at heart but right now, he’s on his own, ready to answer any call for his brand of craftsmanship in acting.


Balik-Kapamilya network ang aktor na si DJ Durano pagkatapos ng halos isang taon din niyang hindi paggawa ng TV projects dito.

Kasama siya sa cast ng upcoming teleserye na Mira Bella, na siya ring magsisilbing launching vehicle ni Julia Barretto.

"Masaya dahil nakabalik ako dito," bungad ni DJ.

"Nakapag-guest din ako sa Galema, pero ito ang full-time teleserye ko ulit at sa primetime pa.

"So, excited at thankful ako kay Sir Deo at sa Dreamscape."

Handog ng Dreamscape Entertainment Television ang Mira Bella kung saan isa sa mga executive producer si Deo Endrinal.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si DJ sa grand launch ng Mira Bella kahapon, March 18, sa ABS-CBN compound.

WEN DERAMAS. Masaya rin daw si DJ na muling nanumbalik ang pagiging magkaibigan nila ng direktor na si Wenn Deramas pagkatapos maging kontrobersiyal ang paghihiwalay nila ng landas noong nakaraang taon.

Matatandaang pinag-usapan ang pag-amin ng box-office direktor sa sampung taong relasyon nila ni DJ higit pa sa magkaibigan lamang.

Sabi ni DJ, "Yeah, we’re good friends now. Siya nga ang nag-guest sa akin sa Galema."

Ang Galema: Anak Ni Zuma ang afternoon fantaserye na pinagbidahan ni Andi Eigenmann.

Wala na raw silang ilangan factor na dating mayroon matapos silang maghiwalay.

Paliwanag ng aktor, "Hindi naman ilang, kasi sa Galema, hindi siya ang nagdirek sa akin, si Direk Toto Natividad.

"Hindi rin umiiwas kasi gusto rin niya akong kunin ulit and gusto ko na rin siyang makatrabaho.

“Kasi nakaka-miss yung maidirek ka ng isang magaling na direktor, e.”

Halos lahat ng proyekto noon ni Direk Wenn sa pelikula at telebisyon ay kasama sa cast si DJ.

Dagdag pa ng aktor, "Okay na kami professionally at wala nang problema.

"Lalo na ngayon na mas relax na kami sa isa’t isa, wala na yung tensiyon at wala nang nagsasabi sa amin na ganito, ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tanggap ko naman, wala naman akong problema.

"Basta ang importante, all’s well that ends well sa aming dalawa.

"’Pag wala ka talagang itinanim na masama sa gitna ng giyera, lagi kang mananalo.

"Hindi ka maaalanginin at victorious sa huli.

"Wala kang sinabi, lagi ka lang nanahimik."

Sabi pa ni DJ, si Direk Wenn din ang nagrekomenda sa kanya para sa Mira Bella.

MARRIAGE PLAN. Samantala, pagdating sa kanyang personal na buhay, ni-reveal ni DJ na may plano na siyang pakasalan ang kanyang girlfriend na si Joan Dee mula sa angkan ng mga Dee sa Isabela.

Saad niya, "Eventually, gusto ko na ring manahimik at maging isang padre-de-pamilya.

"I really want to have a family kaya I took the first step.

"Lahat ng mga Dee ay mahal na mahal ako and they are like second family na sa akin.

"Yun, we’re getting strong, one year na kami, may trials pero happy.

"We’re getting married next year kapag maayos na ang mga pinagpaplanuhan naming dalawa.

"Hindi pa kami engaged and we are just doing it one day at a time, kasi hindi natin masasabi kung anong meron, e.

"We try to move on from there.

"Sa ngayon, puro work din muna ang nasa isip ko aside from my personal plans."

POLITICAL PLANS. Maliban sa balak nitong pagpapakasal, hindi pa rin inaalis ni DJ ang planong pasukin ang pulitika sa 2016 elections.

Pagsang-ayon niya, "Isa rin ’yan sa plans ko na gusto kong gawin sa amin sa Cebu.

"Although maaga pa, pero I intend to run as a board member.

"Anyway, nasa showbiz naman ako at may political background naman ang family namin, so gagawin ko na.

"Siguro, kaya ko rin naman."

INDEPENDENT. Buong akala ng karamihan ay lilipat na si DJ sa Kapuso network dahil nag-guest din ito sa isang afternoon soap doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi niya, "No, ’di naman.

"I was just testing the waters.

"I was still ABS-CBN ang nasa heart ko at yun talaga ang nagbibigay saya sa akin.

"Iba rin kasi ang ibinibigay na exposure ng ABS.

"But right now, I’m on my own.

"I’m concentrating as a character actor at lahat ng tawag at ipapagawa nila sa akin, gagawin ko at aayusin ko ang trabaho ko tulad nang dati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN