Mike Tan says not being included in Kambal Sirena billboard is no big deal

Mike Tan on acting: "Kung aarte ka lang din at nangangarap, sagarin mo na. Isipin mo na yung pinakamataas na uri ng pag-arte... Pag drama, iiyak ka na lang ba, hindi. Dapat ibang atake naman para may iba naman silang mapanood. Bigatan mo na, mangangarap ka na rin lang, lubus-lubusin mo na, kumbaga, karerin mo na."


Walang maraming issues sa kanyang showbiz career si Mike Tan.

Hindi raw problema sa kanya na hindi siya kasama sa billboard ng Kambal Sirena, kahit silang dalawa ni Aljur Abrenica ang sinasabing leading men dito ni Louise delos Reyes.

Saad ni Mike, “Love triangle nga kami sa Kambal Sirena, pero hindi naman kapag ka-love triangle ka, kasama ka na sa billboard.

“Pero kung sinabi nila na ako ang leading man, pero wala ako sa billboard, dun na ako magtataka.

“Si Aljur Abrenica ang leading man at si Louise delos Reyes ang leading lady kaya wala ako dun, okey lang sa akin.

“Ang mahalaga naman sa akin, kasama ako at may trabaho ako.

"Dun pa lang, solve na ako.

"Andito naman ako para suportahan ang bagong loveteam ng GMA-7."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike pagkatapos niyang mag-guest sa radio program ni German Moreno sa dzBB 594 kamakailan.



NOT PICKY. Hindi rin daw big deal para kay Mike kung nabibigyan siya ng kontrabida role kahit nagbibida na siya sa mga drama series ng Kapuso network.

“Hinahayaan ko ang GMA na mag-decide sa akin kung ano ang nararapat," sabi ng StarStruck alumnus.

“Puwede naman ngayon bida ka, next project kontrabida ka.

“Kung ano yung ibigay nila sa aking proyekto, tinatanggap ko.

"Mula nang nagsimula ako hangang ngayon, never na namili ako.

“Kasi hindi naman nila ako bibigyan ng trabaho na alam nilang hindi bagay sa akin at hindi ko kayang gampanan.

“Mahirap naman kasi na gusto mo lagi na leading man ka, ’tapos wala namang mabigay sa ’yong trabaho.

“Nagtatrabaho kasi ako, hindi lang para sa sarili ko.

"Nagtatrabaho ako para sa future ko at sa future ng magiging pamilya ko at sa pamilya ko.

"Mas mahirap na mapili ka sa trabaho, mas malaki ang tsansang mabakante ka, yun ang ayoko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



SWAMPED. Masaya raw si Mike sa sunud-sunod na proyekto na ibinibigay ng GMA sa kanya.

Saad ng aktor, “Masaya kasi kahit papaano, binibigyan ka ng proyekto ng GMA-7, lagi ka nilang priority kapag may bago silang show.

“Thankful ako dun kasi yun naman talaga ang gusto ko—magtrabaho nang magtrabaho.

“’Tsaka ’yan ang passion ko sa buhay, ang pag-arte.

"Ang nakakatuwa, hindi pare-pareho ang roles na ibinibigay sa akin ng GMA.

“Laging kaya kong paglaruan, kaya kong mag-isip ng nararapat at bagong atake ng pag-arte.

“Napa-practice ko yung acting ability ko sa mga roles na ibinibigay nila sa akin."

Nagkakaroon din daw ng guest appearances si Mike sa ibang shows ng GMA, ’tulad ng Magpakailanman at Imbestigador, kung saan iba’t ibang role din ang natotoka sa kanya.



WISHFUL. Inamin ni Mike na pangarap din niyang tumanggap ng Best Actor award balang-araw.

“Oo naman! Lahat siguro ng artistang katulad ko, nangangarap na makatanggap ng tropeyo para sa best actor.

“Kasi ang pagtanggap ng award ang isang basehan ng pagiging magaling na artista.

"Kaya naman ayokong magpaka-ipokrito at sasabihin ko na ayoko dahil ang totoo, gustung-gusto ko."

Sa ngayon daw ay napapansin na ang kakayahan niya sa pag-arte.

"Dun pa lang, ang saya-saya ko na!" bulalas niya.

Isang dream role daw niya ay gumanap bilang isang psycho killer.

Saad ng 27-year-old actor, “Iniisip ko kasi, ano kaya yung pakiramdam nun? Ano kaya ang nakukuhang pleasure sa ginagawa nilang pagpatay?

“Sa akin kasi, kung aarte ka lang din at nangangarap, sagarin mo na.

"Isipin mo na yung pinakamataas na uri ng pag-arte, yung sa tingin mo mapu-push yung sarili mo sa pag-arte.

“Pag drama, iiyak ka na lang ba, hindi!

"Dapat ibang atake naman para may iba naman silang mapanood.

“Bigatan mo na. Mangangarap ka na rin lang, lubus-lubusin mo na.

"Kumbaga, karerin mo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malay mo, mabigay sa ’yo yung dream role mo, dapat handa ka na."



NOTHING SEXY. Kaya raw ni Mike na gampanan ang daring at mature roles, “Pero hindi ko pa kaya yung sobrang sexy talaga.

“Like, yung pagpapakita ng butt o kaya man-to-man na love scene, hindi ko pa rin kaya yun.

“Sa babae, bed scene o love scene, kaya.

“Kaya kong magpakabading, pero walang kissing scene or love scene.

“Hindi naman ako nagsasardo ng pinto, lalo na’t maganda yung proyekto, magaling yung makakasama mong artista at magaling yung director.

"Siguro magagawa ko lang yun pag ready na ako, pag kaya ko na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN