Louise delos Reyes laughs off "battle of the boobs" with Anne Curtis

Hindi raw masyadong pinagtutuunan ng pansin ni Louise delos Reyes ang pagtatapat ng mga programa nila ni Anne Curtis, kung saan pareho silang gumaganap bilang mga sirena. Sabi ng Kapuso actress, “Well, depende pa rin naman sa reception ng mga tao ‘yon, e, kung sino yung mas tatangkilikin nila. Ako, ginagawa ko lang yung best ko. And ini-enjoy ko lang yung pagpu-portray ng character ko. At saka, wala, nagtatrabaho lang talaga ako at ginagalingan ko.”


Trending kamakailan ang GMA primetime series na Kambal Sirena, na pinagbibidahan ni Louise delos Reyes.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ng Kapuso young actress sa lahat ng tumututok sa kanilang programa.

“Ang sarap sa pakiramdam na naa-appreciate ng marami yung pinaghihirapan namin.

“Natutuwa ako sa magandang feedback mula sa viewers.

“Mas nai-inspire pa kami na pagbutihin lalo ang aming trabaho,” sabi ni Louise nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, March 16.



BATTLE OF THE MERMAIDS. Nagsimula na rin noong Lunes, March 17, ang Dyesebel ni Anne Curtis sa ABS-CBN.

Parehong sirena ang ginagampanan nilang role at magkatapat din ang timeslot ng kanilang mga programa.

Ano ang kanyang nararamdaman?

Tugon ni Louise, “Well, depende pa rin naman sa reception ng mga tao ‘yon, e, kung sino yung mas tatangkilikin nila.

“Ako, ginagawa ko lang yung best ko. And ini-enjoy ko lang yung pagpu-portray ng character ko.

“At saka, wala, nagtatrabaho lang talaga ako at ginagalingan ko.”

Dagdag niya, “Almost every day ang taping namin.

“Kasi bilang dalawa yung character ko, hindi nila napapagsabay-sabay lahat ng artista.

“So, by group kami na nagte-taping.

“Nakakapagod, pero masaya naman sa set.”

Dahil parehong sirena ang role nila ni Anne, nagsisimula na ang pagkukumpara sa kanilang dalawa. Napapansin pati ang kanyang dibdib na parang mas well-endowed daw kesa kay Anne.

“Gano’n ba?” natatawang reaksiyon ni Louise.

“Uhm… nadadaan ba sa gano’n ‘yon?

“Hindi! Ako naman… ewan ko, wala naman akong masasabi, e.

“And hindi ko dun ipino-focus yung attention ko. Mas ano… sa acting ako at sa story itself.”

Hindi ba siya natatakot sa posibilidad na baka by accident ay matanggal yung nakatakip sa kanyang dibdib at masilipan siya habang lumalangoy sa ilalim ng dagat?

Sabi ng 20-year-old actress, “Merong mga chance na magkakaroon talaga ng gano’n.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero pinuprotektahan naman ng buong team ng Kambal Sirena na hindi kami makitaan.

“Hindi lang ako kundi maging si Rich [Asuncion] at lahat ng iba pang sirena.

“Kahit nga sa mga boys [mga gumaganap na mermen], iniingatan din na huwag talagang makitaan.”

Honestly, how does she feel being compared to Anne?

Sabi ni Louise, “Hindi naman maiiwasan na ipapag-compare kayo.

“Pero para sa akin talaga, ginagawa ko lang yung trabaho ko.

“And I’m just doing my best, my very best sa lahat ng ginagawa ko.”



DUAL ROLE. Kambal ang character na ginagampanan ni Louise sa Kambal Sirena—isa ay sirena at ang isa ay meron ngang mga paa ngunit may hasang naman sa magkabilang gilid ng leeg.

Mahirap bang gumanap ng dual role?

“Hindi naman po,” sabay ngiti niya. “Pinaghandaan ko naman po itong mabuti.

“Nag-workshop ako, ‘tapos characterization.”



ENZO PINEDA. Dahil hectic ang working schedule ni Louise ngayon, siguradong limitado na naman ang oras niya para sa kanyang boyfriend na si Enzo Pineda.

Pero kampante ang young actress na wala itong idudulot na anumang problema sa relasyon nila.

Dati ay humantong na sila sa breakup ngunit muling nagkabalikan. At ngayon daw, mas matatag na ang kanilang relasyon.

Saad ng dalaga, “Natuto na kami sa nangyari before.

“Na-realize namin ang kahalagahan ng trust at ng communication.

“Na kailangang open lagi ang communication, at saka yung maging responsible lang talaga kami individually.”

Nagsisimula na ang summer. Kung magkakaroon ng time, gusto raw ni Louise makapagbakasyon din kasama ang kanyang pamilya at pati na rin si Enzo.

“Gusto ko talagang mag-beach at mag-surfing, ‘tapos mag-wakeboarding ulit.

“Gusto ko ring mag-water rafting. Magandang i-try ‘yon.

“Yung mga water sports, masayang adventure. Nakaka-relax talaga actually.

“At saka summer na nga, e. Ang init!” sabi ni Louise.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN