Zanjoe Marudo not ready to marry Bea Alonzo yet: "Naku, kulang pa yung pera kong naipon para sa mga ganyang bagay!"

Nilinaw ni Zanjoe Marudo na wala silang usapan ng kasintahang si Bea Alonzo na kailangan nakaipon na sila bago lumagay sa tahimik. Saad ng aktor, “Actually, hindi ko naman sinasabi sa kanya na ganun. Hindi rin naman niya sinasabi sa akin na kailangan ganito. Siyempre, nasa kanya-kanyang ano yun... Kumbaga, nasa sarili ko na lang yun na siyempre gusto ko ring ibigay ang magandang buhay."


Magtatapos na sa Biyernes, March 21, ang early primetime series ng ABS-CBN na Annaliza pagkatapos ng sampung buwan sa ere.

Ano ang mami-miss ni Zanjoe Marudo, na gumaganap bilang Tatay Guido, sa pagtatapos ng kanilang programa?

Sagot ng Kapamilya actor, “Ito yung show ko na siguro umabot ng ganitong katagal sa ere, mga sampung buwan.

“So, masasabi ko na maraming nangyari sa show na ito, maraming samahan na nabuo.

“Naging close hindi lang ang mga artista, pati ang mga katrabaho namin na staff, sa crew.

“Ayun, nakaka-miss, nakaka-miss na malapit na talaga siyang magtapos kasi hindi namin napansin, e.

“Kumbaga, kung iisipin mo, last year pa kami nag-start, na ganung katagal na pala kaming magkakasama.

“Ayun, nakakalungkot lang talaga, nakaka-senti minsan na isipin na matatapos na yung isang maganda show.”

Pagpapatuloy pa ni Zanjoe, “Pero siyempre, nagpapasalamat ako, nagpapasalamat ako dahil nabigyan kami ng ganitong pagkakataon, nagkaroon ako ng ganitong role.

“Ayun, kaya sana maging maganda ito para sa aming lahat.

“Itong show na Annaliza e hindi dito nagtatapos yung samahan namin, at magkatrabaho pa kaming lahat sa ibang mga shows.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe sa presscon para sa finale ng Annaliza noong March 15, Sabado, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound.



FUTURE FAMILY MAN. Sampung buwan ang Annaliza, ibig bang sabihin nito ay marami nang naipon si Zanjoe?

“Sobrang dami na!” natatawang sagot ng hunky actor.

Kaya puwede na silang magpakasal ng girlfriend niyang si Bea Alonzo?

“Naku, kulang pa yung pera kong naipon para sa mga ganyang bagay!

“Pambili lang ng mga luho. Kumbaga, yun pa lang ang puwede kong bilhin.”

Hindi ba naging parang rehearsal para kay Zanjoe ang role niya bilang ama-amahan ni Andrea Brillantes sa Annaliza para sa pagiging ama niya sa tunay na buhay?

“Parang ayoko namang ganun yung pagiging tatay ko na ang anak ko, hindi akin!” at muling natawa si Zanjoe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, siyempre yung pagmamahal, feeling ko magiging ganun ako pag nagkaanak ako.

“Kasi hindi ko naman… kung paano siya iaarte talaga, e, kung paano maging tatay.

“And ginawa ko lang siya kung paano ko siya, kung paano siya lumabas sa akin.

“And siguro, baka iyon yung natural ko, na baka pag naging ama ako, e, baka ganun rin ako ka-sweet o kalambing sa mga bata, sa magiging mga anak ko.”

May timetable ba siya kung kailan siya magiging tatay?

“Hindi ko pinaplano,” tugon niya.



ANDREA BRILLANTES. Ano ang nakita niya kay Andrea at tumodo ang turing niya rito bilang anak-anakan, na kahit si Bea mismo ay malapit na malapit na rin sa child actress?

Sabi ni Zanjoe, “Hindi ko alam, kasi merong charm itong bata na ano, e, na alam mo yun, hindi ko naman pinilit na maging close sa kanya.

“Kumbaga, dahil halos araw-araw ko siyang kasama, kaeksena, naging close na kami.

“At nakita ko yung sincerity ng bata na gusto niya talagang maging close sa akin at itinuturing na akong parang tatay.

“So, nangyari na lang, basta na lang nangyari yung pagiging close namin.”

Dahil din kay Zanjoe kaya naging close sina Andrea at Bea.

“Oo, dahil din sa akin. Dahil pag napapanood niya [Bea] si Andrea, parang gusto niyang makilala, so ipinakilala ko siya kay Bea.”

May pagkakataon pa ngang “inampon” nila ni Bea si Andrea nang mag-overnight sila kasama ang child actress.

Dahil magandang bata si Andrea, naiisip ba niyang kapag nagkaroon na siya ng anak ay kasing ganda nito? Na hindi naman imposible dahil guwapo si Zanjoe at maganda ang girfriend niya.

Sabi ng aktor, “Hindi naman iyon ang priority ko, ang hitsura.

“Siguro normal, sampu ang daliri, ‘di ba?

“Normal lang, maging normal lang ang anak ko, healthy, ‘tsaka makuha lang yung labi ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Makapal, e!” tawa na naman niya.

Hindi pa ba nila napapag-usapan ni Bea ang pagkakaroon ng sarili nilang “Annaliza”?

“Hindi, e.

“Actually, ‘pag kasama naman namin siya, hindi naman namin ini-imagine na para kaming isang pamilya.

“Parang, alam mo yun, may kasama kang younger na kapamilya mo, hindi naman parang iniisip na parang mommy, tatay, ganun.

“Hindi naman ganun talaga yung set-up.”

Dahil nakikita niyang malapit si Bea kay Andrea, nakikita ba niyang wife-material na talaga ang kasintahang aktres?

“Oo naman, oo naman,” mabilis na sagot ni Zanjoe.

“Dahil kahit iwan ko silang dalawa, meron silang nagagawa.

“Kumbaga, hindi sila naiilang sa isa’t isa, ’tapos okay sila, kahit silang dalawa lang ang magkasama.

“Minsan nga, inaayusan pa niya ng buhok. Inaayusan niya, mine-makeup-an niya.”



READY TO SETTLE DOWN. Earlier ay sinabi ni Zanjoe na hindi pa sapat ang ipon niya para magpakasal.

Magkano ba ang kailangan ng aktor para masabi niya sa sarili na handa na siyang mag-settle down?

“Mga ten billion!” bulalas niya.

Presyong ayaw pa niya?

“Hindi naman. Siyempe, biro lang yun.”

Si Bea ba ay kaparehas ni Zanjoe ang mindset, na kailangan talagang nakaipon na sila bago sila lumagay sa tahimik?

Tugon niya, “Hindi naman namin pinag-uusapan.

“Actually, hindi ko naman sinasabi sa kanya na ganun.

“Hindi rin naman niya sinasabi sa akin na kailangan ganito.

“Siyempre, nasa kanya-kanyang ano yun... Kumbaga, nasa sarili ko na lang yun na siyempre gusto ko ring ibigay ang magandang buhay.

“’Tsaka hindi naman lahat ng oras, e, ganito, ganito yung trabaho namin, okay, busy kami, marami kaming shows.

“Siyempre darating din yung punto na magle-lay low din, ‘di ba?

“Minsan hindi na rin ganun yung role mo, so iyon, e.

“Kailangan ding isipin yung future kasi, kahit papaano, hindi mo naman hinahangad na talagang marangyang buhay, pero sana yung okay, yung masaya yung magiging pamilya mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag kasal na sila ni Bea, willing pa rin sila pareho na ituloy ang kani-kanilang showbiz career?

Sabi ni Zanjoe, “Oo naman dahil ito yung trabaho, lalung-lalo na siguro siya, mas nauna siya sa akin.

“At alam ko kung gaano niya kamahal yung trabaho niya.

“Kahit na maging mag-asawa kami o magkapamilya kami, hinding-hindi ko aalisin sa kanya yung mga bagay na gustung-gusto niyang gawin.”

Pagkatapos ng Annaliza ay may nakalinya nang pelikulang gagawin si Zanjoe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN