Teen star Mika dela Cruz reveals she was bullied and suffered depression in grade school

Angelika dela Cruz’s younger sister, Mika dela Cruz, is an admirer of Angelica Panganiban. "Kasi versatile, e. Comedy, horror, lahat kaya niyang gawin." In singing, she wants to emulate Jessica Sanchez and in dancing, Maja Salvador. But the actress who inspires Mika the most, "Ang ate ko, of course, siya po talaga.”


Fifteen years old na ang dating child actress na si Mika dela Cruz.

Gaganap siya bilang kontrabida sa upcoming primetime series ng ABS-CBN na Mira Bella, na launching vehicle din ni Julia Barretto.

Unang teenage role ito ni Mika at nahirapan daw siya rito.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Actually, sobrang nahirapan po ako dito dahil kontrabida na flirty na model na everything na wala sa akin.

“Boyish po kasi ako, e—sa pagtayo, sa pananamit.

"Nagsasanay ako and nagtanong ako ng tips sa ate ko."

Si Mika ay bunsong kapatid ng Kapuso actress na si Angelika dela Cruz.



CHALLENGE. Ano ang pinakamagandang payo na naibigay ng ate niya sa kanya?

"Be natural," sagot ni Mika.

Paano yun kung malayo nga sa tunay niyang pagkatao ang kontrabida role niya bilang Iris Robles sa Mira Bella?

Paglilinaw niya, “Hindi po sa ganun.

"Ang sabi niya, kumuha ako ng event sa buhay ko na maire-relate ko dun para lumabas yung totoong emosyon.

"May eksena po kasi na kunyari galit ako.

"Hindi ko maano kung saang level ng galit ako dapat lumugar.

"Kasi ang pagiging kontrabida ko dito, sobrang wild.

“Hindi naman po ako ganung magalit.

“Sobrang challenging po ng role na ito para sa akin.”




BULLIED. Para magawa ni Mika ang emosyon na hinihingi ng eksena, binalikan daw niya ang galit na naranasan noong binu-bully siya sa grade school.

Lahad niya, “Parang lagi lang nilang sinasabi na porke’t artista, ganun.

"Sobrang sipag ko po na student. Never po akong nawala sa honor roll.

"[Pero] hindi ako masyadong pumapasok kahit nasa honor roll ako.

"Kasi po, parang they’re using it against me na artista ako... Grade Two po ako nun."

Maaaring inggit daw ang dahilan kaya siya binu-bully dati.

“Hindi ko lang po alam kung ganun or baka po talaga may nakikita silang problema sa akin.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano natigil ang pambu-bully sa kanya?

“Nag-stop po ako ng schooling ng one year kasi nagkasakit ako ng primary complex.

"At ang side effect sa akin ng gamot ko para doon was depression.

“Parang ayokong maiwan sa school.

"Feeling ko, mapapahamak ako, feeling ko may papatay sa akin,” rebelasyon pa ni Mika sa pinagdaanan niya noong bata pa siya.

KONTRABIDA. Dahil siya ang kontrabida ni Julia Barretto sa Mira Bella, tinanong namin si Mika kung paano "apihin" ang isang Barretto.

Si Julia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla; at pamangkin nina Gretchen at Claudine Barretto.

Hindi ba siya nailang o na-intimidate kay Julia?

Tugon ni Mika, “No, hindi ko naman po iniisip yun dahil trabaho, trabaho.

“Nahihirapan lang ako minsan sa eksena dahil sasaktan ko siya.

"And ako po kasi, nadadala ako, e.

“Minsan nadadala ako, so nasusugatan ako kapag yung sarili ko ang iuuntog ko, kasi ayokong masaktan si Julia.

“Alaga po ako sa kanya, ate-atehan ko, e, so ayun po.”

Si Enrique Gil ang kapareha ni Julia sa Mira Bella. Si Mika, sino ang kapareha niya dito?

Aniya, “Medyo magkakaanuhan kami ni Sam [Concepcion]. Kami po ang dalawang masasamang nilalang dito!”

Biniro namin si Mika na hindi siya liligawan ni Sam dahil may Jasmine Curtis Smith na ito.

Natatawang sabi naman niya, “Ay, hindi po! Malayo po ang edad namin! Talagang kulitan lang kami sa set.”



ROLE MODELS. Sa hanay ng mga aktres, ang gusto niya raw sundan ang mga yapak, bukod sa ate niya, ay ang kapangalan nitong si Angelica Panganiban.

Sabi ni Mika tungkol kay Angelica, “Kasi versatile, e. Comedy, horror... lahat kaya niyang gawin."

At magkahawig sila?

“Oo nga po, ang dami nga pong nagsasabi.”

Sa singing naman, gusto raw nitong tularan si Jessica Sanchez. At sa dancing ay si Maja Salvador naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang inspirasyon daw niya: "Ang ate ko, of course, siya po talaga.”

Under contract si Mika sa Star Magic ng Kapamilya network, samantalang Kapuso naman ang ate niya.

Pero ayon kay Mika, “Okay naman po sa akin, wala po kaming conflict.

"Ang dream ko po talaga is magkasama kami sa show.

“Kasi comfortable ako sobra pag andun yung ate ko.

“I feel assured na okay yung ginagawa ko.”

Hindi raw sila nagkatrabaho ni Angelika sa isang regular show kahit noong nasa ABS-CBN pa ang ate niya.

“Si Angelica Panganiban po ang nakakasama ko!” at tumawa si Mika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN